The Dictator Prince XXIII

4.4K 396 200
                                    

♚♚♚

Lumipas ang ilang araw. Ako ay nandirito parin sa palasyo at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas.

Sa kabila ng magagarang gamit at palasyo na ito, libo-libong dugo at mga nakaratay na bangkay na pala ang nagkalat sa labas.

"Autumn" isang salita, tawag sa aking pangalan ang bumungad. Matapos noon ay agad kong hinarap ang taong nagsabi nito.

Ang diktador na prinsipe. Di ko alam kung paano sa ngayon ay ang masilayan siya ay parang isang liwanag na naglalayo sa akin sa madilim kong kaisipan.

Sumilay ako ng ngiti sa kanya na mabilis ding napawi. Gusto ko siyang hagkan, di ko alam gusto ko ng mga balikat na maiiyakan at mga brasong hahagkan sa akin. Di ko mapaliwanag ang pinaghalong lungkot at saya na nararamdaman ko. Nakakabaliw.

"Magandang umaga" sabi niya at lumapit siya sa akin.

Nagulat ko ng pumuwesto siya sa likuran ko at hinagkan ako. Mula na maluwag na pagkakayakap ay humigpit ito hanggang sa ipatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Ma-gandang umaga din" nauutal kong sagot. Matapos kong magsalita nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan ng padampi sa sintido ko tapos ay bumitaw sa akin.

"Aalis na ako. Maghahatid ng pagkain ang tagapagsilbi" sabi niya saka ay umalis.

Pagod. Pagod ang tanging nakikita ko sa mga mata niya.

Habang ako ay natutulog sa aking silid, ako ay nagising sa gulat ng biglang may yumakap sa akin mula sa aking likudan.

Napawi ang aking kabang nararamdaman ng maamoy ako ang pamilyar niyang bango kaya dahan-dahan kong hinarap siya.

Pumukaw sa akin ang maamong mukha ng prinsipe. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti matapos ay niyakap ako ng mahigpit. Ang aking ulo ay nasa kanyang dibdib at ramdam ko ang bilis ng tibok ng pusa niya habang nariring ko ang malalalim niyang pag hinga.

"Kung sana ay pwede kitang mahagkan ng ganito habang buhay" bulong niya.

Nagsisiklab ang aking puso't damdamin na gustong sabihin na ayon din ang aking dalangin.

Hinaplos niya ang aking buhok at ramdam ko ang pag amoy niya rito, mas lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin. Ang mga kamay kong magkakahawak at gusto ng kumawala para lang mayakap din siya.

Naging ganun ang takbo ng buhay naming dalawa dito sa palasyo pagdating ng hating gabi kung saan ay napakatahimik, isang diktador na prinsipe ang papasok ng aking silid at sasamahan ako, paglipas ng ilang oras ay aalis siya at ako ay maghihintay muli ng pagbabalik niya.

Naging gabi sa akin ang umaga at naging umaga sa akin ang gabi. Pag sapit ng alas dose ay hinihintay ko na siya sa pagbukas niya ng aking pintuan at pagsapit ng alas tres doon na ko nalulungkot at kailan na niyang umalis.

Sa bawat pagkikita namin, kadalasan ay binibigyan niya ako ng libro, sa susunod na araw itatanong niya sa akin ang mga nabasa ko. Minsan isang bulaklak ang inaabot niya para sa akin, ikukwento ang hitsura ng mga bawat bansang napuntahan niya, ipaparinig sa akin yung mga lenguaheng alam niya at ipapakita sa akin kung paano iyon isulat.

Mga ngiti, mahihigpit na yakap at dampi ng mga labi niya sa aking noo.

Alam kong sa bawat araw na iyon ilang tao ang napatay niya at masakit iyon sa aking damdamin. Ngunit di na kayang mamuhi ng puso kong ito para sa kanya. Dahil nakikita ko siya, sa bagay na di siya nakikita ng lahat.

Isang araw ay nasa hapag kainan kami ng bigla na lang napahawak ang diktador prinsipe sa kanyang mata at dumaing sa sakit na kanyang nararamdaman.

"Palibutan ang prinsipe!" sigaw ni Hemprey.

The Dictator PrinceWhere stories live. Discover now