The Dictator Prince XXIV

4.9K 334 116
                                    

♚♚♚

Naging ganun muli ang takbo ng buhay ko dito sa palasyo parehong nagpapanggap kami na kagaya parin ng dati.

Habang kami ay nasa silid na puno ng mga libro at kaming dalawa lang ay bigla niya akong tinanong.

"Autumn" tawag ng diktador na prinsipe sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kung ikaw ang papipiliin. Anong gusto mo maging?" tanong niya.

"Hmm.. gusto ko maging isang guro" sagot ko.

"Bakit?" tanong niya saka ibinaba ang libro na binabasa niya.

"Noon pa man, nais ko ng maturuan ang ibang tao lalo na ang mga bata. Masuwerte ako noon na ang aking ama ay nabigyan ako ng libro kaya ako natuto lalo na ng lenguaheng Frances"

Naalala ko kung paano ko kagustong magturo noon o ipakita man lang sa ibang bata yung libro na meron ako para basahin nila ngunit pinagbawalan ako ng aking ina sapagkat pupwede daw namin ito ikapahamak.

"Kaya sabi ko kung pupwede. Gusto ko maging isang guro at turuan sila ng libre. Kaya pangarap ko magkaroon ng isang pampublikong silid aklatan para sa lahat na gustong magbasa. Kasi ako sa bawat librong nababasa ko kahit nandirito lang ako para akong naglalakay sa kung saan man ako dalhin ng libro na ito dahil sa pagbabasa"

Naalala ko noon nung kay Scar ko lang pinakita ang libro na meron ako. At dahil sa tamad siya magbasa habang inaayos niya ang nilalako niyang tinapay, ako naman ay nasa tabi niya at binabasahan siya. Nakakatuwa kasi sa bandang huli kabisado niya lahat ng mga kinuwento ko at totoo ngang nakikinig talaga siya sa akin at di nasasayang ang laway ko sa pagbabasa sa kanya.

Napangiti ako sa mga naalala ko. Ang simple lang ng buhay namin noon ni Scar nung mga bata pa kami hindi pa namin halos alam ang masamang panaginip na dulot ng palasyo.

"Maganda ang pangarap mo" sagot ng dikador na prinsipe at tila nag iisip.

"Chase" tawag ko sa kanya.

"Maaari pa bang mabago ang lahat? Ikaw ang prinsipe at ang magiging hari din, kaya mo iyon na itigil na ang kasamaan na ito na umabot na ng ilang dekadang pamumuno ninyo. Na sana pupwede ng mamuhay ng mapayapa ang lahat at di napupuno ng takot" sabi ko.

"Napaka hirap niyan, di mabubura ng sa isang salita ko lang ang lahat ng memorya ng mga mamayanang di makakalimot kailan man. Makakagawa tayo ng pagbabago, ngunit di ata ako makakasama roon" sagot niya sabay halos ng buhok ko at isinabit iyon sa tenga ko.

Tumayo siya at umaktong aalis.

"Chase?" tawag ko dahil nagtataka ako sa mga huling sinabi niya. Lumingon siya sa akin at nagbigay ng tipid na ngiti.

"Gusto ko iyang pangarap mo para sa bansang ito, magtiwala ka lang" sagot niya at nagtuloy-tuloy sa pag alis.

Isang araw nagising ako nang biglang lumiwanag sa aking silid, nakita ko ang mga taga pagsilbi na hinawi ang malaking kurtina. Sa kabila naman ay naroon si Ginoong George na papalapit sa akin.

"Magandang umaga Autumn. Ipagpaumanhin mo dahil ginising kita ng ganitong kaaga, sapagkat ang araw na ito ay napaka espesyal" bati ni Ginoong George.

Umupo ako sa kama at nagtataka kung anong araw ngayon para maging espesyal.

Kasama si Achila tinulungan nila ako para makapag ayos. Mamayang gabi pa ang nasabing piging o kasiyahan ngunit umaga palang at abala na ang buong palasyo.

"Ano ang meron at bakit ganito kaabala sa palasyo?" nagtatakang tanong ko kay Achila.

"Hindi mo ba alam? Ngayon ay ang kaarawan ng prinsipe. Siya ay labing walong taong gulang na at ito ang kinakatakot ng lahat" sabi ni Achila.

The Dictator PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon