Chapter 3

153 15 21
                                    

Nang hapong iyon kasabay ni Audrie na umuwi ang kaibigang si Micheal. Hindi kalayuan ang bahay nila sa SJA kaya naisipan nilang maglakad na lang pauwi.  Gusto rin kasi ng kaibigan na tumambay muna sa bahay nila bago tuluyang umuwi.  Habang naglalakad ay kinuwento niya rito na nakasabay niyang mag-lunch si Blue.

“Talaga?  Kasabay mong nag-lunch si Blue kanina?  Ikaw na talaga, girl!  Kaya pala nakalimutan mo na akong yayain.  Fafa pala ang kasabay ng loka!”

Napatingin siya kay Micheal, “Ano naman kung kasabay ko siyang mag-lunch?  Hindi naman big deal iyon friend para mag-react ka ng bongga! Saka wag kang magselos, hindi kita ipagpapalit doon!”

“Tse!  Wala akong  pakialam sa’yo, no!  Ikaw lukring ka, matagal ko ng mahal iyang si Fafa Blue.  Hindi ko alam ikaw lang pala ang makakabingwit!”

“Ang taray nito!  Huwag kang mag-alala dahil drama lang naman ang lahat between us.  Iyong-iyo si Blue.  At saka ayaw mo niyon, mas magiging malapit ka sa kanya dahil liligawan na niya ako?” nakangising binalingan niya si Michael.

“Ang kapal talaga ng balat mo sa mukha, girl!  Sabi mo nga, drama lang, hindi ba?  Kaya huwag kang ambisyosa, uy!”  Tinuru-turo pa siya nito, “Saka kung hindi mo siya pinilit, hindi ka rin naman niya liligawan!”

Natawa siya ng malaks sa inani ni Michael dahil tama rin naman ito.  Ngayon lang din niya na-realize na nakakahiya talaga ang ginawa niyang paghingi ng tulong rito.

“Ay, basta!  Kanya-kanyang paraan lang iyan, friend!  Kapag natapos ko ang kwento, ilalakad kita kay Blue.”

“Talaga lang, ha!  Promise?” tila excited pang wika nito.

“Promise!”  Sabay apir nilang dalawa ni Michael.

Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nila ay natanaw na ni Audrie ang kaibigang si Justine na nasa terrace ng bahay nila.  Nang makita sila nito ay kumaway ito saka sila mabilis na naglakad ni Micheal.  Pagdating na pagdating nila ay agad din na kinuwento nito kay Justine ang ginawa niyang pamimilit kay Blue.  Hindi tuloy maawat ang tawa nito.

“Tin, kung pagtawanan mo naman ako, sagad ah!  Sana pala hindi ko na lang isinulat ang love story niyo ni Henrick,” patampong wika niya sa kaibigan.

“Hindi naman iyong pagkadesperada mo ang ikinatawa ko, girl!  Hindi ko lang lang ma-imagine kung paano ka liligawan ng isang lalaki na mukhang hindi naman yata nakapanligaw pa ever!  Saka napilit mo pang ligawan ka, paanong nangyari iyon?  Winner ka pala sa convincing powers mo!”

Napataas ang isang kilay niya.  “What do you mean hindi pa nakapanligaw?”

“Oo nga, ano?  Hindi ko naisip iyon, Tin,” ani Michael.

“Teka, medyo loading ako.  Pwede paki-ulit?” aniya.  Imposible naman sigurong hindi marunong manligaw si Blue.  Sa palagay niya ay marami na ang naging girlfriend nito.  Dagdag pang ilang beses na niya itong nakita na may ka-date.  Pero gwapo si Blue at possible talaga na hindi na ito nanliligaw ng babae.  Anong drama ang gagawin nito sa kanya?  Paano na ang kwento niya kung hindi marunong manligaw si Blue?  No!  Hindi pwede!  Pumayag siya kaya data gumawa siya ng paraan!!!

Kakatapos lang ng practice game nila Blue.  Dumiretso na siya sa locker room nila para magpalit ng damit.  Kanina habang naglalaro ay hindi mawala sa isip niya ang deal nila ni Audrie.  Sumang-ayon siyang tulungan ito sa paggawa ng kwento sa pamamagitang ng panliligaw niya kunwari rito.  Pero isang kondisyon ang hiniling niya, ang hindi nito isiping nagkukunwari lang siya. 

Blue's Confession: All for RealTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang