Four

962 67 16
                                    


ARA



Tingin sa kanan.


Tingin sa kaliwa.


Ok, safe!


Mukha akong trying hard na ninja dahil sa dahan-dahan kong paglabas ng classroom. Paano naman kasi, ilang beses nang may sumusulpot na asungot sa---


"Hi Ara!"


"Ay kabayo!"


Narinig ko siyang tumawa. Leche talaga, san ba 'to nanggagaling?


"O, early in the morning tapos nakasimangot ka."


"Anong ginagawa mo dito?"


"Sinusundo ka. You don't have classes na, right?"


"Wala akong pambayad sayo.", sagot ko at nagsimula nang maglakad palayo pero alam kong nakasunod pa rin siya sa akin.


"I'll treat you!"


Uy, Ara, libre daw oh.


"Tempting... But no, thank you.", tinalikuran ko na ulit siya kahit gustong-gusto kong kumain ng libre. Matter of life and death 'to, mga bes.


"Did you receive the flowers I sent the other day?"


"Oo, naubos ko na nga eh."


"What?!"


Natawa ako sa itsura niya. Gulat na gulat eh. Pero ang cute niya rin pala pag naka-pout.


Teka, sinabi ko bang cute siya?! Erase, erase, erase!!!


"Bully mo talaga! Pero sige, maghahanap ako ng flowers na edible if that's what you want."


"Ano?! Ayoko! Saka pwede bang itigil mo na yang kakapadala mo sa apartment namin? Palagay mo doon, LBC?! Ano ba talagang trip mo, ha?!"


"Ikaw."


Nakatingin lang siya sa akin. At sa totoo lang, parang gusto ko nang maniwala. Malapit na... Pero kasi...


"That's bull.", I blurted out.


Ayun na naman yung gulat niyang expression.


Wag kang magpa-apekto, Ara! Talikod na! Sabay takbo!!!


"Ara!!!"


Seryoso, nauubusan na ako ng idea on how I'm going to deal with this guy. Masyado siyang makulit!


Sa pagtakbo namin eh hindi ko namalayang nakalabas na kami ng campus at konting hakbang na lang mula sa apartment namin ni Ye. Dahil sa pagod ay napahinto na ako.


"Ars...", ang seryoso ng boses niya.


"I just want to get to know you better. What's wrong with that?"


Wala naman. Pero meron. Di ko na rin alam.


Di na lang ako sumagot.


"Why do you keep on avoiding me? I'm not sick naman ah."


"Kwento mo sa dila mong pilipit."


"Huh?"


I rolled my eyes. Hindi naman kami magkaintindihan ng lalaking 'to in all aspects.


"Matuto ka munang mag-tagalog bago mo ako kausapin! Na-nonose bleed ako sayo eh!", sigaw ko bago tumakbo ulit at iniwan siyang nakatayo sa labas.


She Found A GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant