CHAPTER 17

1.2M 24.5K 3K
                                    

CHAPTER 17

ISANG linggo nang nagmumokmok si Ria sa penthouse ni Lucifer. Hindi siya lumalabas kahit anong pilit sa kaniya ni Luc, kahit nga manood ng T.V. hindi niya ginagawa, basta nakahiga lang siya sa kama at nakatitig sa kisame. Kumakain naman siya sa tamang oras pero wala lang talaga siyang ganang gumalaw o maging masaya.

Napabuntong-hininga siya ng marinig na tumunog ang cellphone niya. Tinatamad na kinuha niya iyon sa bed side table saka binasa ang natanggap na mensahe.

It's from Syl.

'Maria, magkita tayo. Gusto kitang makita at makausap kong ayos ka lang ba talaga. Nag-aalala ako sayo. Please, meet me at Bitter Sweet Cafe. Hihintayin kita do'n hanggang alas-singko ng hapon bukas.'

Walang buhay na ibinalik niya ang cellphone sa kinuhanan at napatitig ulit sa kawalan.

Two days after she left Izaak's house, Syl came back. Alam niya kasi nag-text ito sa kaniyang nakabalik na ito sa bahay ni Izaak at mas malamig pa raw sa yelo ang pakikitungo ni Izaak dito.

Mapait siyang napangiti. Now, they're back to where they belong. Si Syl bilang asawa ni Izaak at siya bilang Nomad. Walang permanenteng address. Pakalat-kalata lang kung saan dalhin ng hangin ng buhay.

This is where she belongs... not in Izaak arms. In the first place, Izaak wasn't hers to begin with, kaya wala siyang karapatang umiyak, mag emote, masaktan at kung ano pang nararamdaman ng legal na asawa. Ang kakambal niya ang asawa nito, hindi siya. Nagpanggap lang siya at tapos na ang maliligayang araw na kasama niya si Izaak.

"Move on, move on din kapag may time." Anang boses na nagpapitlag sa kaniya.

Nang tingnan niya kung sino yon, umingos siya ng makita si Lucifer na may dalang buko pie at inabot 'yon sa kaniya. At ang isa pang dala nitong malaking box na hindi niya alam kung anong laman ay inilapag naman nito sa may paanan ng kama.

"Kain ka na." Anito habang ngumunguya ng buko pie, "kaninang umaga pa walang laman ang tiyan mo."

"Wala akong gana." Aniya saka tumagilid ng higa.

Lucifer sighed and sat on the edge of the bed. "Ria, kahit magpagutom ka riyan, hindi magpapakita si Izaak na para bang hero sa isang pelikula. Nothing will change. So eat up, move on and face the world again. Nabuhay ka ng twenty-five years na wala siya, I'm sure masasanay ka ring wala siya."

Kumawala ang isang malalim na buntong-hininga sa mga labi niya saka bumangon siya at umupo sa kama.

"Nakakainis ka." Inirapan niya si Lucifer saka kumuha ng isang slice ng buko pie at kinain yon. "Saka, FYFI, hindi ako nagpapagutom. E sa talagang wala akong ganang kumain. Masama ang pakiramdam ko. Kanina pa ako naduduwal kaya ayokong kumain."

"Sabi ko nga." Sarkastikong sabi ni Lucifer saka umalis ito sa kama at nameywang na humarap sa kaniya, "maligo ka, may pupuntahan tayo."

Napasimangot siya. "Ayoko. Tinatamad ako. Pumunta ka nang mag-isa."

"When I came back, gusto ko nakaligo at nakabihis ka na." Sabi nito na walang pakialam kahit ayaw niya, "mukha ka nang zombie. Hindi ka naaarawan."

She rolled her eyes. "Lucifer, gabi na po. Wala nang araw, kaya puwede ba, tigilan mo ako."

Malalim itong napabuntong-hininga. "Ria, please, maligo ka at magbihis." Tinuro nito ang box na dala, "suotin mo ang laman niyan. Kapag bumalik ako na mukha ka pa ring binagsakan ng langit at lupa, papalayasin kita rito sa penthouse ko."

Napasimangot na tumango siya. "Oo na. Maliligo na."

Alam niyang hindi titigil si Luc hanggang hindi siya pumapayag. Ugali na iyon ng binata na palagi niyang kinaiinisan.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon