Hihi!! Para po ito sa lahat ng nagbasa, nagcomment at nagvote. THANK YOU!!
*******
JAMIE’S POV
“Jam, pwede bang ikaw nalang ang magbigay nito kay Sir Brent?” Tumingin ako kay Cassandra, paano may tinatype kasi ako sa computer ko ngayon.
“H-ha? Kuan uhm.. pwede b-bang si Chelsea nalang? K-kasi uhm, may kailangan pa kasi akong t-tapusin..” I gave her my apologetic look.
“Ah,sige okay lang, mukhang busy na busy ka ahh..” Ngumiti muna siya bago umalis.
Hindi talaga ako busy, nagbubusyhan lang. Hindi ko alam ang iisipin at sasabihin ko kapag nakita ko siya. Kaninang umaga nga nag ninja moves pa ako para lang di ko siya makita. Alam niyo ba kung sino ang tinutukoy ko? Aba ang boss ko! Paano ba naman, naalala ko na kung sino ang kausap ko sa bar. Pahamak kasi itong madaldal kong bibig, kung bakit sinabi ko pa ang mga yun.
“Ay kabayo!” sapo ko pa ang dibdib ko. Hinampas ni Tricia ang table ko. “Bakit ka ba nangugulat?!” ganyan ko siya kausapin kapag kami lang dalawa ang nandito.
“Eh kasi, nakatulala ka lang diyan, kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka lang naman pala nakikinig..”
“Hehe, may naalala lang ako. Ano pala sinasabi mo?” Kanina pa pala siya rito? Ang lalim talaga ng iniisip ko.
“Pakibigay kay Sir Brent at pinapatawag ka pala,” sabay abot ng isang folder.
“H-ha? B-bakit naman?” Inabot ko nalang since wala naman akong magagawa dahil pinapatawag na ako pero hindi talaga pwede eh.
“Aba ewan ko, ikaw diba ang pinapunta dun at hindi ako?” Nag-isip naman agad ako ng dahilan.
“M-masakit kasi ang tiyan ko,” daing ko habang hawak hawak ang tiyan.
“T-talaga? Punta ka sa clinic. Iba nalang ang papapuntahin ko dun at sasabihin ko nalang sa kanya,” parang naawa naman ito sa akin kaya kinuha niya ang folder at siya na raw ang magbibigay nito. Mabuti nalang at naniwala si Ma’am, hindi naman talaga ako sinungaling. Wala na kasi akong maisip na dahilan. Bakit ba kasi palaging ako ang inaatasan na ibigay ang ganito at ganyan. Ewan ko lang kung ilang beses simula kaninang umaga.
--------
Naglalakad na ako papunta sa office ni Brent. Paano ba naman, binablackmail niya ako! Ito ang sinabi niya kanina sa telepono.
“Pumunta ka sa office ko kung ayaw mong malaman ng buong kompanya ang pinaggagawa mo last Friday.”
Tingnan niyo kung gaano kasama. Bago ako pumasok sa opisina niya eh naginhale at exhale muna ako. Bahala na, magaacting nalang ako kunwari na hindi nangyari yun.
BINABASA MO ANG
Married To My Boss (published by Lifebooks)
RomanceEDITING.COMPLETE: Nakita ni Jamie Briana Cruz na may naghahalikan sa loob ng sasakyan sa labas ng kompanya kung saan siya nagtratrabaho. Pinagsalitaan niya ito at pinaalis. Paano na lang kung ang lalaki yun ay si Brent Ashton Mendrez ang soon to be...