chapter 15

14.9K 360 57
                                    

Nicolo's P.O.V.

"Bekla, sorry na talaga. Di ko talaga keribels ang umamin kay father. Nakakalurkey, di ko knows na friendship niya pala ang papadear ni Agatha. Buti nalang di ako sinumbong ng papadear niya kay father kundi nakakahiya baka dun pa kami nag warla sa baler nila."

Hay naku! Sumasakit na ang bangs ko sa mga nangyayari. Nangako pa naman na ko sa mga babaitang 'yon na aayusin ko na 'to at di na gagamitin si Demipots. Tapos kaninang umaga dumating si father kina Agatha edi bongga, halos masira ang beauty ko sa nangyari.

"Sorry talaga Demipots, bilang ganti ibibigay ko nalang sayo lahat ng make up ko sa cabinet. Girl, imported 'yon wag ka!"

Tutal siya lang naman nakakagamit nun, yun ginagamit ko sa kanya kapag ginagamit ko siyang model. Oo nga pala about that matter pa pala.

"Oo nga pala, di nadin kita kukunin model. Baka ipachugi ako ni papa Jonas pag knows niya na pinagmomodel kita tapos... tapos pinagpanggap na jowa ko argh. Isusumbong din kasi ako ni Chin pag di pa ko tumigil."

'Tong girl kasi na 'to sayang ganda e kaya gustung gusto ko talaga siyang gawing model ko. E tapos hindi pa tumatanggi kaya naman ako go lang ng go, go lang din siya. See, kanina pa ko nagdadrama ditey wala padin siyang imik. Okay lang sanay nadin naman aketch.

Tinuloy ko nalang ang paglafang sa aking ice cream. Kukuda pa sana ko nung nakita kong nakatingin lang sakin si Demipots at nakangiti. Ay! Taray.

"Creepy mo jan teh. Bat ka nakangiti."

Kinakabahan aketch pag nakikita ko siyang may emosyon. Seryoso.

Umiling iling lang siya at nakangiti padin. Tinaasan ko siya ng kilay at kumain ulit. Ganda ngumiti nitong babaitang 'to sarap pagsampal sampalin. Ang mga tulad niya ang dahilan kung bakit di ko maangkin ang aking mga boylet.

Minsan nga di ko na alam kung sino sa kanila ni Papa J ang bodyguard talaga. Grabe kasi 'yan makabantay si papa J kay Demi lalo na sa school. Syempre knows ko 'yon dahil stalker padin ako nila papa U. Si Demi lang naman laging walang malay at alam.

Swerte ko nalang ngayon at friendship ko nadin sila papa J kaya medyo madali nalang mag stalk at syempre nakakasilay aketch. Swerte much!

"Kayo talaga ni Agatha,Chin at Alexis the Great ang hadlang sa buhay ko!" Sigaw ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at di sumagot. Kung si Agatha 'to nahampas na ko nito o kapag si Chin naman namura na aketch.

Ni watch ko lang si Demipots habang lumalafang. Nasusuka ko sa kinakain niya weirdo talaga 'tong babaitang 'to. Nilagyan lang naman niya ng sili ang kanyang ice cream. Sus ko po! Kalurkey. Ayaw pa naman ni papa J sa maaanghang.

'Sabagay, kaya siguro gusto siya ni  Papa J weirdo kasi siya.'

Napangiti aketch at feeling ko parang may bumbilya na lumiwanag banda sa ulunan ko. Well, meron nga talaga. Literal, umilaw 'yong pinlight sa tapat namin. Kaloka kanina pa kami andito ngayon lang umilaw. Yaan na nga maliwanag naman dito sa labas.

"Anyways, try ko kaya magpakaweirdo ano? Baka magustuhan din ako ni papa J. Tingin mo?"

Nagkibit balikat lang siya.

"Hmm... try ko kaya kumain ng apoy sa harap niya ano?"

Napaisip siya at napatingin sa labas.

"E kung mag bodyguard niya nalang din kaya ako?"  Kinikilig ako bakla.

Nagthumbs up lang siya.

"Try mo magsalita minsan, masaya kaya."

Kaloka 'to. Buti pa mga baby nagsasalita kahit di maintindihan e siya bihirang bihira lang.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon