Episode 4 - Business Runs Blood 3 (The Seeping Doubt)

171 7 7
                                    


Mabilis ang harurot ng motor at mahigpit ang kapit ni Sera kay Grey. Wala siyang naririnig kundi ang pagsigaw ng makina nito at ang kabog ng dibdib niya.

Hindi din niya makalimutan ang reaksyon ng mga tao sa kwarto kanina. Hindi takot o kaba ang nakita niya kundi kalmadong galit at pagtataka. Pagkasabi pa lang ni Grey ay agad siyang dinala ni Victor papalabas at maayos na sumunod ang ibang miyembro ng Pamilya. Tahimik at nagmamadali silang lumabas. Walang nagsasalita. Sa totoo lang, mas natakot si Sera sa reaksyon nila.

Hindi na din siya nagtanong kung bakit hindi sila sumakay sa kotse ni Frank. Unang lumabas si Sera at si Grey at hindi muna lumabas si Victor at iba pa. Pagsuot ng helmet at pagsakay ni Sera ay humarurot na kaagad sila papalayo ng hotel. Tumanaw si Sera at pinagmasdan ang lugar habang papalayo sila; sana ay bomb threat nga lang at wala talagang bomba sa hotel.

Hindi namalayan ni Sera na malapit na pala sila sa bahay. Para silang lumipad sa biyahe ni Grey sa bilis ng motor nito, siguro dahil na din sa lalim ng pagiisip niya. Pagpasok nila sa malaking gate ng bahay niya ay agad na bumaba si Grey at inilalayan niya si Sera, kinuha ang helmet nito at agad na kinuha ang cellphone niya. Tumawag siya.

"Madam!"

Nagmamadaling lumabas si Hermes, alalang-alala, "Okay ka lang ba madam?"

"Oo naman. Pero..."

Tapos agad ang tawag ni Grey. Tumingin ito kay Sera at Hermes, "Papunta na si Victor dito. Nakita nila 'yung bomba bago sumabog."

Ang kaba ni Sera ay parang naging lason sa katawan niya na dumaloy sa tuhod niya. Nanghina siya at napakapit siya kay Hermes. May bomba talaga?

"Pumasok na tayo, Grey, Madam."

Dumiretso sila papasok sa bahay. Hindi pa din matanggal sa isipan ni Sera na may bomba talaga sa hotel na 'yon. Sino ang naglagay? Marami daw nagbabanta sa buhay niya...

"Ngayon lang nangyari 'to Hermes," sabi ni Grey habang paakyat sila sa sala. Napailing lang si Hermes.

"Hindi rin ako makapaniwala. Ayoko talagang isipin na..."

Hindi na sumagot si Grey at tumingin na lang siya sa sahig habang naglalakad. Tinignan siya ni Sera pati na din si Hermes.

"Bakit?"

Napabuntong hininga si Hermes, "Lahat ng meeting ng Pamilya ay laging sikreto at planado. Sa 30 taon na pagkikita nila, kahit kaylan ay walang insidenteng katulad nito ang nangyari. Maaaring nagkamali sila sa pagpaplano ngayon pero..."

Alam na kaagad ni Sera ang iniisip nila, "Baka may tumaraydor?"

Tumingin si Hermes sa kanya, "Masyado pang maaga para isipin 'yun madam."

Pumasok sila sa sala at umupo Sera. Si Grey naman ay tumayo lang sa tapat ng bintana, nakatingin ng malayo. Ang puting buhok nito ay lalong namumuti sa sinag ng araw.

"Kukuha lang ako ng tsaa, madam."

Umalis si Hermes at naiwan si Sera at Grey sa sala. Pinagmasdan ni Sera ang likod ni Grey; akala niya ay balingkinitan ang lalaking ito ngunit makikita ang laki ng mga muscles niya sa pagkabat nito sa kanyang puting t-shirt. Ano na ba ang iniisip niya...

"Madam..."

Nagsalita na pala si Grey, nagulat ng bahagya si Sera, "Y-yes?"

QUEENWhere stories live. Discover now