8: Her Side

394 34 1
                                    

ALYSON BURGO

kakatapos ka lang na kausapin si mom at dad tungkol sa gagawin ko. Naintindihan naman nila.

Inaayos ko yung gamit ko. Mamaya na ang flight ko papuntang England.

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko. To think na iiwanan ko sila at iiwanan ko ang taong pinakamamahal ko.

Ang taong ama ng batang dinadala ko.

It's already 2 a.m. kaya bumaba na ako. Alam ko na naghihintay si my angel sa baba.

Pagbaba ko inilagay ko na yung gamit ko sa compartment ng kotseng dala ni my angel. Actually ang gamit niya ay taxi. Hindi na siya bumaba para tulungan ako bilin ko na rin.

Tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha ko. Maya maya na patingin ako sa bahay namin at nakita ko si ate.

Shit! Bakit ngayon pa. Agad kong pinunasan ang luha ko at sumakay sa kotse.

"My angel bilisan mo nakita ako ni ate," Taranta kong sabi.

Tumango na lang siya sa akin at pinaandar ang kotse.

Habang nagda drive siya nagsalita ako.

"My angel ikaw nang bahala sa kanila. Sirain mo ang pangalan ko sa kanila. Sana wala na ring makaalam dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Ayos lang ba?" Sabi ko.

"Kung yan ang gusto mo! Ingat ka," sagot ni my angel

Sana nga madaliang lahat. Sana makabalik pa ako.

"Nga pala my angel bumili ako ng gamit ng baby mo. Yung bag sa likod," dagdag pa niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko sa kanya sinabi na buntis ako. Paano niya nalaman.

"Te-teka paano mo nalaman?" Shit! sana hindi niya sinabi kay AZ.

"Tumataba ka, moody ka, emosyonal ka, sensitive ka, nakita kitang humawak noon sa ulo mo kaya ang hula ko nahilo ka, yung tumakbo ka noon papunta sa cr kaya ang hula ko nagsuka ka. Diba lahat ng yun symptoms ng buntis? Tama ba ako ng hinuha ko?" Sabi ni my angel.

Tama siya! Symptoms nga yun ng buntis.

"Your right! im pregnant. 'Wag mong sabihin kay ZA ha?" Pagsuko ko. Wala na rin namang dahilan para itago ko dahil alam na rin naman niya.

Pagkatapos ng paguusap naming yun. Hinintay namin ang flight ko. Pumasok na ako sa plane.

Huminga muna ako ng malalim para makahugot ng lakas. This is it. Makikipaghiwalay na ako kay ZA.

Abhorrence Of Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon