Chapter 7

1 0 0
                                    




"Congratulations, Ms. Ferrer! I'm so proud of you. Sabi ko na nga ba ay hindi ako nag kamali sa pag pili saiyo. You just closed the deal, I never expect that. I mean, yah I know makukuha niyo yan, pero hindi ganun kadali. I'm really surprised!" Parang binalot ang puso ko ng kasiyahan sa sinabi ni Mr. Carmel, ngayon lang siya tumawag simula kahapon. Busy ata sa Hotel.

"Thank you din po Sir, thank you po sa tiwala. Ang dami daming pwedeng pag bigyan ng project na ito pero saakin niyo ho binigay. Thank you for this opportunity." Sagot ko sakanya, narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa.

"I told you, magaling ka! You just need to trust yourself. Salamat din pala sa pag tyatyaga sa anak ko. You're truly an amazing woman! Congratulation ule. So pano? See you in the next 2 days. Enjoy your stay there Ms. Ferrer!" Narinig kong nag end na ang call napangiti ako at sinuot ang cardigan ko. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Naabutan kong nakaupo sa kawayang upuan si Zeus habang nakataas ang dalawang paa sa lamesa at may hawak na cellphone. Nang makita niya ako ay umayos siya ng pag kakaupo.

"Aalis ka?" Tanong niya, tutal napaaga ang deal namin with the investors nagkaroon tuloy kami ng 2days na free time. Sa susunod na araw ang flight namin, gustuhin ko mang makauwi na sa Manila eh kailangan ko munag mag stay dito dahil Round trip na ang ticket namin. Kaya napag desisyunan kong pumunta nalang muna sa dati naming tinirahan kong nasan yung tita ko. Isa pang kapatid ni Nanay.

"Uhuh, babalik naman ako mamayang gagabi. May bibisitahin lang ako, wag kang mag alala Senyorito. May pagkain na jan sa lamesa." Inilapag ko muna ang bag ko sa lamesa at inayos ang buhok ko.

"Mamaya pang gabi ang uwi mo? You mean ako lang dito buong araw?" May halong iritasyon ang boses niya.

"Bakit? Wala kabang lakad? Gusto mo tawagan ko si Kuya Sid para ipasyal ka?" Tanong ko.

"No! Ayoko ng sumakay sa sasakyan niya, baka matapos nalang ang araw ay hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin." Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Muli kong kinuha ang bag ko ng maayos ko ang buhok ko at nag lakad patungong pinto.

"Sige na, pag papasok ka ng kwarto mo isarado mo tong pinto ha? Bye." Excited akong lumabas ng bahay. Finally! Makakauwi na rin ako sa lugar na kinalakihan ko.

"Wait!" Napatigil ako sa laglalakad ng marinig kong sumigaw si Zeus. Medyo malayo na rin ang nalakad ko. lumingon ako sakanya at kita ko ang pag hingal niya. Tumakbo ata, nakayapak pa siya! Pinatong niya ang kamay niya sa kanyang mga tuhod, at bumuga ng hangin.

"Anong ginagawa mo? Ba't ka tumakbong naka paa? Hindi mo ba alam na pwede kng masugatan?!" Naiinis kong sabi at tinakbo ang distansya namin. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa init.

Namewang siya at pinunasan ang pawis sa noo. Medyo malayo na rin ang nalkad ko dahil sa sobrang excitement malalaking hakbang na ang nagawa ko.

"Uyy ano? Tutunganga kanalang ba jan? Ano bang kailangan mo? Sinabi ko naman kasi sayo na kung magugutom ka may pagkai-" I did'nt finish my statement because he cut me.

"Can I join you?"

**

"Ano b naman Senyorito! Anong oras na bakit ang tagal tagal mo? Alam mo kung hindi ka sumama sama andun na ko eh." After niyang tanungin ako kung pwede ba siyang sumama bumalik kami ng bahay para makapg ayos man lang siya at makakuha ng gamit, I was shocked nung tanungin niya. Well, wala namang masama kung isasama ko siya. Pero kung ganto katagal mag bihis, aba! Iiwan ko talaga to. Napabuga ako ng malalim na hininga ng makita ko ang oras. 9:27 am na! Mag bubunganga na sana ako pero narinig kong bumakas ang pinto niya.

La Douleur Exquise Onde histórias criam vida. Descubra agora