chapter 34

6.5K 225 64
                                    

Hinawakan ni Ethan ang balikat ko at iniangat ako upang iupo sa sofa. Huminga siya nang malalim habang ako ay umiiyak na nakatulala. Nag squat siya upang lumibel ang tingin niya saking mata. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil pisil yun tila pinapakalma ako. Napatitig ako sa kanya at kita ko sa mukha niya ang sobrang pagkaseryoso.

"Kailangan ko ng tulong mo." seryoso niyang sabi. "Kailangan mong kumalma, mahirap pero kailangan para makagalaw at makapag isip tayo ng tama parehas. May oras tayong hinahabol." sabay pinahid niya ang luha sa mata ko ng kanyang daliri. "Hinga nang malalim."

Agad akong sumunod sa kanya at sinabayan ako sa paghinga nang malalim hanggang sa nakatatlo kaming ulit. Pagkatapos ay kinuha niya ang bote ng tubig sa kanyang bag at ipinainom sakin yun.

"Basta ang isipin mo, magiging maayos si mama. Mahahanap natin yung bomba at walang masasaktan na inosente dito sa hospital." titig na titig niya sakin. Tumango ako at kahit papaano ay napakalma na ang sarili. Kinuha niya ang cellphone ko at may pinindot na kung ano.

"Panigurado ako na nasa paligid lang sila at pinagmamasdan tayo. Di ko sigurado pero kutob ko ay nahack nila ang cellphone at laptop natin dahil nagconnect tayo sa wifi dito sa hospital." mabilis niyang sabi at ibinalik sakin ang phone.

"Wag kang magsasabi kina Uriah, wag ka magbibigay ng clue sa kanila. Dahil malalaman ng kalaban 'yon. Pinatay ko ang connection natin sa wifi, pero may inactivate ako sa phone mo para kahit walang net malolocate kita. Hanapin mo yung location ng bomba. Kaya mo ba?"

Di ako nag alangan at tumango agad.

"Okay good. Habang ako, hahanapin ko lahat ng files na meron ako kung paano ko madidiffuse ang bomb. Long press mo lang ang volume up button sa phone kapag may biglang may nangyari sayo o nahanap mo na ang bomba. Okay?"

Tumayo ako para maghanda, kahit namamanhid ang buo kong katawan sa kaba ay kakayanin ko ito.

"Mag CR lang ako saglit, bantayan mo 'tong laptop."

Wala pang isang minuto ay bumalik na siya agad.

"Basta ang focus mo, hanapin lang ang location ng bomba. Wala nang iba at lalong wag mk gagalawin. Magsimula ka sa mga lugar na walang masyadong tao. Panigurado dahil dun nila nilagay ang bomba. Ako na ang bahala sa iba..." aniya at tila pinapahiwatig na magtiwala din ako sa kanya. "Nagset ako ng alarm sa phone mo,15 minutes, kapag tumunog yan kailangan mo bumalik dito kahit ano mangyari, makita mo man o hindi ang bomba. Ingat ka ate. "

Nagsimula akong maghanap dito sa 1st basement, sa sobrang kagustuhan ko mahanap ang bomba ay pinipilit ko buksan lahat ng mga kwarto. Pinigilan ko ang maiyak, kahit na parang sasabog na sa kaba ang dibdib ko. May mga kwartong di ko mabuksan, balisa akong napalinga sa paligid. Bawal Agatha... bawal ka humingi ng tulong sa iba gaya ng sabi ng caller. At ang mas worst ay kalaban pa ang mahingan ko ng tulong.

Okay... isip Agatha! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa frustration. Nung may makapa akong bagay ay tinanggal ko agad yun. Ito yung hair pin na binigay sakin ni Mars. Naalala ko bigla yung sinabi niya. Ito yung ginagamit niya noon nung tinuturuan niya si Demi at Chin kung paano magbukas nang nakasara na pinto gamit ang hairpin na 'to. Hindi nga lang applicable sa padlock.

Binigay niya to sakin dahil may extra pa siya at kung sakaling biglang magkaproblema.

Tinanggal ko 'yong bulaklak na design sa ibabaw at pasimpleng isinuot yun sa butas ng door knob.

Di ko alam kung tama ang ginagawa ko basta iniikot ikot ko lang yun, unti unti na naman ako nagpapanic kaya tumigil ako saglit. Tinanggal ko yun at inaalala yung ginawa ni Mars nang ipakita kong paano niya 'to ginamit. Habang naalala ko na ang ginawa niya ay isinasabay ko yun saking galaw.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon