Chapter 6

121 12 19
                                    

“Audrie, mag-enjoy ka lang, ha?”  Napatingin siya kay Fuchsia na siyang nagsalita.  “Mamaya open na ang stage for free jam.”

Tumango siya.  Kung kagabi ay debut party ang dinaluhan niya, ngayon naman ay nasa isang girl’s night out siya kasama ang mga pinsang babae ni Blue.  Kung nasaan man ngayon ang binata ay wala siyang ideya.  Hindi talaga kasi pumayag ang mga pinsan nito na sumama ito sa kanila.

           On stage ang Shmin Band na kinabibilangan ni Maricris.  Hindi niya akalaing gitarista ng isang banda ang babae.  Naiinggit tuloy siya rito dahil siya ay walang ka-talent-talent sa kahit anong musical instrument.

           Inilinga niya ang tingin sa paligid ng music lounge na kinaroroonan nila.  Maganda ang ambience at kahit maraming tao ay tila makakapag-emote pa rin siya doon kung gugustuhin niya.  At saka iyon ang unang pagkakataon na napadpad siya sa ganoong lugar.

“Alam niyo, may isang tao sa music lounge na ito na napakatigas ang ulo,” ani Fuchsia.

Napatingin siya rito.  “Ha?  Fuchsia, ako ba ang kinakausap mo?”  tanong niya dahil hindi naman ito sa kanya nakatingin at si Peach naman ay nasa stage lang nakatutok ang mga mata.

“Yes,” sabay harap sa kanya.  “Hindi mo ba napapansin ang taong tinutukoy ko?”

Umiling siya saka muling inilinga ang tingin.  “Hindi, eh.”

“I’ll tell you something,” inilapit nito ang mukha sa kanya, “Ilang araw na talagang nawiwirduhan kami kay Blue.  Late at night before he sleeps, nagiging abala siya sa pagsusulat.”

“Baka naman gumagawa ng assignment?” aniya ngunit umiling lang ito.

“No.  Sure ako hindi assignment iyon.  And he never stares at someone the way he stares at you, girl.  Noong isang araw naman, halos lahat ng lalaki sa pamilya, pinagtanungan niya ng tungkol sa panliligaw.”

Gusto niyang matawa, but deep inside her she was touched for Blue’s effort on helping her.  Somehow, she’s thankful but she can also feel that she’s in big danger.  Her heart is in danger of falling for him!

“Fuch, huwag mo namang ibuking iyong pinsan natin diyan kay Audrie,” awat ni Peach sa pagkukwento ni Fuchsia.

“Hindi ko naman bunibuking, gusto ko ngang sabihin sa kanya na huwag na niyang pahirapan ang pinsan nating matigas ang ulo, eh!” sabi ni Fuchsia at ngumuso.  Tila may tinuturo ito kaya siya napabaling roon.  And then her eyes caught Blue smiling at her.  Hindi tuloy siya agad nakapagsalita nang makita ito.

“Sinabihan natin siyang hindi pwedeng sumama sa atin, hindi ba?” tanong ni Peach.

Tumango si Fuchsia.  “Hayaan na lang natin.  Nandito ang irog niya, eh! Hindi yata kayang mapalayo kay Audrie.”  Tumawa pa ang dalawa. 

Kung sana nga lang totoong hindi niya talaga kayang mapalayo sa akin.  She smiled back at Blue na hindi man lang makalapit sa kanya.  Nang i-announce ng vocalist ng Shmin na open na ang stage for free jam ay nagulat siya nang biglang magtaas ng kamay si Blue.  Tila ba takot itong maunahan sa pag-vo-volunteer.  What is it this time, Blue?  Nai-excite niyang tanong sa sarili.

“Wow!  May volunteer agad tayo.  And for sure girls would love to take home this handsome lad!  Come on up here, Blue!” ani Jean, ang female vocalist ng banda.

Nagtilian ang mga kababaihang naroon.  Maging si Peach at Fuchsia ay napatili rin.  Siya lang yata ang hindi magawang sumigaw at mag-cheer para sa binata.  Tahimik lang at naka-pokus ang mga mata niya rito.

Blue's Confession: All for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon