Chapter 5

1 0 0
                                    




Napapaypay ako ng sarili ko sa init na nararamdaman ko. Tirik na tirik ang araw at andito pa din kami sa Hacienda. Isa't kalahating oras na kaming nag hihintay kay kuya Sid pero wala pa siya, at ang kasama ko ngayon halos sumabog na sa inis.

"I'm gonna make sure na mawawalan ng trabaho yang Sid na yan!" Kanina niya pa bukang bibig yang mga salita niya na yan, Alam ko namang hanggang salita lang siya, as if namang papayag si Mr. Carmel. Hmp!

"Alam mo nahihilo na ko sayo. Huminahon ka nga, baka nasiraan lang si Kuya Sid kaya wala pa siya." Pakikiusap ko sakanya, hilong hilo na ko saknya kanina pa siya pabalik balik ng lakad. Hindi ma pirmi sa isang lugar, kaya mas lalo siyang naiinitan eh. Tinignan niya lang ako at bumuga ng malalim na hininga, salamat nalang at nakinig naman siya. "Halika, doon tayo sa ilalim ng puno ng Acacia." Nag aalinlangan pa kong yayain siya, alam ko namang mag iinarte siya eh. Bahala siya kung ayaw niyang sumama basta pupunta ako don, mayabong ang mga dahon ng puno kaya makakasilong kami.

Kinuha ko ang banig sa basket na dala ko, at inilatag ito sa lupa. Hah! Girls scout ata to, alam ko namang mang yayari to eh. Sa kondisyon ba naman ng sasakyan ni Kuya Sid alam ko ng hindi siya makakabalik sa oras kaya nag handa ako. Umupo ako dito at kinross ang mga binti ko. Napatingala ako ng marinig ko nanaman ang buga ng hininga ng kasama ko. Umusog ako ng kaunti para bigyan siya ng space. Kahit saksakan to ng kayabangan at kasamaan may puso naman ako no, hindi naman ako kagaya niya.

"Umupo ka muna ng lumamig yang ulo mo. Maya maya ay baka andito na si kuya Sid." Nag aalinlangan kong sabi sakanya, tinap ko ang tabi ko kung san siya ppwesto. Nakita ko pa kung paano umikot ang mata niya bago umupo, hmp! May attitude talaga tong isang to. Nagulat ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko, agad kong kinuha sa bag ko at nakita kong si Hanz ang tumatawag.

"Hi Gummy Girl! How's Bacolod? Kamusta ka?" Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Hanz, naririnig ko pang may sinasabi sa kabilang linya si Tina at Greg. Siguro ay nasa bahay sila.

"Okay lang naman ako, eto andito kami ngayon sa location ng pag tatayuan ng bagong hotel." Sagot ko. Napatingin ako sa katabi ko na tahimik lang na pinag mamasdan ang paligid. Kaya naman palang maging maamo niong isang to kahit minsan eh.


"Talaga? Kamusta naman? Kasama mo ba ang gwapong anak ni Mr. Carmel?" Bahagya akong napalayo ng kaunti kay Zeus, nakakatakot at baka marinig niya pa na pinag uusapan namin siya. Ano pa ang isipin nito.


"Ahh oo, hindi ba alam niyo na yun. Hinihintay lang namin ang sundo namin para makabalik sa bahay. Kakatapos lang din naming mag libot sa buong location."

"Ganun ba? Ang swerte mo Bes! Alam mo bang pinag uusapan ka sa trabaho dahil sa blessing na natanggap mo. Haha! Mabuti kapa at nakasama mo ang pinaka gwapong nilalang na nakita sa buong buhay ko." Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi ni Tina. Tong mga ito talaga. Kung alam lang nila ang ugali nitong kasama ko, ewan ko lang. Anghel ang mukha parang si satanas naman ang ugali.

"Ano ba kayo, kung ano anong sinasabi niyo."

"Ayy sus! Baka mamaya pag balik niyo dito ay kayo na ha? Nako Bes, ikaw na talaga!" Nalunok ko  ang laway ko dahil sa sinabi ni Hanz. Ano bang pinag sasabi nitong mga to!


"Ano ba kayo, trabaho ang pinunta ko dito hindi yang love love na yan. Makakapghintay yan." Nagkatinginan kami ni Zeus dahil sa sinabi ko, halos nalusaw ako sa mga tingin niya. Agad akong umiwas ng tingin ng marealize kong medyo napapatagal ng ang pagtitig ko. Ganun din naman ang ginawa ko.

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now