Chapter 1

1 0 1
                                    



"Oh, Gummy. anong plano mo? San mo balak mag apply?" Tanong sakin ng isa sa kapitbahay namin ng huminto ang tricycle na sinasakyan ko.

"Ahm hindi ko pa po alam Aleng Biskay eh, nag hahanap pa ho ako." Ani ko, napatingin ako sa diplomang hawak ko. Hindi ako makapaniwala! Graduate nako.


"Ba't hindi mo subukan sa La Carmel, Hija? Paniguradong matatanggap ka don! Ay, pag ka talino mo eh." Ani naman ni Manang Henya habang binabalasa ang barahang hawak niya. Isa din sa kapitbahay namin.


Ngumiti ako bago sumagot. "Titignan ko po, bukas po ay may interview ako. Kung hindi ako palarin ay susubukan ko ho sa La Carmel."

"Paniguradong matatanggap ka don Gummy! Nako, kung sakaling don ka mag ttrbaho ay hindi na kailangang mag tinda ng Nanay mo ng gulay. Hihiga na lamang siya at mag hihintay ng sahod mo." Pekeng ngumiti ako sa sinabi ni Aleng Biskay, pero tama siya. Kung sakaling matanggap ako ay paniguradong aangat ang buhay namin, matutustusan ko ang pag aaral ng kapatid ko at hindi na kailangan ni Nanay mag tinda ng gulay sa palengke. Isa kasi sa ang La Carmel sa pinaka malaking Hotel dito saamin. Kaya napaka swerte ng makakapasok don! Pangarap kong makapag trabaho don!

"Sige ho, mauna na po ako sainyo. Baka hinihintay na ako ni Nanay. Kung gusto niyo po ay pwede ho kayong pumunta sa bahay, may konting salu-salo ho don." Ngumiti ako bago nag martsa paalis sakanila, ngayon kse ang graduation ko. Nag handa ng kaunti si Nanay kaya may salu-salo.

"Oh  anak, kanina ka pa namin hinihintay ah. Ba't ba nahuli ka? Saan ka nang galing?" Bungad na tanong saakin ni Nanay ng makapasok ako sa bahay. Inalis ko ang sapatos na suot ko at dumiretso sa kusina.


"Naharang kasi ako nila Aleng Biskay jan sa kanto Nay, nag ka chikahan kaya ayun napatagal." Nag salin ako ng tubig sa baso at uminom, Ahhhh! Sarap.


"Ahh ganun ba? O sige, mag bihis kana at nang makakain na tayo. Maya maya lang ay andito na ang Tita Weng mo." Agad akong pumasok ng kwrto ko at nag bihis. Napatingin ako sa picture frame na naka patong sa ibabaw ng lamesa.

"Tay, natupad ko na po ang isa sa mga bilin niyo sakin! Sigurado ako na kung buhay pa kayo ay masayang masaya kayo." Ngumiti ako at hinimas ang frame. "Pangako tay, mag hahanap ako ng magandang trabaho at papatayuan ko si Nanay ng pangarap niyong bahay. Konting kembot nalang tay"

"Ay ang ate nag drama na naman Tay oh." Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa mata ko ng marinig ko ang kapatid ko.

"Oh Gregorio, anjan ka pala." Umupo siya tabi ko at tinaasan ako ng kilay.

"Ate naman! Nakasuot ako ng pink na headbond, pulang pula ang bibig ko tapos tatawagin mo lng akong Gregorio? Naman eh! Sabi kong Greg nalang, oh hindi kaya Grace." Nailing ako dahil sa kaartehan niya.


"Kakalbuhin kita eh! Nako alam mo, kung buhay lang si Tatay malilintikan ka talaga. Bakla ka!" Tumayo siya namewang sa harap ko.

"Hep hep hep, ate ha! Bago pa na deads ang tatay alam niya na no na dalawa ang anak niyang babae. Kaya wag ka nga!" Nakita ko ang pag ikot ng mata niya.

"O sige na! Mag tigil kana jan sa kaartehan mk, ba't ba andito sa kwarto ko? Ba't hindi mo tulungan si Nanay sa pag ayos don?" Binalik ko sa pagkakapatong ang frame ni Tatay.

"Kaya nga ako nandito eh. Pinapunta ako ni Nanay, anjan na si Tita Weng and friends."

"Sino?!"

"Sister talaga! What I mean is, anjan na sila Tita weng kasama si Ate Tina and Kuya Hanz." Umikot nanaman ang mata ng kapatid ko.

"Pag ikaw narinig ni Hanz na kinukuya mo siya nako, mag tatalo nanaman kayo." Well kasi naman, sad to say but my cousin/bestfriend Hanz is also a gay. Napapaligiran ako ng mga bakla!

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now