CHAPTER 23

1.2M 24.6K 2.3K
                                    

CHAPTER 23

NAKASIMANGOT si Ria habang nakasakay sa public golf cart patungong Clinic ng Temptation Island. Pagkatapos siyang pakainin ni Izaak sa Eroticafe kaninang umaga, nagpaalam ito sa kaniya na may pupuntang importante at ginamit ang pribado nilang golf cart at iniwan siya sa Cabin nila.

At dahil hapon na at wala pa rin si Izaak, napagdesisyunan niyang pumunta sa Clinic ng Isla para masiguro kung tama ang hinala niya na buntis siya.

Magpapasama sana siya kay Izaak pero hapon na wala pa rin ang loko na 'yon.

"Thanks." Sabi niya sa Driver ng Gold cart ng makarating sila sa Clinic at makababa siya.

"Have a nice day, Ma'am." Magalang na sabi ng Driver sa kaniya saka umalis na ito.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa pintuan ng Clinic. Napakagat-labi siya bago naglakad papasok sa Clinic.

"How may I help you, Miss?" Anang lalaking naka Doctor's Robe na siyang sumalubong sa kaniya. "I'm Edzel, the resident Doctor of the Island."

Pinalibot muna niya ang tingin sa kabuonan ng Clinic bago itinuon ang tingin sa Doktor at sinagot ang tanong nito. "Ahm, magpapa-check up sana ako."

The handsome Doctor looked at her from head to toe. "You don't look like sick to me." Komento nito.

She gives him a tentative smile. "I think I'm pregnant." Aniya na ikinabilog ng mga mata nito. "Nandito ako para i-check kong tama ang hinala ko."

"Oh." Ngumiti ito at iminuwestra ang kamay sa bakanteng pang-isahang sofa. "Upo ka muna. Kukuha lang ako ng Pregnancy Test."

Tumango siya saka nanlalamig ang kamay na umupo. Hindi niya alam kung nanlalamig ang kamay niya dahil kinakabahan siya o baka naman na-i-excite siya.

Humugot siya ng malalim na hininga saka maingat na pinakawalan 'yon. She's excited and nervous at the same time. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Izaak kung magiging positive ang resulta ng test. Would he be happy or not? She hoped it's the former.

Napahugot ulit siya ng isang malalim na hininga ng bumalik ang Doktor at ibinigay sa kaniya ang dalawang Pregnancy test.

"Dinalawa ko na." May ngiti ang mga labi nito, "just to make sure."

Tumango-tango siya saka sinuklian ang ngiti nito. "Thanks, Doc."

Doctor Edzel nod, "congratulation in advance if its positive."

Ngiti lang ang sinukli niya rito saka lumabas na ng Clinic para doon nalang sa Cabin nila gamitin ang pregnancy test na binigay ng Doktor.

Pinara niya ang padaang gold cart na walang sakay saka nagpahatid sa Cabin nila ni Izaak. Nang makarating do'n, kaagad niyang ni-lock ang pinto ng Cabin at pumasok siya sa banyo para umihi. Pagkatapos ay binuksan niya ang dalawang pregnancy test saka inilapag ang mga iyon sa lababo at pinatakan niya ng tamang dami ng ihi niya ang maliit na butas ng pregnancy test.

Ria waited a couple of heartbeat for the result.

One red line. She stilled.

Two red line. Her heart stilled.

"ARE YOU sure about this, Napoleon Antonio Segundo?" Tanong ni Izaak habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa eroplanong nakaparada sa West Jet Port na nasa likod ng Isla. Tanging mga authorize person lang ang nakakapasok do'n.

Napoleon Antonio Segundo stops walking and glared at him. "Isang tawag pa sakin gamit ang buo kong pangalan, Davidson, sasagasaan kita gamit ang eroplanong 'yan." Anito sabay turo sa jet plane. "And yes. I'm a fucking Pilot for goddamn sake. I can do it."

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon