CHAPTER 3

202K 2.2K 78
                                    

JAMIE’S POV

 

One week palang si sungit dito pero ang dami na niyang pinapagawa, lalong lalo na sa akin. Madalas na akong mag-overtime. Sa pagkakaalam ko hindi niya ako secretary pero mukhang iyon naman ang ginagawa ko. Workaholic ba talaga iyon? O talagang naiinis lang siya sa akin at gumaganti sa mga pinaggagawa ko. 

“WOW! Anong ginagawa mo rito?” Anong nakakagulat kung andito ako ngayon sa canteen at kumakain? Kararating lang kasi nila samantalang matatapos na ako sa pagkain. Inunahan ko na sila dahil gutom na talaga ang mga alaga ko.

“Aba’t siyempre magpapagupit ako ng buhok dito,” sarcastic kong sagot. Kailangan kong ramihan ang pagkain ko dahil nasa isang giyera ako.

“Talaga? Pwede dito?” Mukhang amused na tanong ni Cassandra at tumingin pa sa paligid.

“Ano ba?! Naniwala ka naman! Siyempre nakita mo na nga na kumakain, magtatanong ka pa!” Saway ni Chelsea at pinalo si Cassandra sa braso.

“Aray naman. Sorry tao lang nagkakamali rin,” Napakamot siya sa ulo. Umorder nalang muna sila ng kanilang lunch at nabusy na kami sa chikahan kaya nagulat ako nung makita ko kung anong oras na.

“HAAALAA! 1:10 na pala, s-sorry pero kailangan ko na pala pumunta sa !@#@%.” Hindi ko na alam kung naintindihan pa nila ang sinabi ko kasi tumayo na ako at tumakbo. May kailangan kasi akong ibigay na files kay sungit dapat kaninang 1:00 PM. Lagot, pagagalitan na naman ako nito.

Ay wala yung secretary? Bahala na. Kinalma ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pintuan. Nahulog yung dala kong files kasi nagulat ako nung makita kong may kahalikan si sungit. Nakaupo siya sa mesa niya habang ang babae naman ay nakaupo sa lap niya. Tama ba itong napasukan ko? Bakit mukhang hotel ito?

Tinakpan ko agad ang mga mata ko pero nakikita ko pa rin sila dahil sa butas. “Hala, SPG,” bulalas ko. Narinig ata nila dahil tumingin sila sa direksyon ko. Ang babaero talaga, mukhang ibang babae naman ang kahalikan niya ngayon at mukhang mahuhubaran na ang babae sa suot niya. Hindi na talaga inosente ‘tong mga mata ko.

BRENT’S POV

“Miss, do you even know how to knock?” Inilayo ko ang sarili ko sa babae at tumayo na. Nagenjoy ako sa halik niya kanina pero mukhang mas mageenjoy ako sa mangyayari ngayon. I just returned to my table and leaned on my chair.

“Ma’am, I knocked on the door before I came in” hindi niyo lang narinig kasi busy kayo. Gusto kong matawa sa sinabi niya, akala yata niya hindi ko narinig. Palagi akong may pinapagawa sa kanya these past few days, chinachallenge ko siya at nakakairita kasi natatapos niya ito sa tamang oras. 

“What?!” hinawakan ko naman ang tenga ko dahil sa lakas ng pagkakasigaw nung babae, who I forgot her name.

“Hehe, wala po sabi ko baka po hindi niyo narinig kaya lalakasan ko nalang next time.” I don’t know if she’s consciously biting her lips but she looks sexy at naiinis ako dahil naapektuhan ako.

Married To My Boss (published by Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon