8: REGORIA

37 1 0
                                    


Mahal kong ina, nais lang kitang kumustahin kahit alam ko na ayos lang ang iyong lagay. Gusto ko rin ipabatid na pansamantalang itinigil ang pag-aangkat namin ng kalakal dahil sa bagyo. Sa ngayon ay nagtungo ang buo naming pangkat sa baryo ng Sereburum upang magmina ng mga mamahaling bato. Mayroong bagong diskurbe na k'weba ang namataan ng mga taga-baryo at kami ang naatasaan na maghalughog sa loob nito.

Maaari mo akong bisitahin sa aming kampo anumang oras na nais mo.

Palaging kang mag-iingat ina.

REGOR.

Habang patungo sa baryo ng Sereburum ang karwaheng sinasakyan nina Regoria at Antelmo ay nagbaliktanaw sa Punong Maestro ang nabasa niyang liham mula sa anak na si Regor.

Matagal na panahon na rin silang hindi nagkikita ng kaisa-isang anak. Gusto man dalawin ni Regoria ang binata ay hindi niya magawa dahil sa nakaatang na mga trabaho sa kaniya na kasama sa sinumpaang tungkulin.

Sa pagkakataong ito, sa isipan ni Regoria ay maganda rin ang nangyari sapagkat magkakaroon ng pagkakataon na muli niyang masilayan ang kaisa-isang anak.

Anim na oras din ang inabot bago nila marating mismo ang maliit na baryo. Ang Sereburum ay bahagi ng lalawigan nang Brein at sa nasabing lalawigan naman ay matatagpuan ang kapitlyo kung saan mismo nakalagak ang kastilyo ni Haring Nero.

Ang Sereburum ay matatagpuan sa itaas ng burol na nasa dulong timog nang Brein. Katabi na nito ang bulubundikin ng Shuldir at sa ibabang bahagi, lampas labinglimang kilometro ay ang bayan ng Mata o Aiy.

Agad sumalubong sa dalawang manggagamot si Semalya, lider sa baryo ng Sereburum. May katandaan na rin ang ginang at may pagkagaralgal na kung magsalita.

"Maestro Antelmo, nadagdagan na naman ang bilang ng mga pumanaw. Nasa apatnapu na sila," alalang bungad ni Semalya. Kita sa mga mata ng matanda ang kalungkutan sa sinapit ng ilan niyang kababayan.

Agad silang nagtungo sa lugar na pinagdalhan ng mga biktima at mabilis na siniyasat ang mga patay na katawan.

"Punong Maestro, napansin mo rin po ba?" tanong ni Antelmo matapos masiyasat ang ilan sa mga bangkay. "Ganito rin lahat ang obserbasyon ko sa mga naunang bangkay."

Tumango muna ang ginang bago tumugon. "May mga marka ng tusok ang mga bangkay. Hindi ito pangkaraniwang tusok. Dahil nangingitim ang mismong marka."

"Mga insekto kaya?"

Umiling ang ginang. "Kailangang mapag-aralan pa natin mabuti ang mga ito," saka ito bumaling kay Semalya na nakatanga lang sa gilid. "May mga pasyente ba na buhay pa?"

"Mayroon po na apat at naroon sila ngayon sa aking tahanan. Sumunod po kayo sa akin."

Agad nilang tinungo ang bahay ni Semalya at pagdating doon ay naabutan nilang wala ng buhay ang dalawa sa mga pasyente. Ang isa naman ay naghihingalo at ang ikapat ay nagdedeliryo.

Nang lumapit sila sa naghihingalong pasyente ay eksakto na binawian na rin ang binata ng buhay. Agad naman nilang nilapatan ng pansamantalang lunas ang natitirang pasyente kaya nakatulog ito ng mahimbing.

"Anong klaseng sakit po ba ang dumapo sa mga tao rito sa aming baryo?" may takot na tanong ni Semalya

"Sa ngayon ay wala pa kaming ideya subalit huwag kayong mag-alala, hindi nakakahawa ang sakit. Base sa aming pagsisiyasat, ang dulot ng kanilang kamatayan ay dahil sa mga tusok sa kanilang katawan," mahinahong sagot ni Regoria.

"Tusok?"

"Marahil isang insekto o kung anong hayop," segunda ni Antelmo na agad bumaling kay Regoria. "Base sa aking obserbasyon ay nasa anim hanggang walong oras bago makita ang sintomas sa mga pasyente. Sa kulay ng marka ng pagkakatusok ay malalaman kung malala na ang lason na pumasok sa katawan ng tao. Ang naabutan natin na lalaking binawian ng buhay ay nangingitim na ang marka habang ang isang nalapatan natin ng pansamantalang lunas ay mapula-pula pa ang marka ng pagkakatusok."

THE REALMS 2Where stories live. Discover now