1: VLADIMIR

88 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SAPHIRO

Ang realm na haligi ng kaalaman. Isa sa pinakapayapa, pinakamatanda't pinakamaunlad sa labindalawang realms.

Ito ang nangungunang bansa na nagtataguyod ng makabagong kaalaman para sa panibagong henerasyon.

Makikita sa mapa na nakap'westo ang nasabing realm sa bandang ilalim ng Traveil. Kung ang Traveil ay tinaguriang mayelong bansa, ang Saphiro naman ay kabaligtaran.

Ang dalawang nabanggit na realms ay minsan nang nagkaroon ng hidwaan kaya naman sa kasalukuyan ay hindi ganoon kalapit ang mamamayan ng bawat panig kahit pa magkatabi lamang ang kanilang mga bansa.

Mula sa maunlad na syudad ay tinanaw ni Vladimir ang matayog na tore na nasa gitna ng kapitolyo. Iyon ang tinatawag na Wiztorca na ang kahulugan sa wikang Ylziemt ay tore ng kaalaman. Sa pinakatuktok ng tore ay maaninag din ang manilaw-nilaw na hiyas na tinatawag namang Pyrperna na ang kahulugan ay nagliliyab na hiyas.

Sa taas ng gusali ay tanaw na tanaw ito ng prinsipe kahit ilang metro pa ang layo niya rito.

Si prinsipe Vladimir ay ang panganay na anak nina haring Valdemar Hexilton at reyna Hemliah Zicarus - Hexilton. Isa siyang Meradian at tumungo sa dakong ito ng mundo para sa isang layunin-ang magpakabihasa sa larangan ng panggagamot at medisina.

Tatlongpu't apat na taon na siya. Subalit kung mamamasdan ang kaniyang wangis ay hindi ito mahahalata dahil sa kinis ng kaniyang balat. Maiksi na malinis ang kulay putik na buhok, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Bumagay sa hugis ng mukha ang labing mamula-mula. May katangkaran din ang lalaki at sa suot nitong damit na may manggas na mahabang kulay itim ay masasabi talagang galing siya sa mayamang pamilya.

Kakatuwa lamang isipin na sa kaniyang maamong mukha ay wala pa siyang napapangasawa hanggang sa ngayon. Ilang beses na kasing tinalikuran ni prinsipe Vladimir ang mga babaeng nais ipakasal sa kaniya ng mga magulang. Laging sinasabi nito na mas nakalaan ang puso niya sa panggagamot na madalas naman nilang pagtalunan ng amang hari.

Tangan ang lukbutan na nasasuot sa kaliwang balikat ay masayang tinanaw ng lalaki ang tore habang naglalakad patungo roon. Hindi niya alintana ang mga taong nakasasalubong na kung minsan ay nakababangga pa dahil nakatuon lamang ang atensyon niya sa nasabing gusali.

Nang makalampas sa pamilihan ng mga sandata ay dumiretso ang prinsipe sa hindi kalakihang liwasan. Doon ay tumambad sa kaniya ang mga ilang tao na masayang namamasyal at nag-aaliw ng sarili dahil sa ganda ng tanawin.

"Makabago at maunlad talaga ang Saphiro," bulong niya sa sarili bago magpatuloy sa pagtahak sa patutunguhan.

Bago lumagpas ng liwasan ay nahagip ng mata niya ang lupon ng pahayagan na nakapustura sa gawing kanan ng kaniyang daraaanan. Minasdan niya ang mga nakasulat doon at binasa ng tahimik.

THE REALMS 2Where stories live. Discover now