Chapter 3

1 0 0
                                    



"Ano?! Ibig mong sabihin pupunta ka ng Bacolod kasama ang anak ni Mr. Carmel?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Hanz. Andito kami ngayon sa bahay nag hahapunan, kakauwi lang galing trabaho. Tumango ako bilang pag tugon sa tanong ni Hanz.

"Ang swerte mo bes! Anak ng isa sa pinaka mayamang business man ang makakasama mo! Ang gwapo kaya nun. Ano nga ule pangalan nun?" Tanong naman ni


"Zeus Andrei." Sagot ko. Naglagay ako ng kanin sa plato ko ganun din ang ginawa ni Hanz. "Gwapo nga, saksakan ba naman ng kayabangan! Naloka talga ako kanina." Gigil kong sabi.

"Hayaan mo na sister! Alam mo yung mga napapanuod kong korean novela, uso yun ngayon. Mga gwapong lalaki, tas sasakan ng kayabangan." Singit ng kapatid kong si Greg.

"Oh di naman kaya, mga gwapong suplado. Tapos pa secret kung dumamoves don sa bidang babae, tapos ayun mafafall sila sa isa't isa! Nako bes, malay mo diba, kayo ni Fafa Zeus." Halos mabulunan ako dahil sa sinabi ni Tina.

"Yuck! Ano ba kayo, kayo na ang nag sabi na sa palabas lang yun. Walang ganun sa realidad nu! Wala ng ganun sa panahon natin." Ani ko.

"Ay wow. Ang sarap ng luto mong Ampalaya tita! Sarap na sarap si Gummy oh. Bitter eh!" Sinamaan ko ng tingin si Hanz dahil sa sinabi niya, dumating sa lamesa si Nanay na may dalang isang pitchel ng Juice.

"Ampalaya Hanz? Aba bukas lulutuan ko kayo." Sagot naman ni Nanay. Napag disesyunan kasi naming dito muna tumira sila Hanz at Tina, ang bahay kasi namin ang pinakamalapit sa La Carmel. Isang jeep lang at 15mins siguro ay andun kana.

"Ay bet ko yan Nay! Sarapan mo ha, pero mag luto ka din ng sweet sour na isda para kay ate. Sobrang bitter Nay, mabuti ng may tamis ng onti hehe." Akma kong babatuhin ng kutsrang hawak ko ang kapatid kong bakla! Agad naman akong inawat ni Nanay.


"Kayo talagang mga bata kayo, mag sitigil na nga kayo. Nasa harap tayo ng hapag ha." Inirapan ko ang kapatid ko, napatingin naman ako sa dalawa kong kaibigan, nakangiti sila ng nakakaloko. May araw kayong tatlo sakin. Hmp!

**

Araw ng sabado at maaga akong nagising para mag ayos. Ngayon ang alis namin patungong Bacolod, asar naman eh! Kung hindi lang dahil sa kutong lupa na yun edi sana masarap pa ang tulog ko ngayon.

"Sister! Andito na ang taxi, dalian mo na. Gogora na kayo." Rinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa labas. Huminga ako ng malalim at binitbit ang bagahe ko.

"Bes, pasalubong ha! Yung Piyaya na ube matagal ko na yung hindi nakakain eh." Bilin ni Tina. Tumango ako bilang pag tugon.

"Ate, yung mga make ups na pinapabili ko ha? Eye shadow na Nude, pati ang pang contour wag mong kakalimutan ha!" Napatingin ako sa kapatid ko.

"Ako din Gummy Girl! Yung shoes ha? Size 8 ako, color blue." Bumalik ang tingin ko kay Hanz na nakangiti ng pag kalapad lapad.

"Ano bang sinasabi niyo?! Akala niyo naman mag iibang bansa ako! Hello. Jan lang ako sa Bacolod akala niyo naman ay mag A'amerika ako!" Napsimangot sil dahil sa sagot ko.

"Basta anak, mag iingat ka don ha? Tumawag ka pag nakarating kana don! Yung mga bilin ko wag mong kakalimutan." Ani naman ni Nanay. Lumapit ako sakanya at yumakap. Ganun din ang ginawa ni Hanz, Tina at Greg.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako ng Hotel, bilin kasi ni Mr. Carmel ay dumaan muna ako dito bago pumunta ng airport.

"Goodmorning Sir." Ibinaba ni Mr. Carmel ang hawak niyang papel na sumulpot ako sa opisina niya.

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now