The Dictator Prince II

13.5K 773 48
                                    

♚♚♚

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon at medyo nanlalabo pa ang mga paningin ko. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang sarili kong nasa ibang lugar nakahiga kaya napabaligwas ako bigla.

Napahaplos ang mga kamay ko sa malambot na kamang inuupuan ko ngayon, napakalaki nito at sa tingin ko magkakasya ang higit pa sa sampung tao sa kamang ito. Napatingin ako sa paligid puro puti at ginto ang nakikita kong kulay at desenyo ng kwartong ito, kwarto nga ba ang maitatawag dito ? Kasi sa sobrang laki nito masasabi kong parang isa na itong malaking tahanan na sobra pa sa may anim na miyembro na pamilya.

Bandang huli tinignan at ininpeksyon ko ang sarili ko, nakahinga ako ng maluwag dahil ito parin naman ang suot kong damit at medyo madumi pa nga ito buhat sa mga nangyari kahapon. Pero ang pinakamalaking tanong sa lahat nasaan ako at bakit ako nandirito ngayon

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalaala ko ang lahat ng nangyari sa akin kahapon, bigla na lang kumabog sa kaba yung dibdib ko na halos pati ang paghinga ay hirap ako kaya lumunok ako at huminga ng malalim.

Di kaya nandirito ako ngayon sa palasyo ng diktador na prinsipe?

Parang ayoko ng gumalaw pa sa kinalalagyan ko, bigla akong pinagpawisan kahit na hindi naman mainit dito ngayon. Nanginginig ang buong katawan at kalamnan ko tapos ramdam ko pang may mga nangingilid ng mga luha sa mga mata ko.

Anong gagawin ko ngayon? At higit sa lahat nakapagtataka dahil buhay parin ako hanggang ngayon, dapat ba akong magpasalamat o mas higit na dapat na hiniling ko na lang na pinatay na ako kanina noong wala pa akong malay?

Tumingin ako sa napakalaking pinto na yari mula sa matibay at mamahalin na kahoy. Pakiramdam ko sa pagbukas ng pintong yun haharapin ko na ang magiging kamatayan ko.

Pinipilit kong huminga ng normal pero nakapagtataka na para akong nauubusan ng hangin ngayon at sige lang ako sa paghingal na ultimong yung malakas lang na pintig ng puso ko ang naririnig ko nang dahil sa sobrang takot.

Nakita kong gumalaw ang pihitan ng pinto, mas lalo akong nanginig sa takot. Walang tumatakbo sa utak ko kundi takot puro na lang takot na baka ang taong pumasok dyan sa pinto na yan ay may gagawing masama sa akin o kaya ay siyang papatay sa akin at higit sa lahat naiisip ko ngayon si mama-- hindi ko pa ata kayang mamatay at iwan siya.

Napapikit ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at sumabay pa ang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi ko.

Pagkurap ko ay para akong binunutan ng malaking tinik sa lalamunan ng makita kong isang babaeng nakasuot ng unipormeng pangkatulong na may dalang tray na may lamang pagkain ang dumating at dumiretso siya sa mesa sa gilid ng kamang inuupuan ko at inihain iyon. Itinikom ko lang ang bibig ko habang sinusundan siya tingin.

Kailangan ko na bang sumigaw, humingi ng saklolo o ang tumakas? Pero paano kung sa labas pala ng pinto ng kwartong ito ay may makakasalubong akong mga sundalong may hawak na baril na bigla na lang na papatayin ako? Napalunok ako sa mga naiisip ko.

"Kumain na po kayo" sabi ng katulong at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto na ito.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako gumalaw sa kinaroroonan ko, sinigurado ko munang wala ng darating pa dahil baka mamaya mahuli nila ako. Bumaba ako ng kama at tinignan yung pagkaing nakahain sa mesa, naramdaman ko ang pagkulo ng tyan ko pero alam kong di ko ito maaaring kainin dahil una di ko alam kung ligtas bang kainin ito at ang pangalawa di ko pa alam kung nasaang lugar na nga ba ako ngayon.

Naglakad ako at muling tumingin sa buong paligid, nakakamangha talaga itong silid na kinaroroonan ko ngayon, naglakad ako papalapit sa may malaking bintana at hinawi ko ng kaunti ang napakalaking kurtina nito para sumilip hanggang sa nasilaw ako at tumambad sa akin ang napakalawak na sakop ng kaharian at ang napakataas na tanawin na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko ngayon. Tila biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa mga nakita ko.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon