Episode 1: The Funeral

374 13 12
                                    

Mabagal. Mabagal ang patak ng ulan.

Maulap ang kalangitan ngunit mas maitim pa rin ang

suot ng lahat.

Nakakabingi ang katahimikan at nakakarindi naman ang mga iyakan.

Tumingala ang dalaga; hindi pala naulan. Sadyang wala lang tigil ang mga patak ng luha niya.

"Madam."

Inabutan siya ni Hermes, ang matanda ngunit makisig na butler nila, ng isang puting panyo. Kinuha niya ito at pinunasan ang luha niya

"Salamat."

"Madam Sera...hindi mo ba gustong magpaalam sa ama mo? Bago..."

Tumingin si Hermes sa kabaong ng kanyang ama na handa ng isara. Nagsimulang magtinginan sa kanya ang mga bisita.

Umiling siya at tinakpan ang kanyang mukha ng panyo na binigay ni Hermes.

Maririnig pa ba ng kanyang ama ang kanyang paalam?

Isang linggo ang nakaraan, hindi man lang niya naisip magpaalam sa kanyang ama.

Anak siya ni Zeus Queen; isang kilalang negosyante sa buong siyudad na mas nirerespeto pa kaysa sa mga pulitiko at mas kilala pa kaysa sa mga artista sa kanilang lugar. Ibig sabihin din nun ay bihira niyang nakikita at nakakausap ang kanyang ama sa araw-araw.

Kahit siya ay ang nag-iisa nitong anak.

Siya si Sera Queen. Sa pagkamatay ng kanyang ama at sa kayang murang edad, siya ang magmamana ng kaharian ng kanyang ama. Ito ang nakalagay sa huling testamento na kinagulat ng lahat at lalong kinagulat din niya.

Ngunit wala siyang pakialam tungkol dun. Kaylan nga ba niya huling nakita at nakausap ang kanyang ama?

Unang araw ng pasukan, simula ng kanyang second year. Bago umalis ng bahay ay dinadaanan ni Sera sa kanyang opisina ang kanyang tatay ngunit palaging wala ito.

Naalala niya noong bata pa siya ay lagi siyang pinapapasok ng kanyang ama sa opisina para maglaro. Nagbago lamang ito nung nagsimula na siyang magaaral sa high school. Nakikita at nakausap lamang niya ang kanyang ama simula noon, minsan pa kada umagahan.

Ano nga ba ang kanilang huling pinagusapan?

Mas naalala ni Sera ang unang araw niya sa pasukan. Pagkahatid sa kanya ni Frank, ang kanilang masayahin at malusog na driver, ay agad siyang tumakbo papunta sa kanyang classroom.

Ang iniiwasan niya ay ang mga tingin at ang mga usapan ng mga kapwa niya estudyante kada bumababa siya sa kanilang kotse. Isang pribadong eskwelahan ang North Center High; puro mayayaman ang mga nag-aaral dito, karamihan ay anak ng mga kilala at importanteng tao pero mas napapansin pa rin siya dahil mas kilala nga ang kanyang ama sa buong lugar.

"Sera!"

Laking tuwa ni Sera at nakita na rin niya ang tangi niyang kaibigan at kababata na si Calvin. Si Calvin ay kapwa niya sophomore at kaklase niya mula first year high school. Napansin niya na malaki ang dalang bag nito.

"Vin! Ba't ang laki ng dala mo?"

"Ah, eh ta-try ko kasi pumasok sa basketball team ng school natin. Maiba lang."

Athletic naman talaga si Calvin, matangkad, matipuno at laging malinis. Kapag magkasama sila ay lalong mas napapansin sila dahil sa tangkad ni Calvin. Mas maraming tingin at usapan din na napapansin si Sera sa paligid.

QUEENOnde histórias criam vida. Descubra agora