The Dictator Prince XIX

11.1K 618 468
                                    

♚♚♚        

Makalipas ang ilang araw ay gumaling na ako sa aking sakit. Naging madalang ang pagkikita namin ng diktador na prinsipe sa di ko malaman na dahilan. Ngayon ba siya naman ang umiiwas sa akin?

Sa ngayon malaya na akong nakakapaglibot ng palasyo. Sa huli ay wala naman akong magagawa para tumakas kaya para saan pa na ikukulong nila ako. Ganun man ay maraming sundalo at katulong kagaya ni Achila ang nakamasid sa akin.

"Ang ganda mo Autumn" puri sa akin ni Achila habang sinusuklayan ang aking buhok.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Meron akong mahabang itim na buhok, mapusyaw na balat, katamtamang tangos ng ilong at maypungay na mga mata na kulay kastanyo pag natapatan ng sinag ng araw.

"Kaya di talaga ako nagtaka ng ikaw ang piliin ng kamahalan" dagdag pa niya. Di ko alam kung magiging masaya ba ako sa huli niyang sinabi.

"May mga pinagpilian ba siya?" kuryusidad kong tanong.

"Hindi ko masabi pero may ilang beses siyang may dinala ditong babae. Isang dayuhan, parang alon ang kanyang buhok na mahaba, kayumanggi ang kanyang balat. Pero yung pananamit niya ayoko dahil masyado niyang nilalantad ang kanyang balat" kwento ni Achila.

Napalunok ako sa sinabi niya dahil kung hindi ako nagkakamali ang babaeng tinutukoy niya ang ay ang babaeng nakita kong kahalikan ng diktador na prinsipe nung gabing iyon.

"Nasaan na siya at bakit ako at hindi iyon?" nagtataka kong tanong dahil walang-wala naman ako kumpara sa dayuhang babaeng iyon.

"Hindi ko din alam bigla na lang di na siya pumupunta dito sa bansa natin" sagot ni Achila.

Isang umaga nagulat ako ng habang kumakain ako mag-isa ng umagahan ay dumating siya. Naupo siya sa kabilang dulo ng hapagkainan katapat ko, kung kanina maayos pa ako na nakakakain, ngayon hindi na habang alam kong nasa harapan ko lang siya.

Habang umiinom ako ng tsaa ay palhim ko siyang tinitignan na halos di parin makapaniwalang nasa harapan ko na siya ngayon dahil halos tatlong araw din siyang nawala sa palasyo dahil nagpunta siya ng ibang bansa.

Halos mapaso ako sa iniinom kong tsaa ng bigla siyang tumingin sa akin. Nagmamadali akong kumuha ng tuwalya para maipunas sa bibig at sa kasuotan kong natapunan nito. At habang ginagawa iyon napatingin akong muli sa kanya at isang matipid at mabilis na ngiti ang binigay niya na siyang ikinagulat ko.

Tinignan ko siyang muli at bumalik na ang seryosong ekspresyon ang kanyang mukha at nagpatuloy sa pagkain. Halos kumurap ako sa pag-iisip kung totoo ba yung kaninang nakita ko.

Habang sa pagbabasa naming dalawa sa kanyang silid aralan ay para akong sira na nagnanakaw ng tingin sa kanya. At sa pagkakataon kong sinilip siya mula sa pagkakatakip ng hawak kong libro sa aking mukha ay bigla siyang lumingon sa akin at nagbigay ng nagtatakang tingin, dahil doon ay mabilis kong tinago ang aking mukha sa librong binabasa ko sa sobrang kahihiyan.

At habang naglalakad sa palasyo at nasa likod ko si Achila na nakasunod lamang sa akin. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko na tigilan na ang pagkanais na silayan ang diktador na prinsipe.

Wag mo siyang titignan. Wag mo siyang titignan.

Nakapikit ako habang pilit na sinasaulo iyon sa aking isipan hanggang sa biglang may nakabungoan na ako.

"Autumn!" boses ni Achila.

"Patawad!" agad kong sabi at dumilat. Nakita ko na lang si Hemprey sa harapan ko.

"Ayos lang Autumn. Kamusta ka na?" nakangiting sabi ni Hemprey. Siya lang siguro yung bukod tanging lalaki na makisig parin kahit na meron siyang mahabang buhok.

The Dictator PrinceOnde as histórias ganham vida. Descobre agora