Chapter 5

134 12 12
                                    

Ilang minuto din ang naging byahe nila ni Blue bago narating ang venue ng party.  Nang huminto na sila ay mabilis at naunang bumaba ang binata para pagbuksan pa siya ng pinto ng kotse.  Naiilang lang tuloy siya sa ginagawa nito.

 “Blue, you don’t really have to do that,” bulong niya rito.

“You complain too much, Audrie.  Gentleman lang talaga ako,” nakangiting sagot naman nito sa kanya. 

Nabigla lang siya nang hawakan nito ang kamay niya at inilagay sa braso nito.  Ngayon ay naka-abrasiete na siya rito.  At nasa ganoong ayos sila na pumasok sa malaking bakuran ng mga Saavedra.  Maraming bisita ang naroon at halos mabulag siya sa kulay peach. 

Naramdaman niya ang paglapit ng mukha ni Blue sa kanya na siyang ikinataranta niya.  “I almost forgot to tell you that really look beautiful tonight, Audrie.”

Naramdaman na niya ang paglayo ng mukha nito saka niya ito binalingan.  “Thanks, pero huwag mo ng ulitin ang pagbulong mo ng ganoon, pwede?”

Kumunot ang noo nito, “Why?” 

“Kinikilabutan ako, eh.” She grinned and he just laughed.

“Blue!  Ang tagal niyo, ha!  Kanina ko pa kayo hinihintay,” salubong ng isang magandang babae na nakasuot ng peach na gown.  Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pinsan ni Blue na si Peach.  Hindi naman masyadong mahilig sa colors ang pamilya ng mga Saavedra.

Maliwanag na maliwanag ang malawak na bakuran ng mga Saavedra at feel na feel niya ang ang magandang abience roon lalo pa at pakiramdam niya ay nasa peach world siya!  Hindi halatang maki-peach talaga ang celebrant!

“Hi, I’m Peach and I’m Blue’s cousin.  I’m glad you came, Audrie!” malambing na wika sa kanya ng dalaga bago ito bumeso sa kanya at sa pinsan nito.

“Happy Birthday!” aniya rito saka inabot ang regalo niya rito.  “Pagpasensyahan mo na lang iyang gift ko, ha.  Ako lang kasi ang nag-bake niyan.”

“You bake?” sabay pang sabi ng magpinsan at nagkatawanan ang mga ito.

Tumango siya. 

“Wow!  Anyway, thank you at talagang nag-abala ka pa.  Maupo na kayo,” ani Peach.

“Happy Birthday, couz!  Iyong gift ko sa’yo, nasa kotse,” ani naman ni Blue at kumindat pa.

“Yeah, fine!  Pumwesto na nga kayo at nang maka-upo na rin itong si Audrie,” sabi ni Peach at bumaling sa kanya, “I hope you’ll enjoy the party, Audrie.  Thanks again!  Iwanan na muna kita kay insan.”

“Sure.  Happy Birthday din ulit.”

Iginiya na siya ni Blue sa bakanteng table.  Pansin niya ang tingin na ipinupukol sa kanya ng ibang bisita na naroon at lalo lang siyang naiilang.

“Relax, Audrie.  Mga mababait naman iyang mga kaibigan ng pinsan ko.  And I’m here, hindi kita iiwan.”

“Pasensya na talaga,” tanging sagot niya.

Nagsimula na ang program kaya naging abala na rin ang lahat.  Natutuwa siya dahil totoo ang sinabi ni Blue, mga mamababait nga ang bisita ni Peach.  May iba nga lang na talagang matataray pero hindi na lang niya pinansin.  Tinupad rin ni Blue ang sabi nitong hindi siya iiwan kaya kahit papaano ay na-enjoy na rin niya ang party.  Mas nagulat lang siya nang sa kalagitnaan ng party ay dumating ang mga kaibigan niyang si Micheal at Justine.

“Bakit hindi niyo sinabing pupunta kayo?” tanong niya agad sa dalawa.

“Sabi kasi ni Blue huwag sabihin sa’yo at baka daw hindi ka sumabay sa kanya.  Na-late pa nga kami kasi itong si Micheal ang tagal magpaganda,” sagot ni Justine.

Blue's Confession: All for RealWhere stories live. Discover now