CHAPTER 18

1.2M 24.9K 3.5K
                                    

CHAPTER 18

                 

TINANGGAL ni Ria ang suot na sunglasses ng makapasok siya sa Bitter Sweet Cafe kung saan sila magkikita ng kakambal niya. Nang ipalibot niya ang tingin, kaagad niyang nakita si Syl na nakaupo sa pandalawahang mesa sa gilid.

Kaagad siyang lumapit dito at nagulat ng salubungin siya nito ng yakap.

"I'm so sorry, Ria." Kaagad nitong hingi ng tawad habang yakap-yakap siya ng mahigpit.

She hugged Syl back and tapped her back. "Ano ka ba, ayos lang yon, ako nga dapat ang mag-sorry e. Hindi ako nagtagumpay sa plano natin."

"So how are you?" Kaagad nitong tanong sa kaniya ng makaupo sila ng magkatabi. "Saan ka nakatira ngayon? Alam kong wala kang bahay rito. Have you been eating well? Are you taking care of yourself?"

Mahina siyang natawa. "Syl, sa ating dalawa, I'm oka." Natatawang umiling-iling siya, "stop worrying. I'm fine."

Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa saka pinisil iyon. "I'm sorry dinamay kita sa mga kalokohan ko. I didn't think that Izaak can charm you like that. Ang alam ko kasi, hindi basta-basta madaling makuha ang atensiyon mo, lalo na sa mga lalaki."

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "I thought so too."

"Ayos ka lang ba talaga?" May pag-aalala sa boses nito.

Tumango siya. Alang naman sabihin niyang hindi? "I'm fine."

"Liar."

Nanlalaki ang matang nag-angat siya ng tingin. "Ano?"

"I'm fine is one of the most used lie in the world." Ani Syl na may ngiti sa mga labi. "Alam kong hindi ka okay. May magagawa ba ako to make you better?"

Give me Izaak. Piping hiling ng puso niya pero hindi niya iyon sinabi sa kakambal.

"Wala. Ayos lang ako." Nginitian niya ito. "Ikaw? Kumusta ka do'n sa bahay?"

Nawala ang kasiyahan sa mukha nito. "Izaak is cold. As always. Wala nang bago riyan." Mapait itong ngumiti. "He's always with his mistress. Day and night."

Parang may kamay na pumilipit sa puso niya. She felt suffocated. "Mistress?" Si Michelle?

"Yeah." Huminga ito ng malalim, "palagi niya iyong pinapamukha sa akin. See why I want to hurt him?" May isang butil ng luha na nakawala sa mga mata nito na kaaagad naman nitong tinuyo, "he would always slapped it in my face that he have a mistress. Ayos lang naman sakin kasi ni katiting wala akong nararamdaman sa kaniya, pero ang kinakagalit ko, nang kinausap ko siya tungkol sa annulment, pinagtawanan niya ako at sinabing hinding-hindi ako makakawala sa kaniya pagkatapos ng ginawa ko. He told me that I ruined his life by agreeing to marry him, so he'll ruin mine too."

Nasasaktan siya para sa kakambal niya. Nakikita niya ang sakit at pagdurusa sa mga mata nito.

Pareho lang silang nasasaktan, sa magkaibang dahilan nga lang.

Tinuyo niya ang pisngi nito na hilam ng luha. "Kailan mo siya kinausap tungkol sa annulment?"

"Days after we planned to hurt him." Mapakla itong natawa. "Gaga rin ako, e. Nasa isip ko, kapag napa-ibig mo si Izaak at nasaktan, kahit papaano, makakaganti rin ako sa kaniya. Alam kong wala akong karapatang gumanti kasi niloko ko siya at ninakawan, pero gusto ko lang naman maging masaya. Gusto ko lang naman na maging malaya na makasama ang gusto ko, na makasama ang lalaking mahal ko. Hanggat hindi ako annulled kay Izaak, hindi mangyayari ang mga inaasam ko."

She dried Syl tears. "You stole from him because of our parents. Hindi mo yon kasalanan."

Umiling ito habang walang imik na humihikbi. "Ako pa rin ang nagnakaw, Maria." She sobbed again, "gusto ko lang namang maging masaya sina Mama at Papa. But what I didn't realize is that their happiness would bring me tears and pain." Panay ang hikbi nito at iyak habang nagsasalita. "Ayoko na, Maria. Napapagod na ako. Izaak treats me coldly. Our parents only want to use me. And the only man I truly love hates me. Ayoko na."

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon