The Dictator Prince IX

15.6K 815 341
                                    

♚♚♚

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng makatanggap ako ng sulat galing kay Scar, araw-araw akong nag-aabang at hanggang ngayon ang kaba na nadarama ko ay pareho parin.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang diktador na prinsipe na nasa harap ko ngayon. Kasama ko siya ngayon na naghahapunan, tahimik at payapa naman ang lahat.

Mga ilang araw narin na wala akong naririnig na pagputok ng mga baril dito sa loob ng palasyo, tanging balita na lang mula sa labas na di parin natitigil ang pagpatay sa kung sino man ang sumusuway sa alintuntunin ng kaharian.

Tinignan ko ng palihim ang diktador na prinsipe na nasa harap ko ngayon habang nagpapanggap na hinihiwa ko ang karne na nasa plato ko. Hanggang ngayon di ko mawaring ako ang napili niyang pakasalan, ni di ko man lang maisip, parang isang masamang panaginip na kapag naiisip ko na kalakip na ng pagkatao niya ang mga masasama niyang gawain.

Habang nakatingin ako sa kanya bigla din siyang tumingin sa akin kaya nag-iwas ako agad ng tingin, napakagat ako sa aking labi dahil baka ako'y kanyang mahuli na nagnanakaw ng tingin sa kanya. Nang hindi na siya tumitingin sa akin, tumingin akong muli sa kanya, saktong hawak niya ang isang kurbyertos at hinihigop ang masarap na sabaw. Ngunit ako'y nagulat sapagkat bigla na lang nabasag ang salamin ng bintana at tumalsik ang hawak niyang kutsara sa sahig.

Nakita ko iyon na parang bumagal ang takbo ng oras, nakita ko ang pamumula ng kamay ng diktador na prinsipe at kung paano siya nasaktan doon. Agad siyang tumayo at bumunot ng baril at nagsimula ng magkagulo ang lahat. Tumingin ako sa paligid, naglabas na ng mga baril ang mga sundalo hanggang sa narinig ng lahat ang malalakas at mararaming putok ng mga baril. Karamihan ay dumapa, ang ilan naman ay tumakbo papalabas ng silid hapagkainan, biglang lumapit sa akin si Hemprey at ako'y pinadapa, may hawak rin siyang baril at sa tingin ko ay wari niya akong pinoprotektahan.

Tinakpan ko ang aking mga tainga at ako'y pumikit, kahit ako ay nakaganun na ay rinig ko parin ang lahat at ramdam ko ang mga ilang piraso ng bubog ng basag na salamin na nahuhulog sa akin. Naramdaman ko na biglang may humawak sa may pulsuhan ko kaya pagdilat ko tumambad sa aking mga mata ang mukha ng diktador na prinsipe.

Di siya nag salita at hinila niya lang ako kaya bigla akong napatayo, nasa likod naming dalawa si Hemprey at mabilis kaming naglakad ng nakayuko papalabas ng silid na ito habang nadadaanan pa namin ang mga bangkay ng mga nasawi at ang mga umaagos na dugo ng mga ito. Paglabas namin nakita agad namin si Mr. George na may hawak ring baril.

"Nakapasok sila sa kalahati ng sakop ng palasyo mahal na prinsipe" sabi ni Mr.George sa diktador na prinsipe.

"Patayin sila at walang ititira" sagot ng diktador na prinsipe habang nag-iigti ang mga panga.

"Masusunod" sagot ni Mr. George saka tumango.

Umalis na si Mr.George at di parin tumigil ang putok ng mga baril at naririnig ko ang mga sigaw ng mga tagapaglingkod. Tumingin sa akin ang diktador na prinsipe tapos ay tumingin siya kay Hemprey.

"Dalhin mo siya sa kanyang silid" utos nito at agad na tumango si Hemprey.

Bigla akong hinila ni Hemprey at naglakad na paalis, ang diktador na prinsipe naman ay dumaan sa kasalungat ng aming dinadaanan. Habang mabilis na naglalakad kami ni Hemprey ay tinanong ko siya.

"Sino sila ?"

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at di ako pinansin o tinignan man lang.

"Nagtatanong ako, sino sila ?" malakas kong sabi.

"Huwag ka ng magtanong at sumunod ka na lang" sabi niya ng di ako nililingon.

Inalis ko ang braso ko sa kanyang pagkakahawak tapos ay huminto ako sa paglalakad kaya naman ay huminto din siya at nilingon ako.

The Dictator PrinceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ