Episode 3 - Business Runs Blood 2 (The Family)

182 6 2
                                    

"My deepest condolences, madam."

"T-thanks."

Hindi kaba ang nararamdaman ni Sera kundi hiya. Napakarespetado ng dating ni Victor; mula sa ponytail nitong buhok mula sa suot nitong suit ay walang magawa si Sera kundi mahiya at humanga. Ang nasa isip si Sera kaagad ay kung gaano na katanda ang lalaking ito na nasa tabi niya. Ang tantya niya ay nasa kabentehan na siya, mga 24 o 25 na siguro.

"Madam..."

"Ye-yes?"

Lutang na pala sa pagiisip si Sera. Napatingin siya kay Victor na nakatingin sa bintana ng kotse, malungkot at mukhang nag-aalala.

"Nabibilisan ka ba sa mga pangyayari ngayon?"

Naalala ni Sera ang pag-aalala ni Hermes kahapon, "Wala na kong ibang magagawa kundi maging handa," ang sagot niya. Napangiti si Victor.

"Alam kong hindi nagkamali si sir Zeus sa pagpasa niya ng responsibilidad sa'yo. Humahanga ako sa conviction mo madam, lalo sa ganyang kamurang edad at ganitong kalaking responsibilidad...nakakahanga talaga."

Bumilis ang tibok ng puso ni Sera, kaba, hiya o pagkahanga?

"Pasensiya na din madam, para sa kahapon."

"Para san?"

"Nakwento sakin ni Hermes...buti na lang at nandon si Grey."

Kahapon...kahapon ay unang beses nakakita si Sera ng patay na tao.

"Ah...its okay..."

Ang alalang iyon ay wala na para kay Sera ngayon. Kung kahapon ay natatakot at naguguluhan siya, ngayon ay parang isang eksena na lang sa pelikula na kanyang napanuod ang pangyayaring iyon. Ang mga imahe ng patay na katawan, dugo at kahit ang libing ng kanyang ama ay wala ng epekto sa kanya. Dapat na ba siyang magtaka sa kanyang sarili?

Naging seryoso si Victor, "Huwag ka magaalala madam, sa susunod ay hindi na namin hahayaang makalapit man lang sa'yo ang mga kaaway ng pamilya."

Tumingin si Victor sa kabilang bintana. Napatingin din si Sera. Sa hindi kalayuan ay may isang puting motor na nagmamaneho kasabay ng kotse nila.

"Si Grey." Ang sabi ni Victor. Napatingin si Sera sa kanya at kay Grey na nagmamaneho sa labas. Ang mga tingin ni Grey na nakakapagtaas ng mga balahibo niya sa batok...bakit parang iba na ang pakiramdam niya kapag naaalala niya din ito?

"Hindi masalita si Grey, pero isa siya sa pinakamagaling," napangiti si Victor, "Wala kang dapat ikatakot madam. Pero mukhang hindi ko na kaylangang sabihin 'yun. Hindi ka ba kinakabahan sa pupuntahan natin?"

Kanina ay sinabi na ni Victor ang pupuntahan nila; sa isang hotel sa Center District ay kikitain nila ang Pamilya. 8 tao ang kikitain ni Sera na bumubuo sa kaharian ng kanyang ama. Pamilya ang tawag ng kanyang ama sa mga taong iyon, dahil na din sinamahan at tinulungan nila siya sa loob ng 30 taon. Mula negosyante hanggang pulitiko, iba't-ibang tao ang makikita ni Sera mamaya at hindi mga kaedaran niya.

"Dapat ba kong kabahan?" Ang tanong ni Sera kay Victor. Hindi alam ni Victor ang kanyang isasagot. Ngumiti na lang ito.

"Sabi ko nga. Pasensiya na madam at nagtanong pa ko."

Biglang nawala ang kaba at hiya ni Sera. Oo, nakakahanga si Victor sa itsura pa lamang at sa trabaho nito (secretary ng kanyang ama), siguradong hindi birong mga tao ang nakikita nito sa araw-araw at ibang klase din ang pagaaral na natapos nito. Malamang ay mamatay tao din ito katulad ni Grey at pakiramdam niya ay gagawin nga nila nag sinabi niya sa kanya.

QUEENWhere stories live. Discover now