CHAPTER 1

271K 2.1K 52
                                    

Jamie’s POV

“Jam, may balita ako sa iyo!” she excitedly said. Cassandra is one of my friends in the accounting department. Ang lakas ng radar niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang siya naging isang reporter pasok na pasok naman siya.

 

“Ano?” I asked while typing in my keyboard. Hindi ako mahilig sa mga chismis na iyan well except kapag tungkol sa mga movies na gusto ko. For your info, hindi ako matandang dalaga, dalaga lang ako.

“Darating na anak ni Mr. Mendrez this coming Monday at siya na ang bagong mag-mamanage nitong company.” Hindi ko siya sinagot bagkos tiningnan ko lang siya na parang sinasabi ko ‘so what?’ “Oh gad! Di mo pa ba siya nakikita? I mean kalat na kalat na nga iyan dito sa department natin. Ang sabi rin nila masungit pero keri lang kasi ubod naman ng gwapo,” she squealed and I immediately covered her mouth.

“Hehe! Sorry may ipis kasi.” Ako na ang humingi ng paumanhin sa kanila. “Huwag ka ngang sumigaw. Wala akong pakialam kahit gwapo yun malay mo bakla naman,” I said and it was my turn to laugh.

“Ewan ko sayo, kaya single ka pa kasi wala kang kwentang kausap,” she shook her head and seemed to say that I was hopeless. Excuse me? Ako pa talaga ngayon ang walang kwentang kausap? Sasagutin ko na sana siya pero ayun nagwalk out. Nawalan na yata siya nang gana. Hindi naman ako man hater, baka kasi bakla yun, yan ang uso ngayon gwapo naman pero bakla. Looks can be deceiving.

Jamie Briana Cruz Rodriguez, at your service. Mabait, mayaman, maganda, in short perfect but we all know there’s no perfect so would you still believe in me? Hindi ako sinungaling ha? Minsan lang ako nagsisinungaling kung kailangan lang kaya huwag niyo akong masyadong tularan. Matagal tagal na akong nagtratrabaho dito sa Mendrez’s company kahit na may sarili kaming kompanya. Ayoko kasing ako ang magmanage nung kompanya namin, feeling ko kasi hindi pa ako deserving at ang bata bata ko pa kaya. Marami pa akong gustong gawin at gusto ko munang mag-enjoy.

HOY BRUHAAAA MAYYY TAAAWAAAAGGG KAAAA!! Bruhaaaa mayy taawaaag kaaaa!! 

Hinanap ko na ang cellphone ko. Sure ako na cellphone ko iyon dahil ako ang nagrecord nito at inassign ko ito sa mga bruha kong kaibigan. “O?” sagot ko sa tawag niya.

“Asan ka na? Reminder lang may lakad tayo mamaya,” mataray na saad ng kabilang linya.

“May tinatapos lang ako. Pwede mo ba akong sunduin? Di ko kasi dala ung baby ko ehh.” Huwag niyong isiping baby talaga na anak o di kaya ay kasintahan. Tinuturing kong baby ang kotse ko pati na rin ang mga gadgets ko. Sila kasi ang nagpapasaya sa akin ngayon aside from my family and friends.

 

“Ano ba ang silbi ng kotse mo? Bibili bili ka tapos di mo pala gagamitin? Lumipad ka na lang! Haha, pero tatawag na lang ako kapag nasa baba na ako. Baboosh!”

  

“Ay, bastos!” Binaba niya kasi agad ang tawag.

Friday kasi ngayon so walang pasok bukas, malamang, tanga lang? Naghahangout kasi kami ng mga barkada ko para magunwind. Lima kaming magkakaibigan, si Cindy ang babaeng mataray at mahilig sa mga party o bar. Si Zoe, ang medyo greenminded sa amin. Yeap, may kaibigan akong greenminded kaya pati kami minsan nahahawaan na. Si Kate, ang maarte at minsan conyo kung magsalita. Ang sakit minsan sa tenga. Si Althea, ang walang kwentang kausap, I mean ang joker. At syempre ako, lima nga diba? Ang sabi nila tatanga tanga at childish raw ako minsan at gusto kong ihampas itong computer na ito sa mga taong nagsalita nun. Ako tanga? Hindi ah. Makilala niyo nalang ako kapag pinatuloy niyong basahin ang story ko. We studied in the same university with different courses. Iba-iba man ang ugali, may pagkakapareho naman kami. Lahat kami ay MAGANDA.

Married To My Boss (published by Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon