CHAPTER 9

1.4M 26.7K 6.4K
                                    

CHAPTER 9

NAPABALIKWAS ng bangon si Ria ng makarinig ng ingay na nanggagaling sa bedside table. Nawala ang antok niya ng mapagtantong ang telepono sa loob ng cabin ang nag-iingay.

Tinatamad na inangat niya ang awtomatibo saka inilapit iyon sa tainga niya. "Who's this?" Tanong niya sa nasa kabilang linya.

"It's me, Sis." Si Syl ang nasa kabilang linya na ikinalaki ng mga mata niya. "I need you to do something for me...please..." she begged.

Tiningnan niya ang relong nakasabit sa dingding. "God, Syl, it's three in the morning." Iritado siya. "Ano bang kailangan mo sa ganitong dis-oras ng gabi?"

Syl sobbed. "I'm broke, Ria. Wala na akong pera. Naubos na ang laman ng card ko."

Napabuga siya ng marahas na hininga saka napabaling kay Izaak na nasa kama at mahimbing na natutulog.

"Shit." Mabilis siyang nagsuot ng roba saka maingat na umalis ng kama saka pabulong na kinausap ang kakambal. "Nasaan ka ba, ha?"

"Basta. Wala na akong pera, Ria." Humihikbi ito, "hindi ko na alam ang gagawin ko. Ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong."

Nakaramdam siya ng awa sa kakambal. "Ibigay mo sakin ang bank account mo, I'll wire some money to you."

"Thank you!" Bigla itong naging masaya. "Oh God, Ria, maraming-maraming salamat talaga!"

"Yeah, yeah," bumuntong-hininga siya, "send mo nalang sa e-mail ko ang account mo, I don't have my phone right now. I'll send it later kapag nakahanap ako rito ng laptop na naka-connect sa internet." She sighed and massage her nape, "At para hindi ka masyadong mamroblema sa pera, kapag nakauwi ako—"

"Nasaan ka?" Biglang tanong nito sa kaniya sa seryusong boses.

Hindi niya ito pinansin. "—ipapadala ko sayo ang dalawa kong debit card. Hindi ka naman kukuwetiyunin kasi magkamukha tayo—"

"Ria, tinatanong kita." May diin ang boses nito. "Nasaan ka?"

"None of your business." Sagot niya. "Sige, matutulog na ako."

Hindi na niya hinintay na sumagot ang kakambal. Mabilis niyang ibinaba ang awtomatibo saka napapatitig sa telepono ng ilang segundo kapagkuwan ay pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama.

"Sinong kausap mo?"

Nanigas siya sa kinauupuan ng marinig ang boses ni Izaak.

Kanina pa ba ito sa gising? Bakit hindi niya napansin?

Kinakabahan siyang humarap dito at napatitig sa mukha nito.

"Sino ang kausap mo?" Ulit nitong tanong.

"Ahm," hindi niya alam ang sasabihin, humahabi pa ng kasinungalingan ang isip niya, "ahm, ah, si ano kasi, ahm—"

"Why would you wire some money to her account? Hmm?" Bumangon ito saka umupo sa kama paharap sa kaniya habang may nanunuring tingin sa mga mata nito. "Paano mo gagawin 'yon? Wala kang pera."

Napalunok siya. "W-wala yon. I-iba lang ang pagkakarinig."

"Really?" Doubt filled his blue eyes. "Mali nga ba?"

"Oo." Kinakabahang hinubad niya ang roba na suot saka nahiga sa kama.

Gusto niyang takasan ang mga tanong ni Izaak na hindi niya kayang sagutin kaya naman ipinikit niya ang mga mata at nagpanggap na tulog.

Mahigpit na napakapit sa kumot si Ria ng maramdamang nahiga sa tabi niya si Izaak.

Please, don't ask... mahina niyang panalangin. I can't answer you.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon