7: RAMIA

38 1 0
                                    


Anim na buwan ang lumipas matapos ang digmaan sa Keenl.

Nanatili sa pagtugis ang mga kawal ng Serihch at Keenl kay Ajiya kasabay ng paghahanap sa iba pang nalalabing myembro ng Maskara Bran. Pinaalalahan ni haring Hammirr ang bawat realms patungkol sa mahaharlikang pamilya na myembro ng Blackamoorluna, matapos ibunyag ni Ruber ang patungkol sa bagay na'yon.

Napugutan man ng ulo ang pinuno ng Blackamoorluna subalit hindi tuluyang nabuwag ang samahan dahil sa maskara Bran kaya nagsagawa na ng plano si haring Hammirr. Kailangan pa rin matugis ang mga natitirang kaanib lalo na't bahagi sila ng mga mahaharlikang pamilya.

Iminungkahi ni haring Hammirr sa bawat hari ng realms na matyagan ang mga mahaharlikang pamilya upang matukoy nila kung sino ang natatago sa maskarang Bran.

Samantala. Bumalik muna ng Keenl si ginoong Dooke upang magpatuloy sa pagiging Papo. Matapos kasing mahuli si Ruber ay wala itong inihayag tungkol sa Manson. Upang hindi siya mapaghinalaan ay nagpatuloy ang matanda sa serbisyo sa sambahan ni Eliah bilang lider ng mga Eliahnos.

Nagdaan pa ang halos isang linggo ay isang balita ang gumulat kay haring Welscences. Nabalitaan na lamang kasi na patay na ang kaniyang kambal na nakakulong sa isla ng Kavak.

Ayon sa pagsisiyasat ay uminom ito ng lason na naging sanhi ng kamatayan nito. Masakit man sa loob ay tinanggap ng haring Keenlian ang sinapit ng rebeldeng kambal. Binigyan ito ng maayos na libing bago ipinaanod ang bangkay sa ilog patungo sa karagatang Eloim Osean.

Sa loob ng isang buwan ay paunti-unting nalupig ni haring Hammirr sa tulong ni haring Welscences ang natitirang Blackamoorluna, lalong higit ang mga nagtatago sa maskarang uwak o mas kilala sa bansag na maskara Bran.

Samantala, habang nangyayari ang mga bagay na ito, sa realm ng Hruwenn ay sinimulang pag-ibayuhin ni Vladimir ang talento niya sa panggagamot.

Walang sinayang na oras ang prinsipe magmula ng ipadala siya rito ng kaniyang tiyong maestro sa medisina.

Iginugol ni Vladimir ang bawat araw sa panggagamot at pag-aaral upang mas makatulong pa sa kilalang tribo sa buong mundo.. . Ang Reinva-iy.

Ang Reinva-iy ay tribo mula sa Hruween na may pambihirang kulay ng mga mata. Ang bahagharing mata.

Ang mga mata nila ay talaga namang nakabibighani na tila ba nagbibigay saya sa sinumang makakakita. Mababait at masisiyahin.. . ganiyan sila maisasalarawan.

Nakatira sila sa bayan ng Aiy(bayan ng mata) na siya namang tanyag na bayan hindi lang sa Hruween kun'di pati na rin sa buong mundo. Naging tanyag ang tribong ito hindi lang dahil sa ganda ng kanilang mga mata, dahilan na rin sa pambihirang taglay ng matang bahaghari. Iilan pa lamang ang nakasasaksi subalit pinaniniwalaan ng marami na nagtataglay sila ng kapangyarihan dahil sa pagkakaroon ng matang bahaghari.

Eksakto tanghaling tapat ng marating ni Vladimir ang bayan ng Hed. Ang Hed ang pinakamalapit na bayan sa Aiy. Dito matatagpuan ang pinakamalaking pamilihan sa buong Hruween kaya katulad ng sa bayan ng mata ay matao rin sa Hed.

"Buti at nakaabot ako." Humihingal na saad ng prinsipeng manggamot habang nakayukod at nakahawak ang mga kamay sa magkabilang tuhod. Mula kasi sa tarangkahan ng bayan ay tinakbo niya, maabutan lamang ang pagbubukas ng bagong negosyo ng kaibigang mangangalakal.

"Mabuti nga kung ganoon," nakangiting sabi ng isang may edad na ginang na biglang lumabas mula sa nakabukas na pinto ng isang pamilihan.

"Nasaan na si ginoong Sion?" humahapo pa rin si Vladimir. "Pahingi naman ng maiinom, maestro Regoria."

Pagkaabot ng tubig ay agad itong nilagok ng prinsipe. Naantala lamang iyon ng may lumabas na isang may edad na ginoo. Maliit lamang ito at medyo may panot na ang buhok.

THE REALMS 2Where stories live. Discover now