Can I Borrow?

27 1 0
                                    

Sorry po for the long no updates! So busy lang po! Pls leave any comments and vote po! thank you so much!

_____

Daphne's POV

Nakarating na kami sa bahay pero si Khalil, wala nang ibang sinabi at dumiretso lang sa kwarto nya. Napabuntong-hininga na lang ako at dahan-dahang naglakad papuntang kusina at kumuha ng maiinom. Nung ibaba ko na ang baso sa lababo, naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko.

Akala ko, kaya kung pigilan pero bakit ba kasi hindi ko kayang itago? Bakit ba kasi pagdating sa kanya masyado akong apektado?

"What are you doing?" Napigilan ako ng marinig ko ang boses nya. Mabilis kong pinahid ng kamay ko ang luha ko at pilit na ngumiti paharap sa kanya.

"Ah wala naman, uminom lang ako ng tubig." Sagot ko.

He nodded at kumuha ng gatas sa refrigerator at ininom nya.

"Can you cook for a dinner? Something with sauce." He said.

"Sige, menudo o mechado?" Tanong ko naman. He lazily turn around and walk.

"Either both, ikaw na bahala." Sagot nya saka na tuluyang umakyat at bumalik sa kwarto nya.

Sighed. Ang hirap din talaga kapag wala si tita. Walang nagluluto para sa amin. So kahit hindi ako marunong magluto susubukan ko pa din magluto ng menudo. Kinuha ko yung cook book sa may side ng kalan at sinimulan basahin at ihanda ang mga ingredients. Habang naghahanda ako at binabasa ang procedures may naamoy akong para nasusunog. Yung karneng pinapalambot ko naubos na pala yung tubig at dumikit na yung karne sa pan at nasunog. 

Bakit ba kasi ako nag-initiate magluto? Alam ko na ngang mangyayari to still? Hays. I'm so hopeless. Ano nang gagawin ko nito?

"What happened?" Nagulat ako at napatayo sa pagkakaupo dahil nga I feel so hopeless. Tapos dumating pa ang problemadong anak ni tita na si Khalil. 

"Sorry, hi-hindi ko kasi napansin na wala na palang tubig yung karne na pinapalambot ko." Sagot ko naman. Umirap lang sya sakin at naglakad sa sunog na karne. 

"Pwede pa to, may part lang na nasunog pero pwede pa 'to. Ako ng bahala sa karne. Pakilatag yung sauce and veggies na ihahalo." Seryosong sagot nya habang tinatanggal nga yung karne sa pan.

Tahimik ko naman syang sinunod at pinanuod. Tahimik lang din sya at seryosong nagluluto. Pag may iuutos sya, sinusunod ko naman agad. Hanggang sa mayamaya pa nga ay natapos na sya sa pagluluto. Ako na naghanda ng hapag-kainan at sabay na kaming kumain.

Walang nagsisimula samin ng kahit na anong topic. Naalala ko na may kakausapin pala ako na admin ng isang page, yung problema ko nga na scandal ko sa University X-Files. Kailangan ko makipagusap na itigil nila at burahin yung pinost ng Katrina na yun.

Paano kaya ako magsisimulang manghiram sa kanya ng laptop? Nakakahiya pero bahala na.

"Ah Khalil, may favor sana ako sayo. Kung okay lang?" Mahinang tanong ko. Napatigil sya pero di nya ako tiningnan.

"You are always asking me a favor. Again, what is it?" Medyong iritang tanong nya. Napakamot naman ako ng ulo pero kasi talagang I have no choice.

"Pasensya ka na talaga, wala din kasi akong mahingan ng tulong eh. Don't worry. Babawasan ko naman na." Sagot ko.

Hindi sya sumagot at tumuloy lang sa pagkain. Hinanda ko naman yung sasabihin ko and straightforward ko ng sinabi ang request ko.

"Can I borrow your laptop? Urgent lang na may gagawin kasi akong tambak na projects and assignments eh. Hindi ako makahiram kay Bettina kasi gagamitin din nya. Okay lang ba?" Tanong ko. He look at me.

"I'm sorry, pero yung laptop ko ay nasa student council. If you like, gamitin mo na lang yung computer ko." He offered. Nanlaki naman mata ko. 

Teka? Sa loob ng kwarto nya? If that happens, that was the first time na papasok ako ng kwarto nya? Is that really okay?

Ay teka! No, pag pumayag ako makikita nya yung totoong gagawin ko. Hindi pwede.

"Ay ganun ba? Salamat sa offer mo pero ano, wag na lang. Kasi ano ahm..." Shoot. Anong idadahilan ko?

"Ano? Don't tell me you're thinking about something else?" Nagsimula na syang magduda.

"Ha? Hindi ah, naalala ko kasi na ano konti na lang pala yung gagawin ko, mukhang kaya pa naman gawin the next day. Report lang naman yun so I think it's fine." Sighed. Sana lumusot.

Kunot-noo man sya ay di na nya ako pinansin at tinapos na ang pagkain nya. May pagka-cold talaga sya. Hindi din nya ako tiningnan at umakyat na sya sa kwarto nya.

Ako naman nagsimula ng hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. I checked the time. It's already 10pm na din pala. Siguro tulog na yun si Khalil.

Paano ko kaya to magagawan ng paraan? Kailangan ko talaga makausap yung admin nung page eh. Pero paano naman kaya?

Naisipan ko na din umakyat at pumasok sa kwarto ko pero napatigil ako sa harap ng kwarto ni Khalil. Hinawakan ko yung doorknob at nagulat ako na bukas sya.

Bukas yung pinto!? Naiwan nya ba 'tong bukas?

So I slowly opened the door and there nakita ko syang natutulog na with his lampshade on. Napatingin ako sa computer nya na malapit lang sa pinto. Pumasok na ako at sinigurado ko kung natutulog na ba talaga sya. At mukha namang tulog na tulog na sya.

Maingat akong umupo sa harap ng computer nya at binuksan yun. Agad akong naglog-in sa FB account ko at pumunta sa page. Nagpm ako sa admin at nakiusap na ishutdown nila yung scandal post about sa akin. Since it was late midnight na din, hindi pa nila nasi-seen yung message ko.

Pano ba to? Inaantok na ako pero kailangan ko magtyaga ng reply nila. Please someone send me a reply ASAP!

Hindi ko na napansin at nakatulog na ako. Kinabukasan ng 6AM in the morning, nagising ako sa harap ng computer ni Khalil. Maaga na pala at dito na ako nakatulog. Agad akong lumingon sa kanya, tulog pa din sya. Mabuti naman. I checked the computer at nabasa ko na ang reply nila sakin, 10 minutes ago.

'Okay, let's meet first later malapit sa Hot N Cold Night Club ng hapon. Meet us alone. Let's talk about it.'  - Admin

Yan ang sinagot nila sakin. I agree at saka ko na in-off yung PC at dahan-dahan pero nagmamadali akong lumabas ng kwarto nya kasi baka magising sya. Paglabas ko pumasok agad ako sa kwarto ko at naghanda na.


Samantala, lingid sa kaalam ni Daphne ay gising na pala si Khalil at nakita ang ginawa nya. Out of curiosity Khalil checked the history link and found out about the conversation. Khalil had a bad feeling about it so he acted innocently and observe Daphne.


_____

I'll update again soon. Thank you!

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Where stories live. Discover now