CHAPTER 20

1.3M 25K 3.8K
                                    


CHAPTER 20

FRUSTRATED na itinigil ni Izaak ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kanina pa siya naghahanap kay Ria pero hindi niya ito makita. Sinuyod na niya ang bawat kalsada na sa tingin niya ay tinahak nito ng tumakbo pero ni anino nito ay hindi niya makita.

Magmamadaling araw na, paano pa niya nito mahahanap si Ria? Wala pa siyang tulog at wala siyang balak matulog hanggat hindi niya nakikita ang dalaga. Kung kailangan niyang suyurin ang bawat lansangan ng lungsod, gagawin niya makita lang ang ito.

He's getting frustrated and angry as the time passed by.

He needed to see her. Pagkatapos nang mga binitawan nitong mga salita, hindi niya hahayaang basta lang iyong mabaliwala dahil na-isturbo sila ng mga magulang niya.

He was about to move his car again when his phone rang. Ayaw niyang sagutin ang tawag pero mapilit yon. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nagsalubong ang kilay niya ng makitang unknown caller 'yon.

Nagdadalawang isip man, sinagot niya ang tawag.

"Who's this?" Kaagad niyang tanong.

"This is Lucifer Monasterio." Pagpapakilala ng nasa kabilang linya. "It's Ria. Meet me at Bachelor's Bar." Pagkasabi no'n ay pinatay nito ang tawag.

Si Ria? Kasama ba nito si Ria? Jealousy filled him. Fuck!

Bumuga siya ng marahas na hangin saka pinaharurot ang sasakyan patungo sa Bachelor's Club. Nang ma-i-park niya ang sasakyan sa parking lot ng naturang gusali, kaagad siyang pumasok sa loob ng Club.

Kaagad niyang nakita si Lucifer sa isang mesa na malapit lang sa entrance. Napatigil ang paghinga niya ng makitang kasama nito si Ria at nakayopyop ang ulo nito sa ibabaw ng mesa.

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. "What did you fucking do to her?!"

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Nanahimik ako sa bahay ng may tumawag sakin." Tinuro nito ang Bartender na nasa likod ng isang Bar, "he called using Ria's phone to inform me that she's drunk and passed out."

Dumilim ang mukha niya. "Bakit ikaw ang tinawagan niya? Are you that special?" He sneered.

Lucifer sighed, gets up and faced him. "Look, man, I know Ria since college. She's like a sister that I never had and I am so tempted to beat the shit out of you right now for making her cry, pero labas na ako sa kung ano man ang issue niyong dalawa. Tinawagan kita kasi pangalan mo ang binabanggit niya habang lasing na lasing siyang nakayopyop doon sa bar kanina nang dumating ako." His jaw tightened. "I care for her, Davidson. And I don't want to see her cry again. So take her to a safe place, talk to her, and settle your issues. Kasi sa inyong dalawa, palaging si Ria ang nasasaktan. Stop being an asshole and fucking decide if you wanna keep her or not, because if you're just playing games with her, I'll bury you six feet under the ground and I will dance in your graveyard, bastard."

Lucifer's words seeped into him, but the jealousy he was feeling was still there, eating him and rotting. "Ano ka ba talaga ni Ria? Are you her ex boyfriend or something?"

"I'm like a brother that she never had either." Lucifer answered as he rolled up his sleeve up to his elbow. "And no, I'm not her ex." Humakbang ito paalis sa mesa. "Take care of her, Davidson, or else, I'll really bury you after I beat the fucking shit out of you." Tuluyan na itong umalis at lumabas ng Club.

Izaak's eyes settled on Ria. "What are you doing to yourself, baby?" Nilapitan niya ito saka maingat na pinangko at binuhat.

Ria groaned and wound her arms around his neck.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon