10: JOSEF

23 1 0
                                    


"Habulin n'yo. Hindi pa iyon nakalalayo!" sigaw ng tagapagsiyasat na si Miyen matapos mamataan ang binatang si Josef na pumasok sa guhong mansyon ng yumaong si Oldnick Demambro.

Mabilis na nagkubli si Josef sa itaas ng mayayabong na puno kaya hindi siya nakita ng mga kawal ng Serihch.

Si Josef Demabro ay anak ng yumaong si Oldnick Demambro sa isang babaeng bayaran na nagngangalang Minerva.

Pagkasilang kay Josef ay ikinulong na siya ng kaniyang ama kasama si Minerva upang hindi makilala ng mga tao.

Sa piitan ay tinuruan siyang magbasa ng kaniyang ina at sinanay ng mabuti upang sa oras na makalaya ay taas-noo niyang mahaharap ang mundo.

Bago madakip noon si Oldnick ay naipasa niya pa kay Josef ang ikalawang bahagi ng Ylnafizei-Ysbbah.

Ang Ylnafizei-Ysbbah ay aklat ng propesiya na isinulat ni Oldnick. Nahahati ito sa limang bahagi at bukod kay Oldnick ay tanging si Josef lang ang nakakaalam ng mga pagkakasunod-sunod ng mga bahaging iyon.

Noong nakakulong si Oldnick sa isla ng Kavak ay naipadala pa niya ang huling bahagi ng aklat kay Josef sa pamamagitan ng paggawa ng malaking gulo sa piitan.

Sa kasamaang palad ay kalahati lamang ng huling bahagi ng aklat ang nakuha ni Josef sapagkat natambangan ang mga naghatid noon sa kaniya.

Nang mapugutan na ng ulo si Oldnick, tatlong taon ang nakalilipas ay nagsimula na si Josef sa paghahanap sa natitirang bahagi ng aklat.

Nang malaman niya na mayroong bahagi ng aklat ang naiwan sa sikretong yungib ng yumao niyang ama ay agad siyang pumunta roon upang magsiyasat.

Sa kasamaang palad ay nakita siya ng mga kawal ng Serihch kaya nagkaroon ng paghihigpit sa probinsiya ng Tendernez.

Mabuti na lang ay natuon ang atensyon ng mga kawal ng Serihch sa mga Rufushia na sumalakay sa nasabing probinsya kaya mabilis na nakalabas doon si Josef.

Sa patuloy na pagsisiyat sa nasabing aklat ay nabalitaan niyang nasa kamay na ng Rufushia na si Ruber ang unang bahagi ng aklat kaya nag-atubili siyang pumunta sa Vow na sakop ng realm ng Keenl upang kunin ang bahagi ng libro.

Subalit pagdating sa maliit na bayang iyon ay nasaksihan niya ang madugong digmaan sa pagitan ng mga rebeldeng Rufushia at ng mga Keenlian.

Binalak ni Josef na samantalahin ang pagkakataon upang makuha ang unang bahagi ng aklat subalit bago pa mangyari iyon ay nadakip na si Ruber na dinala sa isla ng Kavak para ikulong. Nasa pangangalaga na rin ni haring Hammirr ang aklat kaya hindi niya iyon naagaw pa.

Nagdaan pa ang mga araw, linggo at buwan. Habang tinutugis nina haring Hammirr at haring Wenscelces ang grupo ng Maskara Bran ay patuloy pa rin si Josef sa paghahanap sa mga bahagi ng aklat.

Natagpuan niya ang ikapat na bahagi sa pangangala ni Sylvano Morfin, isang Depirian na myembro ng Maskara Bran. Matapos niyang paslangin ang buong angkan ni Sylvano ay kinuha niya ang aklat at agad nilisan ang realm ng Depir. Pansamantala siyang nagtago sapagkat namataan siya nina haring Hammirr at haring Wenscelces.

Ang ginawa niyang pagpaslang sa angkan ng Morfin ay nagdulot sa pagsisimula ng sigalot ng mga mahaharlikang angkan sa Depir.

Ilang buwan na nagtago si Josef sa realm ng Veny at nagsanay hanggang sa mapag-alaman niya na ang ikatlong bahagi ng aklat ay nasa pangangalaga ni Papo Dooke Manson habang ang unang bahagi ng huling aklat ay nasa pangangalaga naman ni haring Nero Fyro II.

Nalaman niya na magkakaroon ng pagpupulong ang dalawa kaya isang linggo bago mangyari iyon ay nagtungo na siya sa Hruween.

Napadpad si Josef sa malaking kagubatan sa lalawigan ng Hart kung saan ay puno ng mababangis na hayop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE REALMS 2Where stories live. Discover now