The Dictator Prince XIII

10.3K 617 227
                                    

♚♚♚

Araw-araw naging ganun ang pagkikita naming dalawa. Sa umaga magkikita para samang kumain ng almusal, sa tanghali magsasalong muli. Pagdating ng alas kwatro ng hapon pupunta kami ng silid aklatan, magbabasa siya ng sandamakmak na libro habang ako naman ay isang libro lang ang binabasa na kadalasan ay di ko pa natatapos.

"Kamusta ang binasa mong libro?" basag ng diktador na prinsipe sa katahimikan.

"Malungkot ang naging katapusan" sagot ko.

"Paanong naging malungkot?" tanong niya.

At nag umpisa akong mag kwento tungkol sa aklat na iyon, dumating pa sa punto na binababa na niya ang kanyang aklat na binabasa at nakinig na lang siya sa akin. Nailang at napatigil ako nun sa pagsasalita pero tinuloy ko parin dahil nakikinig siyang talaga.

"Di pala naging maganda ang katapusan" sabi niya.

"Hindi nga" sagot ko.

Matapos noon ay nagulat ako dahil di niya ako pinahatid sa mga sundalo niya kundi siya mismo ang kasabay kong bumalik doon habang may mga sundalo sa likod namin na sumusunod. Paghinto ko sa tapat ng silid kung saan ako kinukulong tinignan ko ang diktador na prinsipe, nakatingin rin siya sa akin at mabilis na inalis ang tingin na iyon. Pumasok na siya ng silid niya na katapat lang ng silid kung saan ako nakakulong.

Pagpasok ko at nang isara na nila ang pinto napaisip ako sa lahat ng ginawa ko, parang nabuhusan ako ng malamig na tubig o bigla na lang nagising sa malalim kong pananaginip.

Hindi tama itong ginagawa ko. Bakit ko hinahayaan na maging ganito?

Nakasandal lang ako sa pinto nun habang iniisip ko iyon. Di ako makagalaw, ni pag kurap di ko magawa. Paulit-ulit akong lumulunok habang naiisip ko ang mga pinag gagagawa ko. Para akong napasailalim ng isang mahika at ngayon ay nakawala ako doon.

Bakit ko hinahayaang nandirito ako at di gumagawa ng paraan para makatakas. Ang mukha ni Scar ang paulit-ulit na lumalabas sa isip ko.

Kinabukasan ng umaga mag isa lang akong nag almusal dahil wala ang diktador na prinsipe.

"Ginoong George" banggit ko kaya inilapit niya ang tainga niya sa akin.

"Ano iyon?" ani nito.

"Maari ba akong gumamit ng palikuran?"

"Oo naman. Samahan mo siya" sabi nito at ang tinutukoy niya na sumama sa akin ay si Achila.

"Masusunod po" sabi nito at lumapit siya sa akin. Sabay kaming naglakad habang may dalawang sundalong nakasunod sa amin.

"Sa silid mo na lang ba ikaw gagamit ng palikuran?" tanong ni Achila.

"Hindi sa pinakamalapit na lang" sagot ko.

"Mabuti lang ba kung yung palikuran na lang na malapit sa may kusina?" tanong niyang muli at ako ay tumango.

Palinga-linga ako sa paligid at may hinahanap. Kinakabahan ako at nararamdaman ko ang pawis na namumuo sa noo ko na ilang saglit ay maaari ng tumulo. Hanggang sa nakakita ako ng isang kutsilyo, gusto kong kunin ngunit di ko magawa dahil nandyan lang si Achila at nakabantay sa akin ang dalawang sundalo.

"Dito Autumn" turo ni Achila sa akin.

"Ha?" nilingon ko siya tapos ay binalik ko ang tingin ko sa kutsilyong abot kamay ko na sana.

Kailangan kong gumawa ng paraan.

Pasadya kong sinagi ang ang pitsel na malapit lang doon kaya nagmadali si Achila na maghanap ng pamunas para sa akin, pero nagulat ako ng makitang nakatayo lang ang mga sundalo nakabantay at di inaalis ang tingin nila sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

The Dictator PrinceWhere stories live. Discover now