"QUEEN" (Introduction)

445 11 7
                                    

After First and Lust, ito ang susunod na Wattpad-faithful story ko na ginawa lang para sa majority ng Filipino audience (kilala niyo na kung sino kayo). Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto sundin ang trend pero dahil nakaisip ako ng istorya na nagustuhan ko din, pipilitin kong sabayan ang taste ng mga mambabasa.

Hindi ko kasi namalayan sa mga nakaraang taon, nauso din pala ang theme ng mga 'gangsters', 'yakuza' o 'mafia' dito sa Wattpad (na isang bagay na interesado ako). Ngunit karaniwan ng mga istorya na may ganung tema ay nakapokus pa rin sa love story at kung gaano kagwapo o kaastig ang mga lalake na naiinvolve sa bidang babae. 'Reverse Harem' ang tawag dito kung pupunta tayo sa Anime terms; isang simpleng babae na napapalibutan ng mga gwapong lalake na may gusto sa kanya.

Sa istorya na 'to, mapapangako ko dito ay isang babae na simple...sa una. Napapalibutan din siya ng mga gwapong lalake...na gusto lamang siyang protektahan at handang pumatay para sa kanya. At ang tema ng gangsters, yakuza o mafia? Well, doon talaga iikot ang istorya.

Gusto ko man talagang sundin ang trend dito sa Wattpad pero hindi ko talaga kayang gawin. Sadyang hindi ko maiwasan ilagay ang seryoso kong side. Excited din ako sa dito dahil sa wakas, makakagawa na din ako ng istorya kung saan mailalabas ko ang naipon kong kaalaman sa mga gangsters, mafia o mga yakuza. Sana lang, huwag natin kalimutan na fictional ang lahat ng nakalagay dito at kung may pagkakapareho man sa totoong buhay, sadyang coincidence lamang.

Tungkol ito sa isang pamilyang kilala sa buong siyudad at ang dalagang magiging tagapagmana ng negosyo nito sa pagkamatay ng ama ng nasabing pamilya. "Queen" ang kanilang apelyido. Lingid sa kaalaman ng dalaga, bukod sa nirerespeto ay kinakatakutan din ang pamilya nila.

Sana, sa naging interesado at nagbabasa nito ngayon, tiyagain niyo ang istorya na ito dahil magiging mahaba, malalim at kakaibang experience ang mararanasan niyo sa pagbabasa nito. Taglish ang magiging format ng istorya. Pipilitin kong hindi masyado ma-paragraph kada pahina at gagawin ko ding simple ang approach kada chapters. Sana bigyan niyo ng tsansa ang istorya na ito at hindi kayo mabibigo.

-Dan Deuk Deok

QUEENحيث تعيش القصص. اكتشف الآن