chapter 16

15.6K 369 125
                                    

(Hi! LARO TAYO ! gusto ko malaman ang ideas niyo. Ang winner (kahit may pinakamalapit na sagot) may dedication/ special mention at may followback ! Marami kasi sa inyo ang maraming speculations/suspisions nakakatuwa basahin ! Gusto ko din mabasa ang evaluation niyo at pagiging imbestigador. LOL. 'Yong question ko nasa dulo ng chapter so enjoy reading ! <3)



THIRD PERSON'S P.O.V.

"Oi pre, andito ka pa pala." aniya ni at inilagay sa locker ang kanyang gamit.

"Ah oo, kinuha ko lang 'tong handouts sa locker." malamyang sagot ni Jonas.

"Oo nga pala, pinapasabi ni Chelsy baka di ka daw niya matulungan dun sa ahas na gusto mong bilhin. Naghigpit daw kasi ngayon mahirap kumuha ng permit tsaka pinagbabawal na din daw."

"Ah ganun ba. Sige pre salamat pasabi nalang din sa kanya."

"Pagpasensyahan mo na si Chelsy sa ginawa niya sayo. Medyo aggressive kasi 'yon e. Mapagpatol kasi 'yon lalo na pag nasaktan. Gagawat gagawa siya ng paraan para makaganti tsaka laging curious sa mga bagay bagay. Feeling detective."

'Kaya pala binato niya din ako nung makit ako.Abnormal 'yon, makikinig kinig kasi sa usapan. Malay ko bang siya 'yong nabato ko.' sa isip isip ni Jonas.'Gusto kong uminom, but the retards are busy right now. Ayoko pa umuwi. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa nakita ko kanina.'

"Wanna drink? As a return for helping me." anyaya ni Jonas.

"Actually wala naman akong naitulong talaga, pero sure. Actually may alam akong bar na malapit lang dito. Kung okay lang sayo dun tayo."

"No problem."

---

"Parang narinig ko na nga 'tong bar na 'to. Marami din nag rerecommend sakin nito dati pa di ko lang napupuntahan." ani Jonas habang inililibot ang paningin sa loob ng bar.

"Oo ganda ng ambiance dito, relaxing lang tsaka classic."

"Hey Jonas! Kaw nga kamusta?" bati ng isang babae na ikinagulat ni Jonas.

Napatitig lang siya dito at inalala ang mukha.

"Loisa, mabuti naman. Ikaw?"

"Okay naman, anyways wanna join us?" sabay turo nito sa mga kasamahan niyang babae.

"No thanks, I'm with my classmate. Enjoy. Iwan ko na kayo." tugon ni Jonas at tsaka naglakad papunta sa kinauupuan ni Kelvin.

"Kilala ka pala dito e." pangangantyaw ni Kelvin.

Napangisi lang si Jonas at umupo sa stool habang iniisip kung ano ang iinumin. "Hindi, HS classmate ko 'yon. Nagkataon lang andito din siya."

"By the way, may specific na alcohol ka ba na ayaw...wait." aniya ni Kelvin at napatitig sa bartender na kasalukuyang nag seserve sa kabilang dulo ng counter. "Wait... Chelsy?"

Agad na napalingon din doon si Jonas nung marinig niya ang sinabi ni Kelvin.

"Damn, she's here." aniya ni Jonas at biglang bumigat ang pakiramdam. "Saan?"

Nilinga linga ni Jonas ang tingin hanggang sa tinuro ni Kelvin ang bartender na nasa harap nila.

"Di ba pwedeng sa iba nalang kayo uminom?" masungit pero mahinahong tanong ni Chelsy sa dalawa.

Agad na natawa si Kelvin habang si Jonas ay nakatitig lang sa iritableng mukha ni Chelsy. Napaisip pa si Jonas kung ibang tao ang kaharap niya dahil hindi niya 'to mamukaan.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon