Chapter 10

3 0 0
                                    



"Oh, tamang tama ang dating niyong dalawa luto na ang hapunan. Saan ba kayo nang galing at ang tagal niyong nawala?" Bungad na tanong saamin ni tita felly ng makapasok kami sa kanilang bahay.

"Ah, jan lang po sa likod bahay tita. Nilibot ko lang po si Zeus." Sagot ko naman, dumiretso ako sa kusina para tumulong sa pag handa ng hapag.

"Nako, ikaw talagang bata ka hindi mo nalilimutan ang lugar na iyon. Maraming taon na ang lumipas pero naiinganyo ka pa din ng lugar na yon." Ani ni Tita habang nag sasandok ng kanin.

"Syempre naman tita hindi ko makakalimutan yung lugar na yun, hindi ko makakalimutan pag pinapalo ako ni Nanay, doon ang takbuhan ko at pag nakita ko na ang papalubog na araw at ibat'ibang kulay na mga paru-paro gumagaan na ang pakiramdam ko. Oo nga pala tita, na punta din kami sa harden ng mga paru-paro. Hanggang ngayon ay buhay pa din pla iyon nu? At lumago lalo ang mga bulaklak." Ani ko naman, umupo si Zeus sa bangkong upuan habang tahimik na nakikinig sa usapan namin.


"Ay ewan ko ba sa mga bulaklak na iyon, halos wala namang nag aalaga sa mga iton pero ang gaganda pa din nila." Pag katapos kong mag lapag ng mga plato ay kumukha naman ako ng kutsara at tinidor. "Oh, kamusta ka naman Dong? Hindi kaba napagod nitong pamangkin ko?" Nagkatinginan kami ni Zeus dahil sa tanong ni Tita.

"Nope, hindi naman po. Mas nakakapagod po yung pag huli ng Manok kanina." Narinig ko ang mahina niyang pag tawa, napangiti ako ng marinig ko iyon.

"Haha! Ayy oo nga, ganun talaga iyon dito sa lugar namin kung pyesta may mga palaro. Mabuti na din iyon dahil naranasan niyo." Napatingin kami sa bintana ng marinig namin ang malakas na pag buhos ng ulan, kasabay nun ay ang pag pasok ni Tito Ismael sa bahay.

"Nako tito, nabas ho kayo." Agad naman siyang nilapitan ni Tita na may dalang pamunas.

"Mabuti na nga lang ay naka takbo ako kaagad dito kung hindi ay basang basa siguro ako. Hindi ko naman aakalaing uulan." Nabahala naman ako dahil sa lakas ng ulan, paano kaya kami makakauwi nito?

"Hey, anong iniisip mo?" Natigil ang pag iisip ko ng lapitan ako ni Zeus, andito kami ngayon sa harap ng bintana. Pinag mamasdan ang bawat pag patak ng ulan.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung paano tayo makakauwi, napaka lakas ng ulan." Ani ko ng hindi tinitignan si Zeus. Naramdaman kong yumuko siya ng kaunti para sumilip sa bintana.

"Then let's stay here. Masyadong malakas ang ulan, I think hindi yan basta titila." Kaswal niyang sagot, namulsa siya sa harap ko hinintay ang magiging sagot ko.

"Tama si Dodong, Hija. Dumito na muna kayo mag palipas ng gabi, ipag pabukas niyo nalang ang pag uwi niyo. Wala na rin kayong masasakyan palabas rito dahil sa laks ng ulan." Napatingin kami kay Tito Ismael, habang pinupunasan ang kanyang basang ulo.

"Wag kayong mag alala, bakante naman ang isang kwarto jan. Wala naman ang pamangkin nitong si Ismael, jan na muna kayo matulog. May mga damit din si Ismael jan sa pwedeng masuot nitong si Dodong at ipapahiram ko din ang mga napagliitan kong damit." Nginitian ko si tita Felly dahil sa sinabi niya.

"Maraming salamat po." Napatingin ako kay Zeus ng dahil sa sinabi niya. Napanganga ako, alam ko namang may part sakanya ng kabutihan pero basta! Hindi ko ma explain, may kung ano akong nararamdaman. Napangiti na lamang ako.

"Don't look at me like that. I know how to appreciate people no." Napatitig ako sakanya at nginitian siya.

"I know, Senyorito." At napahagikgik kaming dalawa.

**

"Sabi ko na nga ba at tamang tama lang saiyo yan, Nako! Ganyan talga ako ka sexy nung kabataan ko hihi." Napahagikgik si tuta felly habang sinusuri ako. Kakalabas ko lang ng kwrto suot ang luma niyang daster. Napatingin ako kay Zeus, na suot naman ang lumang tshrt at short ni tito Ismael, napangiti ako dahil kita kong bagay sakanya ang mga ito.

"Siya nga pala Hija, ito ang kumot at ang unan niyo ni Dodong. Mag papahinga na kmai nitong si Ismael, maaga pa kami sa palayan." Tumango ako at ngumiti, linag masdan ko ang magkaakbay na mag asawang pumasok sa kanilang kwarto, nakuha ng atensyon ko si Zeus na tumayo mula sa bangkong upuan. Lumapit siya saakin at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa, ganun din ang ginawa ko sakanya.

"Looks good on you/ Bagay sayo." Napatawa kami dahil sa sabay naming puri sa isa't isa.

"Hmp! Nambola pa." Binato ko sakanya ang unan na binigay ni tita. Narinig ko nanaman ang mahina niyang pag tawa.

"Ikaw nga din, nambola ka pa."

"Hindi kaya, hmp. Lika na nga pasok na tayo." Nag martsa ako papasok sa kwrto ganun din ang ginawa ni Zeus, napatingin ako sa kamang gawa sa kahoy, parang bigla akong nailang. Mag tatabi ba kami dito? Napatingin ako kay Zeus ng tumikhim siya.

"If you're not comfortable dito nalang ako sa upuan matutulog." Napakunot ang noo ko habang tinitgnan ang tinuturo niyang upuan, gawa din ito sa kahoy at maliit lang. Sigurado akong kahit akonay hindi kakasya sa upuan na iyon.

"No, ahm. You can sleep beside me, mhmmm mag lagay nalang siguro tayo ng unan sa gitna." Medyo nauutal pa ko, naiilang kasi ako pero hindi ko naman pwedeng hayaan siyang humiga sa upuan na yun. Sigurado bukas ay sasakit ang katawan niya.

"Is it okay with you? Okay lang naman sakin dito sa upu-" I cut him.

"I told you it's okay, sasakit lang ang katawan mo jan." Napangiti siya dahil sa sinabi ko. "Ahm, basta wag kang makadikit dikit sakin ha!" Lumapad lalo ang ngiti niya dahil sa sinabi ko, bigla namang uminit ang pakiramdam ko.

"Hahaha! You're so funny Gumgum. Remember what I told you when we first met? You're not interesting." Napataas ang kilay ko at uminit kaagad ang ulo ko dahil sa sinabi niya, aba! Ako na nga tong nag mamagandang loob na patabihin siya saakin tapos iinsulutihin niya ko?! Bwiset! Sa inis ko ay binato ko sakanya ang unan na hwak ko, mas lalo akong nainis ng marinig ko ang pag tawa niya, aba't nang iinis pa talaga tong isang to!

"Hey hey, easy young lady. I'm just jooking okay? Hindi ka naman mabiro." Umupo siya sa kama at nilagyan ng unan ang gitna ng higaan, after niyang gawin yun ay tumingin siya saakin. "Okay naba, Binibining gumgum?" Biglang nag laho na parang bula ang inis ko, talaga tong isang to! Inirapan ko siya at umupo. Ewan ko naiinis ako na napapangiti, nababaliw na ako!

"Okay na. Basta ha! Bawal ka lumagpas sa unan na to. Hanggang jan ka lang." Tumawa nanaman siya dahil sa sinabi ko. Nahiya naman ako.

"Yes, ma'am!" Ani niya at nag salute pa saakin, napailing nalang ako at sabay kaming nahiga, tuwid akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Naramdaman ko ding humiga na si Zeus, walang umiimik saamin at tanging buhos ng ulan sa labas ang naririnig naming ingay.

"Sabi ko naman sayo Ismael, bagay na bagay itong dalawang ito. Tignan mo at ganyang ganyan tayo nung kabataan natin."

"Oo nga langga, alam mo bang akala ko ay nobyo na ito ni gumgum nung una kong makita, nadismaya ako ng malaman kong wala silng relasyon. Pero ngayon mukhang may pag asa." Unti unti kong dinilat ang mga mata ko dahil hagikgikan na naririnig ko, mabigat ang mga mata ko at parang hindi ko maidilat. Ang sarap ng yakap yakap kung unan, malambot at mabango, infairness ang bango ng gamit na sabon nila tita felly, kinapa kapa ko ang unan na yakap ko at biglang tumigas, teka? Tumigas? May narinig nanaman akong hagikgikan kaya idinilat ko ang mga mata ko, bumungad saakin ang mukhang ni tito Ismael at Tita felly. Wait? Unti unti kong tinagilid ang ulo ko para tignan ang yakap yakap ko. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang mukha ni Zeus na malapad na nakangiti.

"Goodmorning, gumgum." Madali kong kinalas ang pag kakayakap ko sakanya at bumangon, natapilok pa ako dahil dali dali kong isinuot ang tsinelas ko. Patakbo akong lumabas pero narinig ko ang pag tawa nilang tatlo. Nang makalabas ako ay napahawak ako sa dibdib ko. O..My...Gulay!!

"Yakap yakap ko siya!" Wala sa sarili kong sabi. Wooaaah!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

La Douleur Exquise Where stories live. Discover now