Chapter 1

569 18 18
                                    

         Ngiting-ngiti si Audrie habang abala sa pagtitipa ng kanyang malapit nang matapos na nobela.  Natutuwa siya dahil tuloy-tuloy lang ang pagpasok ng mga eksena sa isip niya.  Simula nang masubaybayan niya ang progress sa love life ng bestfriend na si Justine sa ever beloved bestfriend din nitong si Henrick, ay na-inspire na siyang gumawa ng mga love stories.  At unang ginawa niya ay ang kwento mismo ng kanyang kaibigan.  Pinasa niya iyon sa isang publishing company at sinuwerteng ma-publish.  Ngayon ay gumagawa na naman siya ng bago para magbaka-sakali na muling makapasa ang kwentong gawa niya.  

          Audrie Jax Martinez is an aspiring writer.  Malaki rin ang pasasalamat niya dahil suportado siya ng kanyang mga magulang sa kanyang bagong pangarap na maging manunulat.  Binilhan kasi siya nito ng laptop na ngayon nga ay siyang ginagamit na niya at nagiging mas madali na para sa kanya ang magtipa ng mga pumapasok na ideya sa utak niya.

          Nag-iisang anak siya ngunit simple lang naman ang pamumuhay ng pamilya nila kaya hindi niya nakukuha ang lahat ng material na bagay na gusto niya. Lalo pa at hindi rin siya ang tipo ng tao na maluho.  Kuntento na siyang maupo sa isang sulok at ka-chismisan ang kanyang mga kaibigan.

          Muli niyang itinuon ang pansin sa laptop at ipinagpatuloy ang pagtitipa ng kanyang ginagawang kwento.

         "Konti na lang... matatapos na rin 'to," bulong niya sa kanyang sarili.  Ilang eksena na lang ay talagang tapos na niya ang kwento.

            "Talagang hindi ka na paawat diyan sa kwentong ginagawa mo, ah!"  ani Micheal. Ang kanyang kaibigang lalaki na pusong babae.

            "Huwag ka nga munang magulo riyan.  Ipapabasa ko 'to sa'yo mamaya para mahusgahan mo muna kung ayos na," aniya saka itinuong muli ang atensyon sa harap ng kanyang laptop.

         Ilang minuto pa tuluyan na nga niyang natapos ang kwento.  Talagang slow-motion pa ang drama niya sa pagpindot ng tuldok.  "Micheal!!!” malakas niyang tili.  Judgement time!" abot tenga ang ngiting binalingan niya ang kaibigan.  Madalas na kasi itong tumambay sa bahay nila simula nang magka-boyfriend na ang kaibigan nilang si Justine.

            "O, siya!  Tsupi pa na riyan at babasahin ko na iyan!  Maghintay ka na lang sa magiging hatol ko after," sumulyap ito sa wall clock. "Three hours.  Layas na at kailangan kong mag-concentrate!" maarteng wika nito.

            "Yeah, fine!  Bibili na rin lang ako ng merienda natin."

            "Mabuti pa nga at nang may suhol ka naman dito sa ipinapagawa mo sa akin!" wika nito.

            "Ang arte nito!" marahang binatukan niya ang kaibigan.  "Alis na ako.  After three hours ha, dapat may hatol na!" nakangising wika niya.

             Tumango lang ang kaibigan at itinuon na ang mga mata sa laptop.  Saka na rin siya nagpalit ng damit upang lumabas ng bahay at bumili ng makakain nila ni Micheal.

  

          Masigla niyang binabaybay ang bawat stall ng mall at naisipangmag-window shopping muna bago bumili ng pagkain.  Tutal rin naman at tatlong oras pa bago matapos ang kaibigan sa pinagawa niya rito.  Soundtrip habang naglalakad.  Palinga-linga siya sa paligid, baka lang may makita siyang interesting at pwedeng isama sa mga gagawin pa niyang kwento.  Habang naglalakad ay isang cute na stuffed toy ang nakita niya at agad na pinuntahan iyon. She grabbed the toy and hugged it tightly.  It was a three-foot baby blue teddy bear.  Mula pa yata ng magkamuwang siya ay gustong-gusto na niya ang kulay na asul… o kahit anong shade pa niyon.  Kaya naman gigil na gigil din siyang yakapin ang laruan dahil bukod sa paborito niya ang kulay nito, cute na cute pa ito!

Blue's Confession: All for RealWhere stories live. Discover now