Chapter 8

107 11 7
                                    

Malapit na ang kanilang final examination kaya abala na naman si Audrie sa pag-aaral.  Pagkatapos ng semester na ito ay isang semester pa at ga-graduate na siya.  Maging si Blue ay abala na rin kaya minsan na lang kung magkita sila ng binata.  Tapos na niya ang kwento at hindi niya lang alam kung paano sasabihin rito na pwede na nitong itigil ng kunwaring panliligaw sa kanya.  Lalo pa't nahihirapan na siya sa tuwing naiisip pa lang hindi na niya ito madalas na makakasama.  Masyado na nga yata talaga siyang attached sa binata.

Nasa library siya ngayon upang maghanda para sa kanyang isang exam.  Mag-isa lang siya dahil may exam rin si Michael.  Kinuha niya ang kanyang notebook at tsinek kung meron pa siyang hindi na-review sa mga ibinigay sa kanilang pointers para sa exam.  Nang malamang wala na ay naisipan niyang magbasa na rin lang ng kahit anong libro.

Tumayo siya at nagtungo sa mga bookshelves.  Nang kumuha siya nang isang libro, lumagpas ang tingin niya sa kabilang bahagi at naroon nakita niya ang nakangising si Blue.  Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya.  Napailing na lang siya at binalik ang libro saka nagtungo sa ibang bahagi.  Ganoon pa rin.  Pagkakuha niya nang aklat ay naroon ito at mukhang inaatake ng kakulitan.

When she saw him again may hawak na itong isang malaking notebook na may nakasulat na “I MISS YOU.”  She just rolled her eyes and acted as if she didn't saw him.  Sinusubukan lang niya kung kaya niyang tiisin ang binata pero sa huli ay bigo pa rin siya.

Nang magkatagpo na sila nito ay kulang na lang na yakapin niya ito ngunit alam niyang hindi niya talaga magagawa iyon.  Kaya pilit na lang siyang ngumiti at sinuntok ito sa braso.

"Aww!  What have I done wrong?  Na-miss mo ako no?" he teasingly smiled.

"Anong miss?  Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Inirapan niya ito at naglakad siya pabalik sa pwesto niya kanina.

Sumunod sa kanya ang binata at naupo naman sa bakanteng upuan sa tapat niya.  "Alam mo namang exam week ngayon.  Pero talaga, seryoso ito," muli nitong ibinalandra sa kanya ang notebook.

Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya sa ginawa nito kaya nagyuko siya ng ulo.  Nakakahiya na talaga sa binata kapag makita na naman siya nitong namumula.  Tila isang simbolo iyon ng hindi niya maitagong pagkakilig.  But she’s afraid that everything should be stopped before it would become harder for her to save herself, to save her heart.  Kailangan na niyang sabihin kay Blue na tapos na niya ang kwento at itigil na nila ang pagkukunwari.  She then took a deep breath and looked directly to Blue’s brown eyes.

“Blue, there’s something I needed to tell you.”  Napansin niya ang biglang pagbabago ng reaksyon nito, tila ba nababahala ito ngunit nagpatuloy pa rin siya.  “I—I wanna thank you and—“

“Maybe we’ll talk next time.  I have to go.”  Mabilis itong tumayo at hinablot ang gamit na nasa upuan.  Naging maagap din naman siya sa pagsunod rito.

“Blue, I have to tell you this now!”  Hindi niya napigilang lakasan ang boses kaya sinaway sila ng librarian.  Napalingon sa kanya ang binata nang matigilan rin ito sa pagsaway ng librarian.  Ngunit nang makabawi ay lakad takbo na naman itong lumayo sa kanya.   Hindi niya maintindihan kung bakit siya nilalayuan nito.  Wala naman siguro siyang nagawang masama sa binata.  Nang tuluyan na silang makalabas ng library ay napasigaw na talaga siya.

“Blue, ano bang problema mo?  Will you stop getting away from me?”

Hinihingal pa siya at laking pasasalamat niya dahil huminto na rin ang binata.  Looking at him now, she can’t read his expressions anymore. Naguguluhan siya dahil mukhang galit ito na ewan ba niya.  But she needed to tell him!

Lumapit pa siya rito at seryosong itinuon ang mata rito.  “I’m done with my story, Blue.  I think you should stop doing sweet things and I also think it would be better for us to get rid of each other for now.”  Halos pabulong na niyang saad.  She nearly cried upon saying that.  Surely this would be the end of her happy moments with Blue.

Blue's Confession: All for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon