Chapter 9

105 12 4
                                    

Matapos ang kanyang huling exam ay mag-isa munang naglakad-lakad si Audrie para libutin ang campus.  Nagbabakasakali siyang makita niya si Blue.  Kahit makita niya lang ito at hindi na makausap, masaya na siya roon.  Kahit nalulungkot pa rin sa nangyari kahapon ay pinipilit pa rin niyang maging masigla.  Noon pa man ay ganoon na siya.  Ayaw niyang ipakita sa lahat na hindi talaga siya okay.

Natupad naman ang kagustuhan niyang makita si Blue, dahil naroon ito sa soccer field at mag-isang naglalaro.  Sinisipa nito ng malakas ang bola saka tatakbuhin at sisipain ulit.  Kinapa niya ang kanyang puso. Talagang ang binata na lang ang tanging hanap niyon.  Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng luha niya na agad din naman niyang pinahid gamit ang daliri.  Hindi naman karamihan ang tao sa bahaging iyon ng lobby kaya malaya niyang napapanood si Blue.

“Haaay… ang emotera ko talaga!” nasabi na lang niya sa sarili.

Nasa second floor siya ng building kaya tiyak niyang hindi siya makikita doon ni Blue.  Ilang minuto rin siyang naroon at pinanood ang binata hanggang sa naisipan niyang huwag na lang ituloy ang paglibot sa buong campus.  Nakita na rin naman niya ang taong gustong makita.  Tatalikod na sana siya nang maramdaman niyang may kumalabog sa likod niya at nang makitang soccer ball iyon ay humarurot na siya ng takbo.

Sigurado siyang iyon ang bolang ginagamit ni Blue at ayaw niyang makita siya nito doon kaya mabilis niyang nilisan ang kinatatayuan.  Habol pa niya ang hininga nang huminto siya sa pagtakbo at masiguradong hindi na siya doon makikita ng binata.  Hindi naman inaasahang makasalubong niya ang pinsan ni Blue na si Maricris. Tiyak niyang naroon ito upang asikasuhin ang pag-transfer sa SJA.

“Oh, bakit mukhang hinabol ka ng aso?” nagtatakang tanong nito sa kanya.  “Nakita mo ba si Blue?”  Tila hindi nito alam ang nangyari sa kanila ng pinsan nito.

Humihingal pa rin siya.  “A-ah… hindi naman.  Nag-jogging kasi ako.”  She grinned.  “Si Blue?  Hindi ko nakita,” pagsisinungaling niya.

Tumango-tango ito na tila hindi naman kumbinsido sa sinabi niya.  “May exam ka pa ba?”

Umiling siya.  “Katatapos lang kanina.  Ikaw?  Inaayos mo na ba ang mga enrollment mo?”

Umiling ito.  Mali pala siya ng akala.  “Hinahanap ko si Blue.  Pauwi ka na ba?”

“Oo.  Mauna na ako sa’yo, ha.  Check mo sa soccer field baka naroon siya.”

Ngumiti ang babae at nagpasalamat sa kanya.  Patakbong iniwan naman siya nito at nagtaka siya nang may nahulog na journal sa paanan niya.  Tinawag niya ito pero hindi yata nito iyon narinig.  Sinundan pa niya ito ngunit nang makita itong kasama si Blue na hawak-hawak ang bola ay napaatras siya.  Saka na lang siguro niya ibabalik sa dalaga ang journal nito.

Pagdating sa bahay nila ay dumiretso siya sa kanyang silid at ibinagsak ang katawan sa kanyang kama. Niyakap na naman niya ang stuffed toy na binigay sa kanya ni Blue.  Napaupo siya at nang balingan niya ang kanina’y dalang gamit napansin niyang bahagyang nakabukas ang journal na napulot kanina.  Hindi rin sinasadyang nabasa niya ang nasa unang page niyon.  “Letters To Audrie”

Suddenly, she felt her heart skipped and got the urge to read what’s inside the journal.  Noon lang din pumasok sa isip niya na maaring kay Blue ang naturang bagay.  She turned to the next page and saw her name again.  Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi niya matukoy na dahilan.  Pero may munting tinig na nagsasabi sa kanya na basahin ang kung anumang nakasulat doon.  She then took a deep breath and started to read it.

“Dear Audrie,

I saw you at the mall last time, and you were hugging that stuffed toy.  I don’t know why, but I suddenly felt like I belong there… in your arms.  So I came near that stall and bought Nicole the same stuffed toy so I could also buy you that one.  At least, at night, when you’re hugging that toy, I would feel that you’re hugging me too.  What’s with you to make me feel this way?”

Blue's Confession: All for RealDonde viven las historias. Descúbrelo ahora