The Dictator Prince III

12.9K 758 119
                                    

♚♚♚

Tatlong araw. Tatlong araw na ako sa palasyo na ito pero wala paring nangyayari sa akin, buhay parin ako at nakakulong lang sa kwarto na ito.

Matapos kong unang kumain noon dito ay hindi na ako kumain pang muli kaya halos dalawa't kalahating araw na akong hindi kumakain at puro tubig lang ang laman ng aking sikmura.

Hindi ko na sinubukang tumakas pa dahil naawa ako sa katulong na nagmakaawa sa akin, lalo na ng malaman kong ako ang dahilan ng pagkamatay nung unang katulong na nagdala sa akin ng pagkain rito pero hindi na niya ako mapipilit pa na kumain ngayon dahil mas gugustuhin ko pang mamatay sa labis na gutom kesa sa habang buhay na maghintay kung anong gagawin nila sa akin dito.

Nanghihina na rin ako epekto na rin siguro ito ng di ko pagkain ng ilang araw. Pero naguguluhan na talaga ako ano ba ang balak nila sa akin ? Bakit parin ako nakakulong dito? Mula sa pagkakaupo sa gilid ng silid na ito tumayo ako at mabilis na naglakad papalapit sa may pinto.

"Palabasin niyo ako!" paulit-ulit na sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.

"Kung papatayin niyo ako patayin niyo na ako!" sigaw ko ng paulit-ulit.

Hanggang sa lumipas na naman ang isang araw na nandirito parin ako at nakakulong.

Kinabukasan pagsapit ng hapon nakaupo lang ako sa gilid ng silid na ito at nakayakap sa mga binti ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang iilang katulong at pati narin mga sundalo.

Naguguluhan ako ngayon sa mga nangyayari.

Mabilis na lumapit sa akin ang mga katulong at hinawakan ako sa magkabilang mga kamay at braso.

"Teka anong gagawin niyo sa akin?" pagpupumiglas ko, nagulat na lang ako ng unti-unti nila akong dinadala papunta sa may banyo.

Kasama ko yung mga katulong sa loob at nagbabantay naman sa labas yung may mga armas na sundalo. Hinawakan ng ilang katulong yung damit ko at pilit akong hinuhubaran.

"Teka ano ba! Bitawan niyo ako" sigaw ko at sa ginagawa nila sa akin naitulak ko ang ilan sa kanila.

Bigla na lang akong natigilan ng makarinig ako ng kasa ng baril at pagtingin ko nakatutok na ito sa akin.

"Di ka ba titigil o pasasabugin ko ang bungo mo" sabi sa akin sa sundalo kaya tumahimik ako.

"Titigil ka din pala e sige na gawin niyo na yan" utos niya sa mga katulong.

Sinimulan na naman nila akong tanggalan ng damit.

"Teka ano bang gagawin niyo sa akin?" tanong ko sabay pigil sa ginagawa nila.

"Papaliguan ka lang po namin" sagot ng isang katulong na mukhang nagmamakaawa na.

"Kaya ko namang maligo ng mag-isa" sagot ko sabay hawak sa damit ko.

"Pero inutos po ito sa amin" sabi naman ng isa pang katulong.

"Ano ba di pa ba nasisimulan yan?" sita ng sundalo na muling pumasok sa loob ng banyo.

"Kaya ko naman na maligo ng mag-isa di ko kailangan ng tulong ng iba" sagot ko.

"O sya lahat kayo lumabas at ikaw bibigyan lang kita ng isang oras para maligo at magpalit" sabi ng sundalo at sabay na lumabas sila ng mga katulong at isinara ang pinto.

Hinubad ko ang damit na suot ko, tumingin ako sa paligid ngayon lang ako pumasok dito at banyo pala ang meron sa likod ng pinto na ito pero sobrang laki at lahat ng nandirito ay mga tunay na mamahalin.

Lumublob ako sa isang paliguan na puno ng tubig at mga naglulutangang mga rosas, naaamoy ko rin ang pabango na inilagay rito na pakiramdam ko ay didikit sa balat ko.

The Dictator PrinceWhere stories live. Discover now