Volunteer Application

20 1 0
                                    

2018. Update. Firstly, I do really sprry for not being active here. I rewatched my Favorite Kdrama when I was in High School just to motivate myself again and I guess it's a calling. Pray for me na matapos ko po yung Story ko nato. Maraming salamaaaaaat

—————-—––––-–––––––––––––--–––––

*Recess

"Oh, Daphne? Anong mukha yan? Kakabalik mo lang ng school tapos para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa sa lalim ng buntong-hininga mo. Tell me, si Alien na naman no?" Tanong sakin ni Bettina. Walang ganang tiningnan ko lang sya at nag make-face.

"Ano ka ba naman, hindi naman sya ang dahilan eh. Lahat na lang ba ng problema ko ay palaging sya? Huh?" Tanong ko naman. Umupo sya sa kaharap na bench at nagbukas ng libro.

"Oo. Sya lang naman palagi laman ng isip mo eh." Sagot nya sakin habang nililipat ang pahina ng librong hawak nya.

Sumingkit-mata akong umirap sa kanya. "Ewan ko ba kung bakit kita naging best friend eh sa oras na ganitong sitwasyon ko, hindi ka nakakatulong."

"Hmmn, eh ano ba kasing problema?" Tanong nya. Bigla naman akong napabuntong-hininga ulit.

"Paano kasi, zero ako sa suprise quiz kanina. Tapos, wala din akong naintindihan sa mga lesson. Waaaaaah. Ano ng gagawin ko? Wala akong maintindihan talaga. As in, di ko alam kung anong lesson kanina." Sagot ko naman.

"Well, understood kasi dahil sa nangyari sayo nitong mga nakaraamg araw, but why not bother to ask for my notes? Nakalimutan ko din ipaalala sayo kasi akala ko naman eh you're doing fine. Lalo na at nakatira ka pa sa kanila diba?" Sagot naman nya. Napahawak na lang ako sa dalawang pisngi ko at umiling.

"Pakiramdam ko, hindi ako makakatapos ng Senior High dahil sa kagagahan ko. Bakit ko nga ba nakalimutan. Paano na to?" Maiiyak na sabi ko.

"Well, wag mo na patunayan pagiging Ms. Zero mo sa school nato. Catch up na lang, pahiramin kita ng mga notes ko. Kumpleto naman yun." Sagot nya.

"Salamat beshy ah, pero kasi ang problema ko ay kailangan ko ng may magtuturo sakin. So please? Pwede ka naman makitulog sa bahay eh tapos turuan mo ko magdamag." Ngiting suggestion ko.

"Daphne, natutuwa ako dahil nakikitaan kita bigla ng eargerness sa pag-aaral. Samantalang dati naman, okay ka na sa 25/50 na scores mo palagi sa mga tests natin or below that. Pero, gustuhin ko man samahan ka pero gagabihin ako sa practice ko mamaya. Sumali kasi ako sa isang Art Club, training ko yun since gusto kong kunin sa kolehiyo ang fashion designing saka isa pa. 30% sa mga Club na sasalihan mo ay magiging grades mo para makagraduate ka. Bakit di mo subukan Daphne? Sumali sa mga club? Para atleast may 30% kang makukuha as a grade." Sagot nya.

Napakunot noo ako sa suggestion nya. Sabay kamot batok. "Alam mo naman na wala akong talent at hindi ako sporty na tao Bettina diba? Pakiramdam ko walang tatanggap sakin kahit mag-apply ako."

"Ano ka ba naman? Hindi mo pa nga sinusubukan eh. Halika! Pumunta tayo sa sa Announcement Board. Dun nakapaskil lahat eh." Tumayo sya at hinawakan ako sa kamay saka ako hinila paalis.

Nakarating nga kami sa Announcement Board at marami ngang bukas na Club dun at hiring pa sila ng members.

"This is so frustrating, Academic Clubs, Sport Clubs, Art and Music Clubs, pakiramdam ko. Hindi talaga ako magfi-fit in dahil may pa-audition sila. Alam mo naman ako diba? Wala akong maipapasa sa mga yan. Sighed."  Sagot ko sa kanya saka ako umaktong tumalikod at maglalakad na paalis nung hinila nya ako pabalik.

"Sandali lang, it might true that you might not fit in sa mga clubs na nabanggit mo. I hate to say this but, Student Council President is in need of 2 Male & Female Permanent Volunteers for the Department of High School Division. Ayokong mapunta ka sa dept. na yan dahil sure na--- Daphne!? Are you listening!?"

Loving Ms. Zero [ON-GOING 2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon