Chapter 2

155 14 14
                                    

Naglalakad si Audrie sa tahimik na corridor ng building at abala pa rin sa pag-iisip ng kung paano siya makakagawa ng isang maganda at nakakakilig na kwento. Naisip niyang kailangan pa niyang maging mas mapagmasid sa paligid.  And speaking of mapagmasid, natigilan siya nang may narinig na tila nag-aaway sa bandang may parking area.  Dahan-dahan siyang nagtago sa isang poste ng lobby at mas marinig ang kung anong pinag-aawayan ng kung sino.

"How dare you come here after what you did last night?" galit na boses ng lalaki na tila pamilyar sa kanya ang narinig.

"I came here to apologize about it, Blue.  Kung makapagsalita naman kasi iyong pinsan mo parang ayaw niya talaga sa akin para sa'yo, eh!"

"Let me just remind you Nicole, I'm dating you because it's my mother’s request and not because I like you!  Gusto lang ni mommy na damayan kita sa pagiging brokenhearted mo, kuno!"

"I said I'm sorry!"

"At saka, bakit sa akin ka nag-sosorry?  Hindi ba iyong pinsan ko ang sinabunutan mo?  Damn!  Hindi ko akalaing behind your angelic face is a demonic attitude!  You can leave now, Nicole!"

Napasilip siya sa dalawa.  Tama nga ang hinala niya.  Si Blue ang lalaki at ang babae ay ang kasama nito noon sa mall.  Napangiti siya sa kamiserablehan ng babae.  Ayan kasi, ang arte mong babae ka, eh!  Kapal pa ng fez mo, hindi ka naman pala girlfriend!  Buti nga sa'yo!

"Blue, please... forgive me.  It will never happen again." pagmamakaawa pa rin ng babae.

"Talaga!  Dahil ayaw na kitang makita pa.  Hindi lang iyong pinsan ko ang pinahiya mo, pati na rin ako.  Kaya ang mabuti pa, bumalik ka na sa school niyo.  Wala ka nang mapapala pa rito."

"Yeah right!  Akala mo naman ikaw lang ang lalaki sa mundo?  Damn you!" bulyaw ng babae at saka mabilis nang nag-walk-out.

Napalabas siya sa pinagtataguan at sinundan ng tingin ang babaeng tinawag ni Blue na Nicole.  Saka naman siya napatingin kay Blue na binubuksan ang pinto ng kotse, tila may kinukuha roon. Ilang saglit pa ay muling lumitaw ang mukha nito.  Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mapabaling ito sa direksyon niya at huli na para magtago siya.

Pilit siyang ngumiti at kumaway rito pero nanatiling nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang kilay. Kinakabahan siya at baka siya naman ang awayin ng lalaki dahil sa pagiging usisera niya.  Pero ilang sandali lang ay walang kangiti-ngiti na tinalikuran siya ni Blue.  Sinundan na rin lang niya ng tingin ang binata.

"Ayan, sure nang walang girlfriend si Blue! Yehey!" She grinned while talking to herself.

Katatapos lang ng klase niya sa umaga at naisipan niyang magpahangin na muna sa mini forest ng SJA. Mag-isa siyang nagtungo doon dahil may klase pa si Micheal at Justine.  Simula rin kasi nang tumuntong sila ng kolehiyo ay hindi na sila masyadong nakakasabay ng breaktime.  Lalo pa at magkaibang kurso ang kinuha nilang magkakaibigan.  She took Hotel and Restaurant Management, while Micheal took Fashion Designing, and Justine took Accountancy.

Kapag ganoong oras, alas-dyes ng umaga ay madalas na solo niya ang mini forest pero napakunot ang noo niya nang makitang may lalaking naroon at nagbabasa.  Kapag minamalas nga naman, hindi tuloy siya makakapag-moment ngayon.  Nagpatuloy siya sa paglalakad pero nang mas naging malinaw sa kanya kung sino ang nasa kanyang tambayan ay na-excite siya. Si Blue ang naroon!  Ang swerte pala niya!  Pagkakataon na niya para kausapin ito.

Naalala niyang minsan nakita niya si Blue na may ka-date at obvious talaga sa binata ang pagiging gentleman dahin pinagbuksan pa nito ng pinto ang babae. Lagi itong nakaalalay rito ay higit sa lahat, nang makita niya itong naglalakad sa kalsada kasama ang isang babae, alam nito kung saan dapat lulugar.  Sa danger zone dapat ang lalaki to keep the girl in the safe side.

Blue's Confession: All for Realحيث تعيش القصص. اكتشف الآن