6: DOOKE

52 2 2
                                    


Sa Yloh, na pinakasentrong lalawigan ng Keenl ay nakalagak ang palasyo ni haring Welscences at sa tapat nito, mahigit dalawang kilometro ang layo pasilangan ay nakatayo naman ang pinakamalaking gusaling sambahan para kay Eliah.

Naisipan itong ipatayo ng mga Manson labinglimang taon ang nakalilipas sapagkat ang nasabing realm ay kilala sa tapat na pagsamba kay Eliah. Bukod doon ay nagkalat din sa buong mundo ang maliliit na bahay sambahan.

Kilala ang angkan ng Manson bilang isa sa mga nagpapakalat ng ebanghelyo tungkol sa kadakilaan ng manlilikha. Kaya naman labis silang minamahal ng mga tao, lalong higit ng mga Keenlian dahil sa pagpapatayo nila ng mga bahay sambahan sa iba't-ibang panig ng mundo.

Bukod sa pagiging tanyag na mangangalakal at isa sa limang naging pundasyon patungo sa kaunlaran ng mundo ay mas lalong naging tanyag ang Manson. Ang nasabing angkan ay isa sa pinakakilalang maharlikang pamilya saan man magpunta.

"Pagpalain ang lahat ng nanatili sa pagsamba kay Eliah. Dahil sa inyong katapatan ay patuloy niyang pasasaganahin ang Keenl at darating ang panahon na pagyayamanin niya pa ang realm na ito!" pasigaw na sambit ng matandaang ginoo na nasa pulpito ng gusaling sambahan. Siya si Dooke. Ang Papo ng mga mananamba ni Eliah.

Nakasuot ang matandang lalaki ng puting napakahaba't eleganteng sutana na abot hanggang sahig. Bawat laylayan ng nasabing kasuotan ay may naka-aporong kulay ginto na isang pulgada ang lapad. Sa magkabilang balikat ay nakasampay ang estolang isang dangkal ang lapad na abot ang haba sa tuhod ng ginoo. Kumikinang sa pagka-asul ang nasabing estola.

Sa ulo ay nakaputong ang kulay puting kalabrero na may taas labindalawang pulgada at sa gitna nito ay naka-ukit palubog ang tatlong mamahaling hiyas. Puti sa kanan, asul sa gitna at ginto sa kaliwa. Ang hiyas ay sumasagisag sa tatlong kulay ng Supramisia na sumisimbolo naman kay Eliah. Sa gitna ng suot na sutana ay nakatatak ang kulay gintong simbolo ng mga Eliahnos o mga mananampalataya ni Eliah. Pakpak na may limbo sa bandang itaas.

Magkasabay na itinaas ni Dooke ang kulay pilak na kopeta na nasa kanang kamay at kulay pilak na tungkod sa kaliwa. Pagkatapos ay saka siya nagpasalamat sa lahat ng taong nakapalibot sa buong gusali.

"Inumin natin ang alak na ito bilang pakikiisa sa layunin ng manlilikha—ang kapayapaan!" Lumagok siya ng alak na sinundan ng mga taong may kani-kaniyang kopeta.

Nang matapos ang pagsamba ay bumalik ang matanda sa kaniyang silid na nasa likod lamang ng gusaling sambahan. Doon ay mabilis niyang binasa ang kung anong nakasulat sa maliit na pergaminong natanggap mula sa isang kakilala.

"Panginoong Dooke, ang mensaheng ito ay isang babala. Hinihikayat ko kayo na bumalik na ng Depir sa lalong madaling panahon. Sapagkat nalupig na ang buong Rufushia at nadakip na si Ruber. Maaari kayong manganib ano mang oras dahil kasalukuyan ng isinasalang sa pagsisiyat ang pinuno. Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari kaya paki-usap, habang may oras pa ay lisanin na ninyo ang Keenl.

Ajiya."

Matapos mabasa ni Dooke ang mensahe ay wala na siyang sinayang na oras.

Agad siyang nagpadala ng liham kay haring Welscences pagkatapos ay mabilis na bumalik ng Depir, sa probinsya ng Boast kung saan naninirahan ang angkan ng Manson na kinabibilangan niya.

Si Dooke ang pinakamatandang nabubuhay sa lahi ng mga Manson at kasalukuyang Papo ng mga Eliahnos. Matagal na panahon ang nakalipas matapos simulan ng kanilang angkan ang paglaganap ng relihiyong Eliahnos ay iginugol na ng ginoo ang sarili sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Eliah.

Ginawa ito ng kanilang angkan, hindi dahil sa pagmamahal sa manlilika kun'di upang mapagtakpan ang kumakalat noon na balita na ang  Manson ay galing sa angkan ng mga mandirigmang Nirvanno na pinalayas ni Eliah sa Nirvana.

THE REALMS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon