Episode 6 - Embrace the Darkness

128 7 2
                                    

Bakit?

Pero wala ng gusto pang sabihin si Calvin, idiniin niya na lalo ang dulo ng baril sa noo si Sera at-

"What the..."

Biglang tumumba si Calvin na parang nawalan ng malay. Nakamulat ang mga mata niya at gumagalaw pero ang katawan niya ay parang gulay. Mabilis ang galaw ng mata ni Calvin at nagsimulang mangatal ang kanyang mga labi.

"HINDE!"

Ngunit hindi pa rin makagalaw si Calvin. Ayaw sumunod ng katawan nito at kitang-kita ang hirap niya sa paglaban sa katawan niya. Lalong nalito si Sera pero patuloy ang mga sigaw ni Calvin.

"HINDE! HINDI PWEDE 'TO-H-h-hinde..."

Nagsimulang umiyak ang binata. Napaluhod si Sera sa panghihina ng kanyang tuhod. Doon niya napansin na may makinang na bagay na nakatuhog sa leeg ni Calvin. Mas mahaba at makapal ng kaunti sa karayom.

"...espesyal na pampamanhid."

Tumingin si Sera sa kanyang likuran; isang singkit, matangkad na payat, at nakasalamin nakita niya. Ang itim na buhok nito na himod ng pomada ay kumikinang sa sinag ng araw. Lumapit ang lalaki sa kanya at lumuhod.

"Seth the Snake, sa'yo ang buhay ko madam."

Ang kanilang homeroom teacher, si Mr. Kho, ay isa pala sa kanyang bantay.

Nagsimulang umiyak si Calvin. Pinipilit niya pa ring makagalaw pero mukhang ang kanyang ulo lamang ang pwede niyang igalaw. Nakatingin lang si Sera sa kanya, gusto niyang magtanong pero walang salitang lumalabas sa bibig niya.

"Madam, makakatayo ka ba?", tanong ni Mr. Kho, nakaabot ang kamay nito. Pero hindi ito inabot ni Sera. Nagpatuloy magsalita ang guro, "Sabi ni Grey, sinabi mo daw sa kanya na huwag ka niyang bantayan. Tignan mo madam. Eto ang resulta."

Umaagos na ang mga luha ni Calvin sa panggigigil ngunit hindi niya pa rin maigalaw ang katawan niya.

"Huwag mo ng subukan," sabi ni Mr. Kho, "Hindi ka makakagalaw ng dalawang araw sa nasa katawan mo ngayon.

Tinignan siya ni Calvin, nanlilisik ang mata, "Patayin mo na lang ako. Sige na"

"Madam-"

BANG!

Napatulala si Mr. Kho. Tinignan niya si Sera na hawak na pala ang baril ni Calvin. Patay ang mga mata nito sa pagputok ng baril sa ulo ng binata. Umagos ang dugo mula sa butas ng ulo ni Calvin. Tumayo si Sera.

"Linisin niyo 'to."

Hindi makapaniwala si Mr. Kho. Bigla namang lumabas si Grey sa pinto at nagulat din sa nakita. Ibinato ni Sera ang baril sa sahig at nagsimulang maglakad palayo.

"Madam."

Tumigil si Sera. Ang nagsalita ay si Mr. Kho.

"Hindi mo mang lang gusto malaman kung bakit gusto ka niya patayin?"

Hindi nagsalita si Sera at tumigil lamang sa paglalakad.

"Alam kong siya lang ang kaibigan mo mula pagkabata. Pero nung nawala siya ay nalaman namin na sinanay pala siyang pumatay ng isang organisasyon na hindi pa namin kilala. Parehong grupo ng tao na nagutos kay Mr. Cruz na patayin ka. Kumikilos na sila ngayon at lahat gagawin nila para mapatumba ka-"

"Bakit hinayaan niyo pa siyang mapalapit sakin?"

Hindi humaharap si Sera kay Mr. Kho. Nakatigil lang ito at nakatingin sa kanyang mga paanan.

"Madam-"

"Sana matagal niyo siyang pinatay. Una-unahan lang naman 'di ba?"

Hindi na nakasagot si Mr. Kho. Napatingin na lang siya kay Grey na hindi rin alam ang sasabihin.

"Magturo ka na Seth. Hayaan mo ng iba ang maglinis nan. Grey, tara na."

Nagpatuloy na pababa si Sera at sumunod si Grey. Kinuha ni Mr. Kho ay kanyang cellphone at tumawag.

"Victor, padala mo si Gregor at Janus sa school. May...sitwasyon tayo."

Samantala, sa pagbaba ng hagdan, wala pa ring sinasabi si Sera at tahimik lang na nakasunod si Grey. Walang pumapatak na luha sa kanyang mga mata, walang kaba, takot o kahit anong emosyon. Ganito pala. Ganito pala ang pakiramdam ng nakapatay. Ganito lang ba? Ganito lang ba ang dapat mong maramdaman kahit pinatay mo ang tangi mong kaibigan?

Una-unahan lang. Mabuti ng sila kaysa kami. Ayun lang ang naisip niya.

Hindi na siya natatakot magisa. Hindi na siya tatakbo. Tatanggapin niya lahat pati ang kadiliman na humahabol sa kanya.

QUEENWhere stories live. Discover now