Chapter 4

2 0 0
                                    



"Dad?! Wala kaming ibang mahanap na hotel. Sino ba ksi ang nag pa reserve, bakit tatanga tanga? Now, san kami mag sstay?!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ng kutong lupang kasama ko, if I know nakalayo ang phone ni Mr. Carmel sa tenga niya. "What? Hindi, hindi ako papayag. What the?! Fine!" Inis na binaba niya phone niya, napatingin siya saakin at salubong na salubong ang kilay niya.

"Call my Dad, may sasabihin daw siya sayo. Now!" Nataranta ako sa sigaw niya, anonba taong lalaking to? Nakalunok ng mega phone?! Agad kong dinial ang number ni Mr. Carmel, naka tatlong ring lang ay sinagot na kaagad.

"Hello Mr. Carmel, this is Gummy po. May sasabihin daw po kayo?" Tanong ko.

"Yes, Ms. Ferrer. Pasensya na if your having a hard time sa anak ko." Nag buga ako ng malalim na hininga. Talagang ang tatay pa ang hihingi ng pasensya ha! "I heard na Fully booked na daw ang mga hotel jan? Well. That's my order." Napakunot ang noo ko. Ano daw?

"Ahh Sir, hindi ko po kayo maintindihan." Nahihiya kong sabi. Narinig ko naman nag 'tsss' ang kutong lupa sa tabi ko, inirapan ko lamang siya dahilan lang lalo niyang pag simangot.

"Sinadya ko talgang i'booked lahat ng hotel rooms jan para wala kayong pag stay'an." Ano daw?! "Relax Ms. Ferrer. Alam kong nag papanic kana ngayon. I want you to do me a favor, nasabihan ko na si Sid kong saan kayo dadalhin. Bye Ms. Ferrer! Goodluck." Narinig ko pa ang pag hagikgik ni Mr. Carmel, ano daw?!

"Anong sabi?" Iritang tanong ng kutong lupa ng maibaba ko ang phone. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

"Si kuya Sid daw ang nakakaalam kung san tayo mag sstay." Sagot ko. Napatingin ako kay kuya Sid, nakangiti siya ng nakakaloko. Ano bang nangyayari?

"Fuck! He really pushed that stupid idea of my Lolo." Rinig kong bulyaw ng dragon sa tabo ko. Hindi siya mapakali, palakad lakad siya.

"Pssst. Oyy, halika na! Baka mamaya abutan pa tayo ng gabi sa daan. Nag wawala na ang mga alaga ko sa tiyan." Nag martsa ako pabalik ng sasakyan, narinig ko naman ang yapak niya hudyat na naka sunod lang siya saakin.

Napahilot ng Sintido si Zeus ng makita niya ang pag sstayan namin sa loob ng limang araw. Kaya naman pala natatawa si kuya Sid dahil dito. Now I get it, dinala kami ni kuya Sid sa isang barong barong na bahay. Maayos naman siya, gawa sa kawayan. Probinsyang probinsya ang style.

"Wow! Namiss kong tumira sa ganto. Mabuti nalang talaga at fully booked na ang mga hotel." Pang iinis kong sabi. Hindi siya sumagot pero alam kong umuusok na ang ilong niya sa inis. Pumasok kami sa kubo, maayos naman. Malinis, may dalawang maliit na kwarto. Siguro ay para saamin.

"Dito nalng ako at doon ka sa kabila, Senyorito." Umirap ako at pumasok sa loob ng kwrto. Maliit lang siya, mayroon na din higaan na gawa sa kawayan. Ipinatong ko ang bagahe ko sa ibabaw nito at nag ayos.

"AHH!! AHHh!!" Nataranta akong lumabas ng kwrto ng marinig kong sumigaw si Zeus. Dali dali akong pumunta sa kwarto niya at naabutan ko siyang nakapatong sa ibabaw ng higaan habang yakap yakap ang kanyang mga bag.

"Ano bang nang yare? Anong ginagawa mo jan?" Nag punas siya ng pawis bago ako sinagot. Beastmode ang itsura niya, narinig ko lang yun sa kapatid ko. Salitang Balbal. Ibig daw sabihin ay galit na mukha.

"Patayin mo ang ipis. May ipis sa ilalim ng higaan na to! Wag kang tumayo jan at patayin mo dali!" Pffft. Hahahaha! Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sumakit ito kakatawa, nagsalubong ang kilay niya dahil sa tawa ko. Hahahaha! "May nakakatawa ba?!" Galit niyang sabi.

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now