Episode 7.5 - REVIEW

100 6 1
                                    


Hello again readers!

Pasensya na sa matagal na updates at biglaang pagpopost. Salamat din ulit sa mga nag-aabang at nagbasa ng panibagong kabanatang ito. Isang review lang muli ito para sa mga bagong characters na naintroduce:

1. Donald "The Don" Pierce – ang binatang ampon ni Mr. Vulcan at lumaki sa Dumps (ang squatters' area ng Siyudad). Plano niyang maging pinuno ng Siyudad at kasalukuyang nagdadala ng mga droga sa Eastern District. Sa ngayon, hindi pa alam ang tunay niyang katauhan at mga plano.

2. Lucas – ang lider ng mga mercenaryo sa pamumuno ni King Van Cross, na lider naman ng Eastern District. Nagretiro na ito sa impluwensya ni Cross kasama ang matalik ang pinagkakatiwalaang kaibigan na si Lefty.

3. Lefty – isang beteranong mercenaryo na ipinadala ni Lucas sa Dumps para hanapin si Don. Sa kasawiang palad ay nahuli siya at ginamit na pain para papuntahin si Lucas sa Dumps.

4. Mr. Vulcan – ang tinuturing na lider ng mga mamamayan sa Dumps. Haka-haka na kaibigan daw ito ng Mayor ng Siyudad kaya ang mga tao sa Dumps ay hindi pa napapaalis. Tatay din siya ni Gregor Vulcan, isa miyembro ng Pamilya ni Zeus Queen.

5. King Van Cross – ang lider ng Eastern District at kasama ni Zeus Queen sa paglilinis ng Siyudad noon.

Sa mga nabasa niyong kabanata...masasabi niyo bang matinding panganib si Don hindi lang kay Sera kundi pati sa Siyudad?

Ngayon balikan na natin ang nangyari kay Sera Queen. Sa susunod na mga kabanata ay malalaman na natin kung ano na ba ang naging desisyon ng dalaga matapos ang nangyari sa kanila kay Calvin. Oras na din para makilala niya ang mga natitirang lider ng Siyudad; sila King Van Cross ng Eastern District, Lenora Viper ng Western District at "Dragon" ng Southern District.

Muli...maraming salamat sa mga nagpapatuloy nito! Naisip kong magdrawing muli at balak kong i-drawing ang isang eksena kada kabanata. Ito ang sample:

            (The Funeral, Chapter 1: Sera on the left, Hermes on the right)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(The Funeral, Chapter 1: Sera on the left, Hermes on the right)

Haha, pasensya na at sinubukan ko talaga ang makakaya ko. Please read the next chapter next week!

-Dan Deuk Deok

QUEENWhere stories live. Discover now