Chapter 2

2 0 1
                                    




"Nakakatawa talaga kayong tatlo. Hindi ako nag kamaling tinanggap ko kayo dito." Ngumiti kami kay Mr. Frederick Carmel, hanggang ngayon ay lutang kami sa katutuhanang siya ang may ari ng Hotel na to. Akala kasi namin ay isa lang siyang Guests dito. Sa suot niya kasi kaya hindi mo talaga aakalaing siya ang may ari nito.

"Sir thank you talaga ha, hindi mo alam kung gano namin kagustong mag trabaho dito!" Ani ni Tina. Pag katapos nga  nang yari kahapon ay pinabalik kami ni Mr. Carmel dito sa opisina niya, take note. Nasa opisina kami ng may ari ng La Carmel!

"Pang ilang thank you niyo ba yan? You don't need to mention it. Deserved niyong mag trabaho dito. I'm really sure na tama ang desisyon, alam kong mapag kakatiwalaan kayo. Subok ko na kayo!" Ngumiti ako kahit hindi ko gets ang sinabi niya. I mean, oo naman at mapag kakatiwalaan kami! Pero ano daw subok niya na kami?


"Thank you dahil jan Mr. Carmel ha? Pero hindi ko po gets. Subok na?" Nag tatakang tanong ni Tina. Kahit din siya ay nag tataka sa sinabi ni Mr. Carmel


"Yes. I'm gonna tell you something, yesterday sinadya ko talagang ilaglag ang wallet ko." Napakunot ang noo namin, ano daw?

"What do you mean Sir?" Hanz

"I always do that. Nilalaglag ko ang wallet ko to test people. Hindi yun ang unang pagkakataon na ginawa ko yun. Luckily ay kayo ang napili ko, the time I looked at you guys alam kong mga aplicante kayo dito. Kaya sainyo ko ginawa. Nang makasakay ako sa elevator ay nang hinayang ako, akala ko ay itinakbo niyo na ang wallet ko but I'm wrong. Tinakbo niyo nga ang wallet ko pero pabalik saakin. I'm shocked you know. Hindi ko aakalain na may mga taong kagaya niyo pa pala." Our jaw drop! Hindi kami makapaniwala.

"Ayokong kong sino lang ang mag ttrabaho sa Hotel ko. Isa yun sa mga sekreto kung bakit successful ang Hotel ko, I trained people, and I test people."

"Sir, matanong ko lang ha? Nasabi niyo ho kasi na palagi niyong ginagawa yung ganun. Ilan na ho ba ang nag balik sainyo? Sigurado ako ay madami na!" Curious na tanong ni Hanz.

"Nope. Out of 10 people siguro dalawa lang, kasama na kayo don." Nakangiti niyang sagot.

"Ano?! 2 out of 10? Eh, sir. Kahapon ang kapal ng wallet niyo. Magkano ba ang nilalagay niyo don? Hehe." Tanong naman ni Tina, napatawa pa si Mr. Carmel dahil sa tanong niya.

"30,000." Simple niyang sagot. Pero nanlaki ang mata namin! Ganun kalaki?!

"Sir, tanong ulet. Baliw ba kayo?" Tanong ko. Alm kong bastos na tanong pero, kasi. Sinong matinong tao ang mag wawaldas ng ganun kalaking pera?! Alam ko naman milyonaryo siya, pero basta! Sayang.

"Hahaha! Sabi nga nila ay baliw ako. Mali daw ako, ganto ganyan. Pag magbibigay ka ng trust sa isang tao, you need to take a risk. 30,000 is just a money, pwedeng mapalitan. Nakakapanghinayang? Oo. Pero kung hindi ako nag take ng risk, masasayang ang tiwalang ibibigay ko. Dahil kung alam mong worth it naman ang taong binigyan mo ng tiwala, wala lang saiyo ang 30,000." Malalim na paliwanag niya, I'm not wondering kung bakit successful si Mr. Carmel. Sa mga sinabi niya ngayon, alam na!

**

"Uy, Gummy! Pinapatawag ka ni Mr. Carmel sa office niya." Bigla naman akong dinalaw ng kaba dahil sa sinabi ng isa sa ktrabaho ko. Isang linggo na din ang nakakalipas ng mag start kaming nag trabaho dito sa hotel. Hanggang ngayon ay parang nasa alapaap pa din kami dahil hindi kami makapaniwala.

Agad akong umakyat patungo sa opisina ni Mr. Carmel, may nagawa ba ko? Baka naman ay may nag sumbong sakanya na hindi maganda ang performance ko? Pero maayos naman ah! Wala naman akong ginawa, hindi naman ako nalalate sa katunayan nga ay isang oras bago ang shift ko ay nandito na ako sa hotel. Kung may award lang na Most Punctual! Nako, paniguradong nasungkit ko na yun!

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now