Episode 8 - The Meeting

89 3 2
                                    


"Handa ka na ba, madam?"

Nakaabang pala sa tapat ng pinto si Hermes habang nagbibihis siya. Tinignan niya ang sarili ulit sa salamin; ang kanyang usual na tirintas at pulang dress ang kanyang suot. Ngayon ang araw kung kaylan makikita ni Sera ang tatlong lider ng ibang distrito.

Si Leonora Viper ng West District, si  King Van Cross ng East District at si Dragon ng South District...sila ang mga huling taong kaylangan niyang makita para makumpleto ang pagkuha niya sa trono ng kanyang ama. Ilang araw rin ang nakalipas matapos ang pagkamatay ni Calvin...tinapon na niya ang huling piraso ng kanyang lumang sarili.

Dalhin mo ang pangalan natin na parang korona; iyon ang hindi niya makakalimutan na sinabi ng kanyang ama at ang tangi niyang panghahawakan. Hindi din niya sasayangin ang pinaghirapan ng kanyang ama sa loob ng 30 taon. Maraming nakasuporta sa kanya, mga taong matagal ng nakapaligid sa kanya na hindi niya alam ay tumutulong pala.

Naalala niya ang mukha ni Grey...at ang mukha ni Calvin.

Hindi. Kaylangan na niyang kalimutan ang dapat.

Nakasakay na si Sera sa kotse at nakaabang na din si Victor, nakangiti at nakapropesyonal pa din ang dating. Siguro ay maraming kababaihan sa kanyang edad ang nagkakagusto sa kanya; napakisig at napakagalang kasi ng dating niya.

Umandar na ang sasakyan, ang kanilang driver na si Frank ay masayang sumisipol sa unahan. Napansin din niya sa gilid ng kanyang mata na nakasunod ang motor ni Grey sa hindi kalayuan.

"Alam kong handang-handa ka na sa araw na 'to, madam," nakangiting sabi ni Victor, sa tabi niya ang kanyang itim na payong at sa kamay niya ay isang tablet, sa kabilang kamay ay isang smart phone. Malinis na nakapony tail ang mahabang niyang buhok.

Sasagot sana si Sera pero alam na ni Victor ang sagot; siya naman ang halos lahat na nagkwento, nagpakilala sa mga importanteng tao at nagpaliwanag sa mga darating niyang responsibilidad. Ang pagkikita niya sa tatlong lider ng siyudad ang sesemento sa pwesto niya ngayon.

...impormasyon lang ang sandata mo ngayon, madam. At iyon lang ang kaylangan mong gamitin...sa ngayon...

Naalala niya ang sinabi ni Victor. At totoo naman; wala siyang kaylangang intindihin kundi pagaralan at tignan muna ang takbo ng negosyo.

Bumaba sila sa isang five-star hotel sa Center District; base sa napagaralan niya, ang Center District ang neutral ground ng siyudad at sari-saring negosyo ang nangyayari dito galing sa iba't-ibang distrito. Walang may kontrol dito kundi ang mga customers ng mga nasabing negosyo. At anong klaseng negosyo? Napakarami para sabihin at halos lahat ay illegal.

Pumasok sila sa hotel at mas napapansin na ni Sera ang mga bantay at ang pagkakaiba nitong mga 'to (turo na din ni Victor). Ang mga bantay nila ay iba-iba ang pananamit pero ang mga mukha nila ay mas pamilyar na para sa kanya sa dalas ng pagkita niya sa mga 'to. Ang mga bantay ng West District ay puro mga babae, sa East District ay puro mga naka-suit na lalake at babae at sa South District ay ang tradisyonal na gangsters na makikita no sa pelikula; balot ng tattoo ang mukha o katawan at nakalabas ang mga baril sa bulsa.

May nararamdaman na tensyon si Sera ngunit hindi ito masamang tensyon sa apat na grupo na magkakasama ngayon; mas mahigpit ang seguridad dahil sa huling insidente na nangyari sa kanila (ang bomba sa hotel kung saan nagmeeting ang Pamilya). Ang tingin din niya ay may kakaibang samahan na din ang mga bantay na nakikita ngayon sa tagal na nila sa negosyo.

Pagbaba nila sa elevator ay dumiretso sila sa napakahabang hallway kung saan mas kaunti ang mga bantay. Pero alam ni Sera na ang mga bantay na ito ang pinakamagagaling sa lahat. Napansin niya ang isang bantay na pula ang buhok na masama ang tingin sa kanya.

QUEENWhere stories live. Discover now