CHAPTER 12

1.3M 25.4K 1.9K
                                    

CHAPTER 12

TIME FLY FAST when you're having fun. Naniniwala si Ria sa kasabihang yon. Hindi man lang niya namalayan na malapit na silang magdalawang linggo sa Isla. Nuong una ayaw pa niyang manatili rito, pero ngayon parang gusto niyang manatili rito kasama si Izaak ng mas matagal.

At least dito sa Isla, wala siyang inaalala. She felt at peace here. She felt happy.

She sighed as she looked at the calm ocean, sparkling against light of the moon.

Kailangan na niyang bumalik sa riyalidad, kailangan na niyang harapan ulit ang totoong mundo sa labas.

At yong plano niya... kailangan niyang tapusin 'yon.

Malakas siyang bumuntong-hininga saka bumalik sa loob ng Cabin.

Napatitig siya kay Izaak na mahimbing na natutulog sa kama. He looks so peaceful and handsome in his sleep.

That put a smile on her lips.

Sa nakalipas na dalawang linggo, walang ginawa si Izaak kundi gawin ang gusto niya, ang mga nagpapasaya sa kaniya. Lahat ng gusto niya sinusunod nito. He was very sweet and caring. Very far from the Izaak she had meet the first time.

And every night, he would made love to her and made her one of the happiest woman alive.

Sa tuwing magkasama silang dalawa, at sumasagi sa isip niya ang plano nila ni Syl, parang hindi na niya kaya. Hindi niya kayang saktan ang lalaking nagparamdam sa kaniya kung gaano kasaya ang mabuhay sa mundong 'to na minsan niyang isinumpa dahil sa paghihirap niya sa Chicago.

This man had made her felt special in every way. And she doesn't have the strength to hurt him.

Umupo siya sa gilid ng kama, malapit kay Izaak, saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.

"Thank you." Pabulong niyang sabi sa natutulog na Izaak. "For making me happy. For putting up on my tantrums sometimes. For accepting my cusses. For embracing my wildness in bed. And for everything. Hindi ko alam kung hanggang kailan kita makakasama, kaya susulitin ko nalang ang mga araw na kasama kita. At kapag dumating na ang oras na kailangan ko nang umalis, nasisiguro kong maiiwan ang puso ko sayo. And I hope you take care of it, even without knowing that its mine."

She kissed his lips softly and stared at his handsome face up close. Hindi niya alam kung gaano katagal niya itong tinitigan hanggang sa unti-unting magmulat ang mga mata nito.

"Hey." Izaak smiled when he saw her. "Bakit gising ka pa?"

Masuyo niyang hinalikan ito sa mga labi saka sa tungki ng ilong nito. "Nagising ako kanina e." Kapagkuwan ay sagot niya.

Umusog ito saka ininat ang mga braso saka tinapik iyon. "Come here. Tulog ka na."

Hinubad niya ang robang suot saka pumasok sa kumot at ginawang unan ang braso nito. Niyakap siya ni Izaak sa beywang saka hinapit siya palapit sa katawan nito.

She felt safe on his arms, at kailanman ay hindi pa niya iyon naramdaman sa mga naging kasintahan niya noon.

Ngayon lang. Kay Izaak lang.

"Good night, baby." Bulong ni Izaak sa tainga niya saka mas humigpit pa ang yakap sa kaniya.

"Good night." Balik niyang bulong saka ipinikit ang mga mata para matulog.

"LAST DAY na natin ngayon dito sa Isla pero hindi mo pa ako dinadala sa Temptation Falls." Naiinis na sabi ni Ria habang nakasimangot kay Izaak. "Punta na tayo do'n..." she made a pleading face, "please?"

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon