CHAPTER 3

1.5M 28.7K 3.3K
                                    

CHAPTER 3

NAPANGITI nalang si Ria matapos niyang makapag-withdraw gamit ang ATM ni Izaak. Pasalamat si Izaak hanggang thirty thousand lang per day ang puwedeng i-withdraw, dahil kung hindi, uubosin talaga niya ang pera nito.

Kung tutuosin, kaya naman niyang mag shopping na pera niya ang gamit, hindi naman siya naghihirap. Pero naisip niya, bakit niya gagastusin ang sarili pera kung may asawa naman siya? She's sure as hell na ginagastusan nito ang babae nito, kaya dapat lang na gastusan din siya nito. Hindi niya hahayaang kaya-kayanin siya nito.

Hindi pa nga sapat ang thirty thousand na kinuha niya sa ATM nito. Sa lahat ng sakit na idinulot nito sa kapatid niya, kulang pa ang pang shopping niya.

Sa loob ng dalawang buwang narito siya at nagpapanggap na Syl, sisiguraduhin niyang mag-iiba ang pagtingin nito sa kaniya at sisiguraduhin niyang bago siya umalis, maramdaman nito ang sakit na pinaramdam nito sa kakambal niya.

That's a promised.

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya ng ipasok niya ang Audi na minamaneho sa garahe at naroon si Izaak, mukhang hinihintay siya.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya ng buksan niya ang pinto at lumabas.

"Good evening." Masaya niyang bati sa lalaki.

Madilim ang mukha nito. "Nagulat ako na alam mo palang gabi na." Puno ng sarkasmo ang boses nito. "Akala ko ba magsa-shopping ka lang? Bakit ginabi ka?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "At anong problema mo do'n?" Tumalim ang mga mata niya. "Mr. Davidson, may I remind you na hindi kita sinisita kung gabi ka nang umuuwi—"

"Nagsusumbong ka lang." Isinandal siya nito sa gilid ng kotse at inilapit ang mukha sa mukha niya. "And didn't I tell you to stop calling me Mr. Davidson?"

Pasimpleng napalunok si Ria habang sinusuway ang puso niya na bumibilis ng tibok sa hindi niya malamang kadahilanan. She can feel his body pressed against hers and its making her body tingle. Sa sobrang lapit nila sa isa't-isa, naamoy niya ang mabango nitong hininga.

"Lumayo ka nga sakin." Aniya sa matapang na boses. Hindi niya hahayaang makita nitong kinakabahan siya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila. "Step away."

"And why would I do that?" Lumapat ang palad nito sa beywang niya saka ipinasok ang kamay sa loob ng pang-itaas niya.

Nahigit niya ang hininga ng dumako ang kamay nito sa ibaba lang ng mayayaman niyang dibdib.

Sumasal ang tibok ng puso niya at parang may dumadaloy na kakaibang kiliti sa katawan niya dahil sa mga palad nitong humaplos sa katawan niya.

"Bitiwan mo ako, Izaak." Tinabig niya ang kamay nito.

Her body is reacting. She doesn't like it.

Syl told her that Izaak never touched her since day one of their marriage. Bakit hinahawakan siya nito ngayon?

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Kailangan pa pala kitang hawakan para tawagin akong Izaak." Inilapit na naman nito ang mukha sa mukha niya, halos isang dangkal lang ang distansiya ng mga 'yon. "Kapag halikan kaya kita, ititigil mo na iyang pagpapanggap mo?"

Pinatapang niya ang mukha kahit ang totoo ay kinakabahan siya na baka tutuhanin nito ang pinagsasasabi. "Subukan mo, sasapakin kita." Nagtatapang-tapangang sabi niya.

Izaak smirked. "Challenge accepted, Wife."

"Anong ibig mong sabi—"

Walang sere-seremonyang inilapat nito ang labi nito sa mga labi niya at ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at hinalikan siya na para bang pag-aari nito ang bibig niya.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon